A/N:
Wow! I'm very very thankful sa mga patuloy na nagbabasa ng story na itei.And to:
MissQueensy!
At least kahit di mo natandaan ang exact name niya e may idea ka pa rin. ^_^ Thanks!
*************
"Ikaw si....?"
Nakaramdam muli siya ng pagkahilo at bahagyang pagsakit ng ulo. Maya-maya'y sumuka siya ng dugo.
"Nemeruh, sigurado ka bang natanggal mo na ang lahat ng lason sa kanyang binti?" Nag-aalalang tanong ni Cobran. Napatingin siya sa kausap nito. Ang binatang bigla na lamang sumulpot at sumipsip ng lason sa kanyang binti ay walang iba kundi ang nag-anyong tao na si Nemeruh.
"Sigurado ako, prinsipe. Ang nangyayari sa kanya ngayon ay dulot ng paggamit niya sa kanyang kapangyarihan."
Pinangko siya ni Nemeruh at lumakad na patungo sa karwahe. Gusto sana niyang magsalita ngunit nanghihina na siya. Nakita niyang nagpalit din ng anyo ang ahas na nakatuklaw sa kanya. Isa itong dalagita na marahil ay nasa labing apat na taong gulang. Nakatungo ito na tila nahihiya.
"Patawad, binibini... Nabigla lang lang ako sa pagkakaapak mo sa akin...." Halos mangiyak-ngiyak na sabi nito. Tinapik lang siya ni Cobran at sinabihan itong wala siyang dapat ikabahala.
Pinilit niyang ipilig ang ulo upang makita ang dalagita. Saglit namang huminto sa paghakbang si Nemeruh.
"A-ayos lang... Nagulat lang ako.... Bigla kitang... Naa...pakan.... Pa....pasensiya ka na.... N-nasaktan ka ba....?"
"Huwag ka nang magsalita, prinsesa.. Mas lalo ka lang nahihirapan.." Saway sa kanya ni Nemeruh. Ngayon lang niya naringgan ng pagkaseryoso ang tono nito na may halong pag-aalala.
"Hindi naman gaano, binibini... Sa tingin ko ay mas nasaktan kita...." Tuluyan nang tumulo ang luha ng dalagita.
Nagpalit anyo din si Gola at inalo niya ang dalagita.
"Huwag ka nang umiyak... Walang kinalaman ang pagkakatuklaw mo sa kanya. May dinaramdam lang ang prinsesa ngayon. Ano nga palang pangalan mo? May panginoon ka ba?"
"Ako si Hanya. Wala akong panginoon. Isa lamang akong lagalag na ahas...." Malungkot na tugon nito.
"Walang alagad na ahas ang prinsesa. Nais mo ba siyang alalayan?" Wika ni Prinsipe Cobran na noo'y pasakay na sa karwahe.
Nagningning ang mga mata ni Hanya sa narinig. Kaagad siyang tumango at dagling sumunod sa karwahe nang senyasan siya ni Gola na sumunod sa kanila.
Nang nasa karwahe na ay magkatabi sa isang upuan sina Nemeruh at Z-raye. Nakasandig ang ulo ng prinsesa sa balikat nito. Si Gola ay nagbalik na sa kanyang anyong ahas at nasa pagitan siya ni Cobran at Hanya.
Naramdaman ni Nemeruh ang paghaplos ng isang kamay ni Z-raye sa kanyang mukha. Dama niya ang panlalamig nito. Hinawakan niya ito at marahang ibinaba ngunit hindi niya ito binitawan. Gusto niyang ibahagi sa prinsesa ang init ng kanyang palad.
"Bakit mo hinahaplos ang mukha ko, prinsesa? Naiinggit ka ba na mas makinis pa ako sa iyo?"
Matamlay ang ngiti ng prinsesa. Alam naman niyang nagbibiro lang ito.
"Ang gandang lalaki mo...pala.... Kapag....nag-anyong tao.... Ne...Nemeruh....."
"Alam ko.... Sabi ko na nga ba at maaakit ka sa akin,e... Pero pasensiya ka na dahil hindi kita papatulan...."
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...