A/N: So heto na....
Ang pagpapatuloy ng ating kwento
^_^Happy reading everyone!!!!
Nina_joyce
DeniseIstheName
Yanna Garcia
Yinamarie
Maricarsh
Jeweldevine**************
"Maaari po ba akong sumama sa prinsesa, kamahalan?" Tanong ni Hanya kay Prinsipe Cobran nang umagang iyon. Kasalukuyan nang inihahanda si Z-raye para sa pagbabalik nila sa Arrence.
"Ikinalulungkot ko, Hanya ngunit sa tingin ko ay hindi makakabuting sumama ka sa kanilang kaharian. Si Prinsipe Zance ay biktima ng isang makamandag na ahas at kagagaling lamang niya.... "
Nalungkot naman si Hanya sa sinabing iyon ng prinsipe ngunit wala naman siyang magagawa at nauunawaan naman niya ang mga pangyayari.
Naramdaman niyang tila may nakatingin sa kanya at nang mag-angat siya ng ulo ay nagtama ang mga mata nila ni Prinsipe Zance. Parang nabato-balani siya sa mga mata nitong kulay bughaw na tulad ng kay Z-raye. Napakaamo ng mukha nito na may pagkaseryoso. Hindi tuloy niya maunawaan ang sarili at tanging ang malakas na tibok ng kanyang puso ang naririnig niya. Dahil doo'y hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanyang harapan. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at ginawaran ng masuyong halik sa labi.
"Magkikita tayong muli..." Bulong ng batang prinsipe sa kanya at pagdaka'y walang anumang nagbalik sa tabi ng kanyang ina at kapatid. Lahat sila ay natulala sa ginawa nito lalo na si Hanya na pulang-pula ang mukha na kulang na lang ay himatayin sa sobrang kilig at kaba. Napangisi sina Gola at Cobran na tinatapik-tapik sa balikat ang tulalang dalagita.
Upang mapabilis at makaiwas sa mga panganib sa paglalakbay ay nagbukas ng isang lagusan sina Reyna Gaeila at Clarion. Ito ay nagtatawid sa dalawang magkaibang lugar na sa pamamagitan ng mahika ay tila nagdudugtong lamang ito sa kanilang pagitan. (Portal)
Pangko ni Miroh ang walang malay na si Z-raye. Bago sila pumasok sa lagusan ay ibinalot sa kanya ni Clarion ang paborito nitong balabal na puro balahibo. Hinagkan niya ang prinsesa sa pisngi nito at nagpaalam.
"Baunin mo ang aking pagmamahal, prinsesa... Hanggang sa muli..."
Nakamasid sa kanila ang lahat at maging ang mga ito'y nalulungkot sa paglalayo ng dalawa. Lumapit si Reyna Gaeila at nagpaalam na rin sa prinsesa.
"Paalam sa ngayon, prinsesa. Isang araw ay magkakaharap din tayo at muli akong magpapasalamat sa iyo." Yumukod siya bilang pagpupugay at pagdaka'y hinaplos ang ulo nito hanggang sa gawing braso. Bahagya niyang nadantayan ang isang kamay ni Miroh na nakahawak sa prinsesa kaya't bigla silang nagkatinginan. Matipid na ngumiti ang prinsipe ngunit agad din siyang napayuko dahil kinakabahan siyang hindi mawari sa mga titig ng reyna.
Yumukod na lamang sila sa isa't isa at nagpaalamanan maging si Reyna Zaryte.Nang makatawid na ang mga ito ay unti-unti nang nagsara ang lagusan.
Namangha sila nang makitang nag-anyong ahas si Hanya at tinalon ang naglalaho nang lagusan. Umabot naman ito na makatawid hanggang sa tuluyan nang naglaho ito."Sino kaya ang susundan niya? Ang prinsesa o ang kapatid nito?" Nakangising tanong ni Gola kay Cobran.
"Palagay ko ay....pareho..." Nakangiting tugon ng prinsipe."Mabuti pa si Hanya... Susundan niya ang kanyang mga minamahal... Hindi tulad ng iba diyan..." Wika ni Reyna Gaeila na halatang pinatatamaan si Clarion. Lahat sila ay napatingin sa malungkot na prinsipe. Hindi naman ito kumibo sa pasaring na iyon ng kapatid. Napapikit na lamang siya at napabuntung-hininga.
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...