So heto na nga po ang last chapter ng first half ng ATIP. Bale next half will be entitled: Cold Fire
Dito na natin malalaman kung ano nga ba ang mangyayari kay Prinsesa Z-raye paggising niya at kung may pag-asa pa ba ang love life nila ni Prinsipe Clarion ngayong magkabilang mundo na naman sila.*_*
O siya samahan uli natin sila sa panibagong yugto ng kanilang kwento....
Happy New Year to all!!!
**************
Sana kasing dami ng reads/ views ng story ang votes at comments noh? Hihi I know it's too much to ask for at imposible din. Hindi naman lahat ng nagbabasa nito ay nagugustuhan ang buong kwento or lahat ng chapters. Yung iba naman hindi on line or bihira mag online kaya hindi maka vote or comment pero na appreciate pa rin ang story ko. And nagpapasalamat ako sa mga recent readers kasi talagang vote per chapter sila with comments pa.
Knowing na hindi ko naman kayo pinilit magvote. Nalulula na nga ako sa 41k views kaso ang votes wala pang 1k. °_° Musta naman di ba? Anyway, salamat pa din dahil nagbabasa pa rin kayo... At sa mga naisipan akong ifollow sana wag kayo maligaw. ^_^ joke I mean thanks sa pag follow...To:
rainmisthlee
johnkenethBalmaceda
thenghammae
lopezshamz
Missyrebelree
imaeloveyou
IamDumblegirl
BlueLover91Happy reading! ^_^
*****************
Patuloy ang pagpatak ng nyebe....
Ibinalot niya kay Z-raye ang kanyang balabal na iniabot ni Nemeruh. Napansin niya ang tumulong dugo mula sa bibig ng prinsesa at tila nadudurog ang kanyang puso nang pahirin iyon. Dinama niya ang pulso nito sa gawing leeg at napagtantong napakahina na ng pintig nito. Halos hindi na rin ito humihinga.
Bumaling siya sa mirmah na nakatanim sa di kalayuan. Pinakiusapan niya si Nemeruh na pumitas ng isang talulot nito. Agad namang tumalima ito at iniabot sa kanya ang pinitas na bahagi ng bulaklak. Piniga niya iyon sa bibig ng prinsesa sa pag-asang makakatulong iyon kahit papaano. Bahagya siyang napanatag nang maramdamang nagbalik sa normal ang paghinga nito.
Sumisikat na ang araw ngunit tila nagdidilim muli ang langit nang dumagsa ang napakaraming uwak sa himpapawid. Nakakapangilabot ang mga huning ginagawa ng mga ito habang paikut-ikot ang paglipad sa buong talampas.
Hindi na iyon ikinabigla ni Clarion sapagkat inaasahan na niya na magaganap ang mga ganoong pagkilos mula sa mga elementong nakaramdam sa kapangyarihan ni Z-raye.
Isa sa panganib na kaakibat ng paggamit ng prinsesa sa kanyang sagradong alab ay ang pagkaakit ng masasamang elemento o mga kakaibang nilalang sa kanya. Ang mga ito ay maghahangad na makamtan ang isa sa pinakapambihirang lakas na taglay ng isang tao.
Isang laksa ng mga uwak ang sumugod sa kinaroroonan nina Clarion at Z-raye. Agad na nakagawa ng pananggalang na yelo ang prinsipe gayundin si Nemeruh upang mahadlangan ang mga ito sa paglapit sa kanila. Pilit namang tinutuka at binabangga ng mga ito ang harang na ginawa niya kaya't sinikap nila na lalo iyong pagtibayin. Ang iba ay naninigas at nagyeyelo hanggang sa sila'y madurog paglagpak sa lupa. Mula naman sa kung saan ay nagliwanag ang paligid at ang iba pang mga uwak ay nalusaw. Nahulaan niyang si Roa ang may kagagawan niyon.
Nang maglaho ang kanilang pananggalang ay kaagad na silang kumilos upang madala sa loob ng palasyo si Z-raye. Sinalubong sila nina Gaeila, Cobran at Roa. Sila na ang pumuksa sa iba pang mga uwak na patuloy sa pag-atake sa kanila.
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...