Chapter One: Imposibleng Posible

13.2K 309 4
                                    

Balisa ang hari at reyna ng Arrence dahil sa biglaang pagkakasakit ng bunso nilang anak. Sa pagdaraan ng mga araw ay lalo itong lumalala. Hindi pa matukoy kung ano ang sanhi nito kaya hindi pa rin siya mabigyan ng tamang lunas.

Ipinatawag na nila ang lahat ng pinakadalubhasang manggagamot sa buong kaharian subalit ni isa man lang sa kanila ay wala pang makapagpagaling sa prinsipe.

Hanggang sa isang araw ay may isang paham ang dumating sa palasyo at sinuri ang kalagayan ng prinsipe. Noong una ay nag-aalanganin pa siyang papasukin ng mga kawal. Isa siyang dayuhan sa bayang iyon at may katandaan na rin. Pinahintulutan lang siyang masuri ang prinsipe dahil kay Reyna Zaryte. Ang anuman o sinumang posibleng makakasalba sa buhay ng anak nila ay hindi nila dapat palagpasin ayon dito. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa kahit isang saglit man lamang.

Hindi tulad ng mga naunang sumuri sa batang prinsipe, natukoy kaagad ng matandang paham ang sanhi ng karamdaman nito at dahil doon magkahalong pagkamangha at pag-aalinlangan ang nararamdaman ng hari at reyna.

" Ang inyong anak,mahal kong reyna at hari ay nalason ng pinkamakamandag na ahas sa buong lupain....." Wika ng paham.

Napakunot ng noo ang mag-asawa.

" Paano niyo po nasabi ang gayon, ginoong paham? Walang nakitang tuklaw ng ahas o anumang kagat ng hayop sa katawan ng aming anak?" - ani Reyna Zaryte.

"Ang inyong angkan, mahal kong reyna ay may kakayahang magpahilom ng sariling sugat, tama ba?" - ang paham.

Nagkatinginan ang hari at reyna. Tama ang tinuran ng paham. May kakayahan nga silang mapaghilom ang sarili nila kapag nasusugatan.

" Sinasabi niyo bang naghilom ang kagat ng ahas subalit hindi siya nakaligtas sa tindi ng lason nito?" - si Haring Zanzaire

"Siyang tunay, mahal na hari."

"Kung gayon, ano po ang lunas sa kamandag na iyon? Paano po ninyo iyon natukoy nang ganun kadali? "

Napalingon sila sa nagsalita. Kay Prinsesa Z-raye, ang panganay na anak at kapatid ni Prinsipe Zance.

"Nariyan ka na pala, Mahal naming prinsesa..." - bati ni Haring Zanzaire sa anak.

Nagbigay galang muna sa kanyang mga magulang ang prinsesa at gayon din sa paham. Yumukod din ito sa kanya bago tumugon sa katanungan niya.

"Mahal na prinsesa,ang lahat ng palatandaan ng isang nalalason ng kamandag na iyon ay nasa prinsipe. Isa lang tanging lunas. At sa pagkakaalam ko, hindi iyon matatagpuan sa lupaing ito."

"Huh? Ano po ba ang lunas na tinutukoy niyo?" - Prinsesa Z-raye

"Ang Mirmah o bulaklak ahas.... Ang katas niyon ang tanging pangontra sa kamandag na nasa prinsipe. Lubha na iyong kumalat sa kanyang sistema at kailangan na siyang malunasan sa lalong madaling panahon."

"Bulaklak ahas? Pero pambihira ang halamang iyon at sa isang lupain lamang iyon tumutubo dahil sa lamig ng klima doon...." - Reyna Zaryte

"Ang tinutukoy niyo po ba ay sa karatig na kaharian, ina? Sa Sadaharra?"- Prinsesa Z-raye

Tumango ang reyna. Dahil doon ay bahagya silang nanlumo. Bukod sa napakalayo ng Sadaharra sa Arrence, ang balita pa nila ay hindi tumatanggap ng dayuhan ang mga taga Sadaharra. Mahigpit at napakamisteryoso ng bagong pinuno ng kaharian kaya malabong makuha nila basta ang pakay na halaman.

Gayunpaman ay walang inaksayang oras ang hari. Nagpadala siya ng mga tauhan sa karatig kaharian upang makakuha ng naturang halamang gamot kahit tila suntok sa buwan ang kanilang gagawin.....

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon