Bago magbukang liwayway ay nagawa nang makaalis sa palasyo ni Prinsesa Z-raye. Lulan siya ng kanyang kabayong si Sylvester. Magkahalong abo at puti ang kulay nito. Hindi lang matulin tumakbo sa lupa kundi kasing bilis din ito ng hangin sa paglipad. Ito ba naman ang may dalawang pares ng malalaking pakpak.
[dalawang pares talaga ng pakpak. Bale apat]
Isang liham ang kanyang iniwan sa may pintuan ng silid ng kanyang mga magulang na nagsasabing huwag na siyang sundan at nangangako siyang babalik na ligtas at dala ang mirmah kasama ang kaibigang si Miroh.
******
Sa hangganan ng Arrence ay naghihintay si Prinsipe Miroh na lulan ng kanyang higanteng agila. Si Larkon.
Doon na nila napiling magkita upang hindi sila mahalata.
"Kanina ka pa ba?" - Z-raye
"Kararating ko lang din... " -Miroh
"Tayo na kung gayon. Mahaba-haba ang ating lalakbayin."
Tumango lang si Miroh saka sumabay sa pag-usad ng kaibigan. Hinayaan lang silang makadaan ng mga tagapagbantay sa hangganan.
Payapa ang kanilang paglalakbay sa malawak na kapatagan. May mangilan ngilang kabahayan lang ang naroon at napakalalayo pa ng agwat.Ngayon lang nila napagtantong may mga naninirahan din pala sa labas ng Arrence.
Matapos ang mahigit isang oras ay hanay naman ng bulubundukin ang kanilang tinahak.
"Sa tingin mo, gaano pa tayo kalayo?" Maya-maya ay tanong ni Miroh.
"Sa totoo lang, wala akong tiyak na ideya. Ayon sa mga kawal na nakauwi, halos buong araw ang kanilang nilakbay. Pinag-aralan ko na din ang mapa at masasabi kong mula rito ay wala pa tayo sa kalahati ng ating lalakbayin."
Ipinakita niya sa kaibigan ang dala-dala niyang makabagong mapa.
Kasalukuyan silang nakahimpil malapit sa isang talon upang makapagpahinga at makakain.
"Wala tayong dapat na aksayahing oras kung gayon.Ilang minuto na lang at maaari na tayong magpatuloy. " - Miroh
"Tama ka. Ang sabi ng paham, kailangan na siyang malunasan sa lalong madaling panahon kundi ay..."
Naiyak na lang si Z-raye. Hindi niya kayang dugtungan ang sinasabi pagkat parang nadudurog ang puso niya sa iisiping mawawala ang kanyang kapatid sa murang gulang pa lamang kung hindi rin lang ito maaagapan.
Tinapik na lamang siya sa balikat ni Miroh. "Maaayos din ang lahat...."
Matapos nilang magpahinga ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Matapos ang hanay ng kabundukan ay tila isang walang hanggang karagatan ang kanilang tatahakin...
******
Naisipan ng magkaibigan na magkarera. Nakakabagot ang kanilang paglalakbay na halos maghapon na kaya naisipan nilang magkarera sa gitna ng karagatan papunta sa kabilang dulo nito. Medyo mababa ang kanilang paglipad upang sa paghagip ng hangin mula sa pakpak ng kanilang mga alagad ay magtatalsikan iyon sa bawat isa. Nakadagdag kasiyahan iyon sa kanila upang kahit papaano ay mabawasan ang kanilang kaba at pagkabagot.
Nang malapit na sila kabilang bahagi ng karagatan ay naramdaman nila ang tila pagbabago sa ihip ng hangin. Unti-unti rin nagdidilim ang kalangitan. Napatingin sila sa tubig at agad silang lumipad nang mas mataas dahil namumuo ang isang ipo-ipo. Nagmadali silang lumayo dahil nagsisimula na itong manghigop paibaba.
Habang lumalaki ay lumalakas din ang paghigop ng ipo-ipo. Inaantala nito ang paglipad ng mga alagad nila Z-raye at Miroh.
Ginawa nila ang lahat na makakaya upang higitan ang pwersang humihigop sa kanila. Nagawa na nitong madala sila sa gitnang bahagi ng pag-ikot.
Dinagdagan nila ang pwersa sa paglipad ng kanilang mga alagad. Katapusan na nila kung hindi nila matatakasan ang ipo-ipo sa tubig.
Mabilis silang nakalayo doon ngunit nagulat sila nang may sumalubong sa kanilang mga higanteng galamay mula sa tubig.
"Mga higanteng pugita at pusit?!"
Sabay nilang naibulalas habang iniiwasan ang mga galamay na umaabot sa kanila. Nagawa nilang putulin ang iba pero unti-unti ay tumutubo uli ang mga iyon...
Hindi lang iyon ang umatake sa kanila. May mga halimaw din na balyena, pating at mga kakaibang isda na kung mahahagip ka ay siguradong wala nang matitira sa iyo. Nagtatalunan ang mga iyon at nag-uunahan sa pag-abot sa kanila.
Pumaitaas pa sila ng husto sa himpapawid upang hindi sila maabot ng mga higanteng nilalang.
Subalit ang himpapawid ay hindi rin ligtas para sa kanila....
"Ano'ng.....?!"
Napalingon si Miroh sa kaibigan. Sunundan nito ang tinitingnan nito mula sa mga ulap....
Umiwas sila sa mga itim na galamay na lumitaw mula sa maitim na ulap. Nakarinig din sila ng mga ugong. Sunud-sunod din ang ginawa nilang pag-ilag sa pagsaltik ng kidlat.
Napasigaw si Z-raye nang mapuluputan siya ng galamay. Nagawa naman niyang maputol iyon gamit ang kanyang nag-aapoy na espada ngunit agad din siyang nahuli ng isa pa. Tutulungan sana siya ni Miroh ngunit maging ito ay napuluputan din. Umatake naman si Sylvester at Larkon upang iligtas ang kanilang mga panginoon.
Gumamit na sila ng mga salamangka upang tapusin ang nilalang sa himpapawid na nagtatago sa ulap. Nagawa nilang mapahantad ang kabuuang anyo nito.
Isa itong halimaw na binubuo ng mga tila kumpol ng mga galamay. May malaking bunganga at mga mata na tila karimlan kung iyong tititigan.
Naghanda sila sa pag-atake sa halimaw....
"Masyado na tayong naaantala, Miroh... Tapusin na natin agad ito."
Tumango lang ang kaibigan. Nakikita niyang nangigigil na din itong tapusin ang nilalang na iyon.
*****
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...