Prologue

26.4K 418 22
                                    

Huminto ako sa tapat ng isang nakapinid na pinto. Nababalutan iyon ng yelo. Ito na marahil ang kanyang silid....

Unti-unting nalusaw ang yelo nang hinawakan ko ang seradura. Marahan ko iyong pinihit upang pasukin ang silid na iyon at tumambad sa akin ang mala kristal na yelong nakapalibot sa buong paligid.

Hinanap ko ang aking pakay. Naroon siya sa bandang dulo. Nasa sulok at hindi ko maunawaan kung bakit siya lang yata sa lahat ng nahihimbing ang nakatayo. Sa bawat maraanan ko ay natutunaw din ang mga yelo at nyebe maliban sa gawi ng kinaroroonan niya.

Lumapit ako at mataman siyang pinagmasdan. Nakakulong siya sa napakakapal na yelo kung kaya't hindi ko halos maaninag ang kanyang mukha. Hinawakan ko ang yelong bumabalot sa kanya subalit kakaiba ang bahaging iyon dahil halos hindi ko iyon magawang tunawin nang basta na lamang. May mas malakas na mahika ang nagpapanatili sa lamig at tibay nito. Pero wala akong dapat aksayahing oras. Nasa kamay ng nilalang sa loob ng yelo ang nag-iisang piraso ng halamang gamot na makakapagpagaling sa aking kapatid.

Napansin kong nagyiyelo na ang aking mga kamay. Nguni't hindi ako maaaring magapi. Malayo na ang aking narating at hindi biro ang aming pinagdaanan ni Miroh upang makarating lamang sa balwarteng ito.

Ibinuhos ko ang lahat ng aking kakayahan upang malabanan ang kung anumang mahika ang mayroon siya at sa tingin ko ay nagtatagumpay ako. Nalulusaw na ang yelo sa mga kamay ko at unti-unti na rin nagbibitak ang nasa harapan ko. Hangang sa tuluyan ko na iyong nawasak.

Hindi naman natinag ang nilalang na iyon.

Si Prinsipe Clarion...

Kasing tatag pa din siya ng yelo. Mataman ko uli siyang pinagmasdan at hindi maiwasang humanga. Napakakisig niya. Matangkad siya nang isang talampakan sa akin. Maamo ang kanyang mukha pero nababakas ang kalungkutan doon. Gusto ko tuloy makitang magmulat ang mga mata niya at marahil napakaganda rin ng mga iyon. Maputla ang makinis niyang kutis. Mapupula ang mga labi. Naghahalong puti at ginto ang hibla ng kanyang may kahabaang buhok. Nadadamitan siya ng simple nguni't napaka eleganteng kasuotan na para lamang sa isang maharlika. Kulay puti at malamlam na asul iyon at may mga palamuting asul na bato.

Magkapatong ang dalawang palad niya sa dibdib at nakapulupot sa isang kamay ang isang halamang may bulaklak na dilaw at hugis ulo ng ahas. Iyon na marahil ang mirmah o snake flower....

Sinubukan kong hawakan ang halaman. Bahagya iyong gumalaw.

Huh? May buhay pa ang halaman?

O gawa na lamang iyon ng mahika?

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Paano kung bigla siyang magising kapag tinangka kong kunin ang hawak niyang halaman? Malamang magagalit siya sa akin at parurusahan...

Pero paano na lang ang aking kapatid kung hindi ko iyon gagawin. Ni hindi ko alam kung paano siya gisingin para humingi na lamang ng pahintulot. Sumpa ang pagkakatulog niya nang matagal kaya hindi siya basta-basta magigising maliban na lamang siguro kapag inalis ko ang halaman sa kanya. Nakakulong nga siya sa yelo upang mapangalagaan ang huling piraso ng halaman na iyon kaya malamang ay pahirapan kahit pakiusapan ko pa siya.

"Ano kayang gagawin ko? Parang ang hirap pa namang kuhanin ng Mirmah sa kamay mo...." - nagsasalita na akong mag-isa. Umaasang baka tumugon siya.

May isa pa akong naiisip...

" Halikan kaya kita? Ummm.. Tama! Halik ng tunay na pag-ibig! "

Lalapit na sana ako sa kanya upang gawin iyon pero...

" Teka, halik agad? Tunay na pag-ibig? Ngayon nga lang tayo nagtagpo at ni hindi pa natin kilala ang isa't isa tunay na pag-ibig agad? Luh!"

Oo nga naman paano ba natin masasabing may halik ng tunay na pag-ibig na hahamakin ang lahat?

Ah, bahala na. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan. Isipin ko nalang.... Labis akong umiibig sa iyo? Aaaaaarggg!

Para sa kapatid ko ito....

Tumingkayad ako upang halikan ang malamig niyang labi. Pero tila uminit nang tuluyang maglapat ang mga iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko na marahil ay sa kaba dahil siya ang unang halik ko. --hinalikan ko

Ilang segundo rin ang halik na iyon at hinintay ang anumang reaksiyon sa kanya subalit tila wala naman iyong epekto. Dama ko pa din ang mga labi niya at natukso akong ulitin ang ginawa ko... Medyo mas matagal kesa kanina....

Wala pa din. Patay na kaya siya? Sayang naman siya kung sakali. Huh? Ano bang iniisip ko?

Nagpasya akong kuhanin na lamang ang halaman. Nagulat pa ako nang lumipat ang pagkakapulupot ng tangkay niyon sa bisig ko. Nagtataka man ay kinailangan ko na talagang lisanin ang lugar na ito para madala na ang lunas para sa aking nag-aagaw buhay nang kapatid.

Ilang hakbang na lamang ako sa pinto nang may marinig akong malamig na tinig...

Bigla din sumara ang pintuan...

"Matapos mong gambalain ang aking pamamahinga ay basta ka na lamang tatakas dala ang mirmah?"

"Huh? Ginambala? Hindi ba't pinalaya ko siya mula sa pagkakabilanggo sa yelo?" - sa isip ko

Tila naitulos ako sa aking kinatatayuan. Hindi pa ako handang harapin siya...

Marahan ko siyang nilingon at nagulat nang nakalapit na pala siya sa kinatatayuan ko.... Tumingin ako sa mga mata niya. Napakaganda nga ng mga iyon na kulay luntian. Puno iyon ng galit at kalungkutan....

"Patawarin mo ako, kamahalan subali't kailangan ko itong gawin."

Ginamitan ko siya ng salamangka at bahagya siyang natinag. Tila mahina pa siya mula sa matagal na

pagkakahimbing. Tinakbo ko ang pinto at winasak na lamang iyon gamit ang kapangyarihan ko. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin at lalo akong namangha nang unti-unti ay nagbabago siya ng anyo....

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon