Chapter Eleven: Dayuhan

6.7K 195 3
                                    

Dedicated to Moonbender95! Thanks sa vote and sa pagbasa!

____________________________________

"Ano ang palagay mo sa isang iyon, Cobran?" Tanong ni Clarion sa kapatid habang pinagmamasdan nila mula sa balkonahe si Ebreo.

"Hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa dayuhang iyan.Mukha naman siyang mabuting tao pero.... Hindi pa rin natin siya dapat pagkatiwalaan."

"Gayundin ako, kailangan nating manmanan ang bawat galaw niya. Mahirap na."

Marahil ay naramdaman nito na may nakatanaw sa kanya kaya napadako ang tingin niya sa dalawang prinsipe na nasa balkonahe. Nginitian niya ang mga ito at yumukod. Wala namang reaksiyon ang mga ito.

Nakita nilang dumating ang kapatid nilang prinsesa at isinama nito si Ebreo. May napansin silang kakaibang kislap sa mga mata ng dalawa. Sa tingin nila ay may namumuong pagtitinginan sa pagitan nila at hindi sila sumasang-ayon dito....

*********

Dalawang buwan na rin mula nang mapadpad sa Sadaharra ang estrangherong si Ebreo. Kahit papaano ay nakapalagayang loob na rin niya ang mga tagaroon. Patuloy pa rin siyang nagsisilbi sa palasyo at wala namang maipipintas sa kanya ang hari at reyna. Masipag siya at maalam sa mga gawain sa palasyo. Kadalasan ay tahimik lamang siya at tila laging malalim ang iniisip.

Isang beses ay ginulat siya ni Prinsesa Gaeila dahil naabutan siya nitong nakatulala sa may hardin.

"Tila napakalalim ng iyong iniisip, Ebreo.... May mga bagay ka na bang naaalala?"

Nagbaba lang ng tingin ang binata at matagal bago siya nakatugon...

"Ahm, wala naman, prinsesa... Kuwan...ano... Ano kasi..."

"Sige na, ano ba yun....? May inililihim ka ano?" Nakangiti ngunit may halong panunubok ang tanong ng prinsesa.

Biglang nag-angat ng tingin si Ebreo.

"M-may gusto nga akong... Sabihin sa iyo... Pero sana ay huwag mong masamain...o ikagalit...."

Saglit silang nagkatitigan. Parehas bumilis ang tibok ng kanilang mga puso.

"Maaari mong sabihin ang kahit ano sa akin. Makikinig ako. Hindi ako magagalit.... Tatagpasin ko na lamang ang ulo mo kapag may hindi ako nagustuhan sa sasabihin mo."

Sabay labas ng espada nito na gawa sa yelo.

Tila napalunok naman ang kaharap. Pakiramdam kasi nito ay seryoso siya sa huling niyang pangungusap.

"Syempre, biro lang yun. Masyado kang seryoso..." Sabay pinaglaho na ang kanyang espada.

Pareho muna silang naupo sa gitna ng hardin,doon sila sa parteng tinutubuan ng mga mirmah.

"Prinsesa, sa loob ng dalawang buwan ko rito ay naging napakabuti niyong lahat sa akin... Lalung-lalo ka na. Pero sa tingin ko ay hindi ako naging karapat-dapat sa inyong kabutihan....."

Tahimik lamang ang prinsesa at hinayaan na lang siya nitong magpatuloy.

"Hindi totoong nawala ang aking alaala...."

"Ah yun ba... Matagal ko nang alam yun..."

Tila si Ebreo pa ang nagulat.

"Uh, alam mo? Paano? Kailan pa?"

"Nung una pa lang tayo nagtagpo... Halata sa mga kilos mo at paraan ng pagsasalita. Sa aming pamilya ay ako ang pinakamabilis makahalata sa isang tao kung ito ay nagsisinungaling. Hinayaan na lamang kita. Alam kong may malalim kang dahilan at matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito. Kaya magpatuloy ka... Nakikinig ako..."

Tila nakaramdam ng pagkapahiya ang binata. Napayuko siyang muli saka nagpatuloy.

"Tawagin mo akong Neji. Mula sa Aragon.... "

"Aragon? Hindi ba't ang pinuno niyo ay mahilig mangolekta ng mga natatanging likas na yaman mula sa iba't ibang bayan? "

"Tama ka. Pangangayaw ang pangunahing gawain ng aming pinuno kasama ang kanyang piling hukbo. Iniisa-isa namin ang bawat bayan o kaharian na may iniingatang natatanging likas na yaman.... Ang pangangayaw ay mula pa sa aming mga ninuno na ang tanging layunin ay ang makamit ang bawat pinakainiingatang yaman ng bawat bayan nang sa gayon ay mas maging makapangyarihan ang aming kaharian...."

"Kung gayon.....

isa kang espiya?"

Marahang tango ang itinugon ng binata sa kanya.

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Tumayo bigla si Prinsesa Gaeila pagdaka at inilabas ang kanyang espada. Itinutok iyon sa leeg ni Ebreo o Neji.

Napapikit naman ito na tila tanggap na ang nagbabadyang kamatayan....

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon