Chapter 10

363 20 1
                                    

Delia's Point of View

 
Bumaba agad ako sa sasakyan nang ma-ipark ito ni Mommy. Inis akong pumasok sa loob ng bahay at dumeretso sa kitchen.

"What just happened, Delia?!"

I rolled my eyes. "I told you, Mom! Dapat talaga hindi na tayo um-agree nung una," I said. Naglakad ako papuntang Ref at nilabas ang isang pitsel ng malamig na tubig.

"I'm asking you, Delia! What happened?!" Lumapit sa akin si Mommy at hinampas ang Ref. Huh, as if I'm scared.

"Someone's following us--- uhh, Heaven," sagot ko. "I'm sure na may pakay sila kay Heaven. May nagpadala sa kanila para kunin si Heaven, right?"

Napahawak si Mommy sa ulo niya at napatingin sa akin. "Then? Anong ginawa niyo?" Huminahon ang boses ni Mommy.

Kumuha ako ng baso at sumalin ng tubig. "Well, nagpaka-Wonder Woman lang naman si Delia. Tulad nga ng sinabi mo, Mom. Ginagawa ko naman ang trabaho ko." Pagkasabi ko nun ay uminom ako ng tubig.

"Okay, okay..." tumango-tango si Mommy.

Ibinaba ko ang ininuman kong baso at napatingin kay Mommy. "Why don't we tell her the truth, Mom?" I asked. "Matanda na siya, I'm sure naman na she will understand---"

"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Lumapit sa akin si Mommy. "Wala kang alam tungkol sa bagay na ito, Delia. Kung akala mo alam mo ang lahat, pwes, nagkakamali ka."

"I know." Ngumiti ako kay Mommy at sinabing, "May alam din ako na hindi mo alam, Mommy."

 
Heaven's Point of View
 
 
"Ven, pwede mo bang buksan ito, anak?"

Nabitawan ko ang hawak kong ballpen sa gulat. Bigla kasing kumatok si Mama at nagsalita mula sa labas. Masyado akong nadala ng damdamin ko sa pagsusulat.

"Wait lang, Ma!" sabi ko habang nagmamadaling nililigpit ang mga gamit ko. Matapos kong malagay lahat ng gamit sa kahon ay nilagay ko agad ito sa ilalim ng kama ko.

Pinagpag ko muna ang damit ko dahil sa alikabok bago lumapit sa pintuan at buksan ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Mama kaya mabilis akong tumango.

"Tara sa loob, Ma. Pasensiya na po kung magulo." Sabi ko at pinapasok si Mama sa loob. Pagkatapos ay isinarado ko ang pintuan.

Unang nilapitan ni Mama ang bintana ng kwarto ko. Lumapit naman ako kay Mama at sumilip din sa labas.

"Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin, Ma?" tanong ko kay Mama.

"Anak..." hinawakan ni Mama ang mahaba kong buhok. "Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari ngayon. Alam ko rin na maraming mga katanungan ang gumugulo sa isip mo."

Napangiti ako. Tumango naman ako nang marinig ko ang mga sinabi ni Mama. "Ako man din, anak. Naguguluhan rin ako sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa atin. Pero ito ang sasabihin ko sayo, Ven. Lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay may rason. Huwag mong hayaan na talunin ka ng kuryosidad mo. May mga bagay kasing hindi mo na dapat pang malaman at para rin naman iyon sa ikakabuti mo."

"Ma, hindi ko po maintindihan." Sabi ko kay Mama. "Bakit parang laging may itinatago ang mga taong nakapaligid sa akin?" tanong ko. Ngayon ako naglakad ng loob na tanungin ito kay Mama.

Ngumiti lang sa akin si Mama. "Malalaman mo rin 'yan, Ven. Hindi muna ngayon dahil masyado pang magulo ang lahat," sabi ni Mama.

Tumango ako. Marinig ko lang ang mga linyang iyon ni Mana ay napapanatag ang loob ko.

"May ipapakita ako sayo," sabi ni Mama. Maya-maya pa ay may dinukot siya sa bulsa ng pantalon na suot niya. Isa itong pares ng dalawang hikaw. "Halika, ako ang magsusuot nito sayo."

Lumapit ako kay Mama at napangiti ako habang isinusuot niya sa akin ang pares na hikaw. Pagkatapos niyang isuot sa akin iyon ay nginitian niya ako.

"Bagay na bagay sayo, anak."

"Salamat, Ma!"

"Huwag na huwag mong tatanggalin 'yan, okay?" sabi ni Mama na ikinatango ko naman. "Oh sige, magluluto pa ako ng ulam para sa hapunan. Ingatan mo 'yang hikaw na 'yan."

"Opo, Ma. Iingatan ko 'to." Nakangiting sabi ko at inihatid si Mama sa pintuan.

Pagkaalis ni Mama ay sinarado ko na ang pintuan at lumapit sa study table ko. Pagkalapit ko ay agad kong tiningnan ang sarili ko sa salaming nakapatong sa study table ko. Ang ganda ng hikaw na bigay ni Mama, Silver ang kulay nito na nagustuhan ko naman.

Nang magsawa na ako sa pagtingin sa sarili kong repleksyon ay humiga agad ako sa kama. Nakaramdam kasi ako ng pagod pagkatapos ng mga nangyari kanina.

Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nilamon na ako ng antok at tuluyan na akong nakatulog.

 
"Grabe! Kinabahan ako dun!" Sabi niya. Si Miko. Teka, si Miko ba itong nakikita ko?

"Sabi kasing umuwi kana eh."

"Hahahahaha, okay na yun! Sige, alis nako." Sabi niya at pumara ng Jeep. Sumakay siya at kinawayan ko naman siya.

Tumalikod ako pero laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang isang napakagandang babae.

"Hi! My name is Delia, Mommy Jona's Daughter. And you are?"

"H-heaven... Heaven Carlos." Sagot ko.

Matapos kong sabihin ang pangalan ko ay bigla na lang nagbago ang lugar. Nasa isang kwarto ako na puro pink ang lahat ng gamit. Pero hindi ako nag-iisa, kasama ko si Tita Jona.

"She's Delia. My only beautiful daughter." Sabi niya. "Huwag na huwag mong tatangkain na pigilan ang anumang gustuhin ng anak ko."

"P-po?"

"Dahil wala kang karapatan." Sabi ni Tita at taas noong tumalikod saakin at naglakad papasok sa loob ng bahay.

Naiwan akong tulala at nakatingin sa pintuang pinasukan ni Tita Jona. Teka, tama ba itong nakikita ko? Bakit parang iba ang ugali nila dito?

Hahakbang na sana ako para sundan si Tita sa loob nang makarinig ako ng sobrang tinis na ingay. Isang nakakabinging ingay.

 
"Aghhh!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Tinakpan ko ang tenga ko matapos kong marinig ang isang napakatinis na tunog. Sa sobrang tinis nito ay para bang mabibingi ako.

Saan nanggaling ang tunog na iyon?!

"Teka... nakatulog pala ako?" Wala sa sariling tanong ko. Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ang napanaginipan ko.

Si Miko, si Delia at si Tita Jona. 

"Ano nga ulit 'yung nangyari?" Napakamot ako ng ulo ko nang hindi ko na matandaan pa ang mga nangyari sa panaginip ko. Basta ang natatandaan ko lang ay ang mga mukha nila at sigurado akong sila iyon.

 
 
END OF CHAPTER TEN

The Healer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon