Chapter1
“To publish or not to publish?”
Ilang beses ko na atang natanong ang sarili ko ng question na ito sa loob ng isang linggo. I never thought that it was a hard decision to make. Pero ngayong nasa harap na ako ng laptop ko, parang nagdadalawang isip na tuloy ako.
“Ano sa tingin mo Eros? Should I publish it or not?” Tanong ko sa cute kong teddy bear na nasa bed ko, na para bang sasagot yung stuff toy kong ito. Eros was a gift by my best friend Xander 10 years ago nung birthday ko at dahil sa pinanganak ako sa love month we had name him Eros or Cupid for some of you know.
“Wala namang masama diba? This is just a fictional story.” sabi ko sa sarili ko as I got off from the chair tapos humiga sa bed at niyakap si Eros.
“Wala namang makaka-alam nito plus ang dami dami kaya ng stories sa wattpad.” Again, I was trying to convince myself. “Diba Eros?”
Tinignan lng ako ni Eros na may ngiti sa cute nyang mukha. Eros had been a stress absorber and my companion kapag ako’y nagiisa which is lagi dahil sa pinagpalit na ako ng magaling kong best friend sa bagong nyang friends.
Bumagon ako sa bed at pumunta sa study table kung nasaan yung laptop ko.
“Okay!” Huminga ako ng malalim at umupo sa chair. “Masyado ka lng OA, you have nothing to worry about.” I reassure myself habang kinacopy ko yung first chapter ng story from MS Word to the new work on Wattpad.
“Okay, wish me luck Eros.” Sabi ko sa teddy bear ko habang nilalagay ang Author’s note tapos with a deep breathe ay clinick ko na ang Save and Publish button sa baba. Dinagadag ko ang cover na ginagawa ko for a week at ang description ng story. “Wala naman sigurong makaka-alam na ako ito, who could have thought that Elizabeth Lacson is Eros101, right?”
Naglog off na ko after kong mapublish yong story dahil maghahating gabe na pala and I think I have enough of internet for today.
Humiga ako na yakap yakap si Eros at dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, napa-isip tuloy ako kung paano ng simula ang lahat ng ito.
I had been a reader on Wattpad for some time now, after I saw someone shared it on Facebook and had got my interest. Naging obsess ako sa dito especially na summer vacation at wala naman akong ginagawa. Nagkaroon ako ng mga friends sa site dahil sa pagvote at pagcomment sa mga stories na gusto ko. Isama pa ang community kung saan nakakachat ko yung iba ding readers and writers through different discussions. It was the socializing that I needed especially na socially awkward talaga ako.
After a month of endless wattpad reading, nainspired ako nito na magsulat din ng stories katulad ng mga ibang writers sa site.
At first, medyu awkward sa akin ang paggawa ng story at hindi na ako nagbother na ishare ito sa site. But from time to time, nagdadagdag ako ng chapter sa story na ginagawa ko as new ideas would come up to me. I had mention some of it sa isang friend na nakilala ko sa site and she encourage me to put it up. At ngayon na napublish ko na, I just hope that it will turn out fine at sana walang makaka-alam sa school ko tungkol dito.
Opening na nagclasses next week and I will be on my senior year for this year at plano ko pa ding maging invisible this year like the last 3 years of my high school life.
To all the cliché group of high school as the high school musical had labeled, nakalimutan ata nila ang grupo ko which is the nobody group. Yes, I am your typical nobody na hindi kilala ng lahat. Yong tipong pag may nagtanong sayo kung sino ako magwowonder ka kung school mate ba tayo o kung totoong tao ba ako. Ganun ako kanobody at ang nakakakilala lang ata sa akin ay ang best friend kong si Xander at ang janitor sa school. Kahit nga ang mga teacher ko ay nakakalimutan yong pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Just Like In The Story <COMPLETE>
Teen FictionIt was a teenage love. a teenage love turn into a story then into reality? Paano kung ang isang fiction story na ginawa mo sa iyong hidden puppy love ay naging totoo? Totoo nga ba to? o isang panaginip lang? o isang kasinungalingan?