Chapter 5

462 18 1
                                    


Heaven's Point of view


"Miko, dito nalang," sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya bago niya igilid ang sasakyan niya sa tabi ng poste. "Hindi, ihahatid na kita sainyo. Delikado na 'no," sabi niya. Napairap ako kahit hindi ko naman iyon ginustong gawin. "Alam mo, ang kulit mo talaga. Sabi kong hanggang dito nalang ,eh!" sabi ko sabay bukas ng pintuan ng sasakyan. Ang kaso naka-lock!

Umiling-iling siya. "Hindi puwede! Ituro mo nalang sa akin ang bahay ninyo," sabi niya at  nagsimula nang paandarin ang sasakyan. Napabuga ako ng hangin. Napakakulit naman nitong lalaking 'to! Sa katunayan ay kanina pa kami nagtatalo. Bakit ba ayaw niyang iwan nalang ako? Nantritrip ba siya?

"Nantritrip ka ba?" Inis kong tanong.

"Mukha bang trip 'tong ginagawa ko, ha? Ako na nga 'tong nagmamagandang loob---" Bigla akong nagsalita na ikinahinto niya. "Pwes, hindi ko naman 'yan kailangan. Ang kailangan ko, ihinto mo na ang sasakyan dito, palabasin mo ako at iwan mo nalang ako dito!" Madiin kong sabi. Punong-puno na talaga ako sa lalaking ito.

"Parang kanina lang sa bahay, bati na tayo, ah?" Natawa siya. "Ang sabihin mo, wala ka pa ring tiwala sa akin." dugtong niya na ikinatigil ko. Oo, tama siya. Mahirap nang magtiwala.

Nagulat ako nang igilid na naman niya muli ang sasakyan. Huminto siya sa pagmaneho at napatingin sa akin. "Kung ito ang gusto mo, sige. Pero sinasabi ko sayong mapagkakatiwalaan mo ako. Handa akong tulungan ka, Heaven. Gusto ko namang makabawi sayo kahit ang korny-korny ng pagkakasabi ko," sabi niya.  

"Maggrocery ka kung kailangan mo ng tulong," hirit pa niya tapos ay ngumiti siya nang malaki. Kahit alam ko namang sincere siya sa sinasabi niya ay bahagya ko siyang sinuntok sa braso.

"Sira!" natatawang sabi ko. Narinig ko nalang na in-unlock na niya ang sasakyan kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas. Lumabas din siya at iniabot sa akin ang plastic na naglalaman ng pinamili ko kagabi. 

"Salamat, Miko," sabi ko at saka tumalikod, nagsimula na rin akong maglakad palayo. Mas magandang makalayo agad ako sa kaniya dahil tiyak na kukulitin na naman niya ako. Nang makalalayo-layo na ako sa kaniya ay tumigil ako at lumingon sa likod. Wala na ang sasakyan ni Miko. 

Pero may itim na sasakyan na papunta sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot lalo't huminto ito. Hindi ko maaninagan ang tao sa loob dahil masiyadong tinted ang mga bintana. "Hindi, wala lang 'yan..." bulong ko sa sarili ko at nagsimula nang maglakad--- nang mabilis.

Nang may nakita akong daan paliko ay dumaan ako. Sa takot ko ay hindi ko namalayang nasa eskinita na pala ako--- isang eskinitang sobrang pamilyar.  Walang tao, walang bahay, tanging mga lumang poste ng ilaw ang mga nakakabit sa gilid. 

Crack! Nagulat ako nang may natapakan ako. Tila ba ay nabasag ko ito. Napahinto ako at yumuko upang tingnan ang bagay na iyon. Isang syringe. Nagkaroon lamang ito ng crack sa kadahilanang natapakan ko ito.

Inilapag ko muna ang hawak kong plastic bago ko pulutin 'yung syringe. Tinitigan ko nang mabuti ang hawak kong syringe at napansin kong gawa ito sa salamin. Ibang-iba ito sa mga karaniwang syringe na nakikita ko sa mga Hospital o Clinic. Tinitigan ko itong mabuti lalo't may laman itong likido na kulay itim. Itim? Anong klaseng likido kaya ito?

"Hey."

Nanlaki ang mga mata ko. Tila ba ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang may babaeng nagsalita sa likuran ko. 

Naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Huwag kang bastos, hija. Kinakausap kita, humarap ka sa akin," maotoridad na utos niya.

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon