Omg!!! That hurts talaga! Huhuhu Pero huwag muna kayong magwala kdyan mga mahal kong readers dahil tulad nga ng sabi ko, let me explain or let Clarion explain....
Paki play po ang music video para mas dama niyo...*_*
*****-*-******
Special mention to the following readers.
Thank you for voting and waiting!
Cheekysis
Carlacrivera
MysteriousDeath014
Justinearcon
RoseFerrer4
SingleCyennGimena
JzAndrej
Eilairam
AdamBenting***************
"Mahal na mahal kita.....
.....Roa....."
Tila isang bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Nang kapwa sila magmulat ng mga mata ay naitulak niya sa dibdib si Clarion. Nabigla rin ito marahil sa nasabi at kaagad itong umalis sa pagkakaibabaw kay Z-raye.
Agad tumakbo palabas ng silid na iyon ang lumuluhang prinsesa.
"Sandali lang, prinsesa!" Narinig niyang sigaw nito ngunit hindi niya ito pinansin.
Daig pa niya ang sinaksak sa dibdib dahil sa sobrang sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman.
Napahinto siya sa dulo ng pasilyo at sumandig sa dingding. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at patuloy pa rin siya sa pagluha. Pinapahid niya iyon ng kanyang magkabilang palad.
Napatingin siya sa nag-aabot ng panyo sa kanya. Puno ng awa ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Lalo siyang napaiyak at pagdaka'y sumubsob siya sa dibdib nito. Marahan nitong hinagod ang kanyang likuran.
"Bakit ganoon....? Bakit labis-labis akong nasasaktan?.... Ang sakit-sakit....." Wika niya sa gitna ng paghikbi.
"Dahil labis-labis din ang nararamdaman mong pagmamahal para sa kanya...." Tugon nito sa kanya.
"Kasalanan ko..... Masyado akong umasa...... Sa simula pa lang ay alam ko nang imposible..... Pero hinayaan ko pa rin na mahulog ako sa kanya kahit batid kong may kasintahan na siya...."
"Hindi mo kasalanang nagmahal ka nang lubusan, prinsesa.... "
Patuloy pa rin sa paghikbi ang prinsesa hanggang sa nawalan na siya ng malay dahil sa labis na sama ng loob. Agad siyang pinangko ni Nemeruh upang dalhin sa kanyang silid.
Napatingin siya kay Clarion na kanina pa nakatayo sa sulok at nakikinig sa kanila. Blanko lamang ang ekspresyon ng mukha nito. Saglit na huminto sa tapat niya si Nemeruh...
"Kung hindi ko lang talaga nauunawaan ang dahilan mo sa lahat ng ito ay kinalimutan ko na ang pinagsamahan natin at kanina ko pa tinapos ang buhay mo, prinsipe...." At nagpatuloy na ito sa paglakad patungo sa silid ng prinsesa.
Nang makalayo na ang mga ito ay tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan sa pagbagsak.
"Patawad, Prinsesa Z-raye.... Patawad....." Sambit niya habang hinahatid niya ng tanaw ang dalawa.
******************
Nanghihinang bumalik sa kanyang silid si Clarion. Napasandal siya sa pintuan pagkapinid niya nito. Sumalampak siya ng pagkakaupo. Muling bumabalik sa kanyang isipan ang naganap kanina lamang. Iyon na marahil ang pinakamalaking kasinungalingan na nagawa niya sa buong buhay niya. Nagawa niya iyon dahil nais niyang lumayo ang prinsesa. Pinili niyang magalit o sumama ang loob nito sa kanya nang sa gayon ay hindi na siya pagalingin nito pati sina Roa at Gaeila. Hindi naman dahil sa ayaw na niyang mabuhay pa pati ang dalawa ngunit iyon ay dahil ayaw niyang ikapahamak ng prinsesa kung gagawin nito ang nararapat. Ang plano niya ay palayain na ito at si Miroh kahit hindi pa naibabalik ang mirmah sa kanila. Ipapaubaya na niya ang lahat kay Cobran yaman din lamang na magaling na ito... May tiwala siyang pamumunuan nito nang maayos ang Sadaharra kapag wala na siya.
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...