Chapter Ten: Kasaysayan at Kapalaran

8.2K 202 2
                                    

Thanks to Pipercire for adding my story on your reading list!

____________________________________

A/N:

Whew! Ayan chapter 10 na. Thanks talaga sa mga nagtatyagang magbasa. ^_^ You know who you are!

Okey, chapter ten will be more about flashback of Clarion's and his family's tragic past. Malalaman na natin ang dahilan ng kalungkutan niya at bakit siya namumuhi sa mga dayuhan. Bakit nag-iisa na lamang ang snake flower at kung bakit hindi na ito maaaring itanim sa lupa upang maparami.

Sagutin na natin ang ilang katanungan at kilalanin natin si Clarion at iba pang tauhan sa kwentong ito.

Let's get it on!^_^

******

Madaling araw pa lang ay gising na si Clarion. Hatinggabi na siya natulog nung nagdaang gabi pero maaga pa rin siyang nagising. Dala na din marahil iyon ng ilang buwan na walang malay ang kanyang katawan. Tila nasasabik sa pagiging aktibo ang kanyang katawan at isipan.

Marami siyang dapat na asikasuhin ngayong gising na ang kanyang katawan. Kapag humihiwalay ang espiritu niya sa katawan noon ay limitado lamang ang mga tungkuling kanyang nagagampanan kung kaya't babawiin niya ang mga panahong iyon upang pamunuan ang nasasakupan.

Bilang panimula sa kanyang araw ay may kailangan muna siyang dalawin. Nakaugalian na niya ito kahit na noong siya ay nahihimbing.

Tulad ng silid nina Z-raye at Miroh ay naglalaho din sa paningin ang pinto ng silid na kanyang pinuntahan. Lumitaw ito mula sa pader na iyon sa kabilang bahagi ng pasilyo sa ikalawang palapag matapos niyang umusal ng isang senyas na salita.

Marahan siyang pumasok at pinagmasdang mabuti ang paligid. Mala kristal ang mga yelo at nalalatagan ng makapal na nyebe ang buong silid.

Walang anuman ang nasa silid na iyon maliban sa napakalaking higaan na gawa sa solidong yelo. Nahihimbing doon ang dalawang babae. Ang isa ay matanda ng ilang taon sa kanya at ang isa'y kasing gulang niya. Kapareho niya ang mga ito ng sinapit sa nagdaang buwan. Nahihimbing ang mga ito hanggat sila'y nagpapagaling ng pinsala sa loob at labas ng kanilang mga katawan pero hindi nila katulad si Clarion na nakakapaglakbay ang espiritu. Nahihimbing din ito sa kanilang mga katawan.

Ang nakatatandang babae ay si Reyna Gaeila. Panganay na kapatid ni Clarion. Siya ang kasalukuyang reyna ng Sadaharra ngunit dahil hindi pa siya nagigising ay si Clarion muna ang humalili sa kanya. Ang katabi naman nito ay si Binibining Roa. Anak ng kanilang punong ministro, ang kanyang kasintahan at nakatakda sana niyang mapangasawa.

Pinagmasdan niya ang dalawang importanteng babae sa buhay niya at hindi maiwasang manariwa sa kanyang alaala ang malagim na nakaraan.....

**********

Simula pa lang ng kasaysayan ng Sadaharra ay hindi na talaga sila bukas para sa mga dayuhan. Ito ay dahil nais nilang mapanatili ang pagiging puro ng kanilang lahi at kultura. Hindi rin nila ibig na mapabilang sa mga digmaan o anumang kaguluhan sa labas ng kanilang kaharian. Kung nais nilang makipagkalakalan ay nagpapadala lamang sila ng mga kinatawan sa iba't ibang karatig bayan o kaharian.Kailanman ay hindi sila humikayat o nag-anyaya ng ibang lahi na pumasok sa kanilang nasasakupan.

Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasan ang may sumubok na makipaglapit sa kanila sa magkakaibng dahilan tulad ng direktang pakikipagkalakalan, turismo, suporta sa digmaan o kaya ay tangkang pananakop.

Ngunit ang lahat ng iyon ay dumaan sa butas ng karayom kaya't ang lahat ng pagtatangka ay nabigo.

Mahigpit ang seguridad sa lahat ng hanganan sa palibot ng buong Sadaharra. Tanging pili at natatanging mga kawal o mga alagad ang naaatasan sa pagbabantay sa mga bukana. Wala pa noon ang mga halimaw na tagapagbantay sa karagatan at himpapawid.

Ang mga tagapagbantay ay pinamumunuan ng panganay na anak ng hari ng Sadaharra. Babae man ito ay pambihira pa din ang taglay lakas at kakayahan nito. Si Prinsesa Gaeila. Labingsiyam na taong gulang, mabait at napakagandang dilag. Magiging kahalili siya ng amang hari niyang si Jenaro sa darating na mga araw at lubusan iyong pinaghahandaan.

Ilang panahon lamang ang nakatakdang pamumuno niya sapagkat kailangan din niya itong ipasa sa kanyang kapatid na lalaki na si Clarion pag tumuntong na ito sa hustong gulang o kung kailan hingin ng pagkakataon.

May isa pa silang kapatid na sumunod kay Clarion, si Cobran. Nakaatas naman sa kanya ang pamamahala sa punong lungsod kaya mas madalas siyang wala sa palasyo at nagsasanay siyang mamuhay sa lungsod sa murang gulang pa lamang kayat bihira silang magkasama-sama pero nanatili pa rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Walang bahid ng anumang inggit o pag-iimbot sa kanilang mga puso.

*******

Isang araw na masungit ang panahon, nasa kanyang kampo si Prinsesa Gaeila at maya-maya'y isang kawal ang nag-ulat sa kanya.

"Kamahalan, may natanaw kaming isang lalaki na tila napadpad ng alon sa pampang at wala siyang malay. Siguradong isa siyang dayuhan dahil sa kanyang mga dalang gamit at kasuotan. Ano po ang nais niyong gawin namin sa kanya?"

Maang na napatitig sa kanya ang pinunong prinsesa. Napaisip ito nang maaaring itugon sa kanya.

"Ipakain niyo na lang sa mga pating..." Tila walang anumang sabi niya sa kawal kaya agad itong tumalima. Natawa tuloy siyang bigla at pinigilan ang papalayo na sanang kawal.

"Kapitan, nagbibiro lamang ako. Ganoon na ba tayo kawalang puso ngayon?"

Napangiti din ito sa kanya at napapailing na lamang. Minsan talaga ay hindi niya mahulaan kung kailan seryoso o nagbibiro ang prinsesa. Kadalasan kasi ay iisa lamang ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nais ko muna siyang makita..."

At pinuntahan na nga nila ang naturang lalaki. Nasalubong nila ang mga tauhan na bitbit na ang lalaking walang malay. Sa tantiya niya ay kasing gulang lamang niya ito. Lumalakas na ang hampas ng alon sa pampang kaya napagpasyahan na nilang dalhin na ito sa kampo na sinang ayunan na rin ng prinsesa.

Inilagak nila ito sa isang silid at inihiga sa kama matapos mapapalitan ito ng tuyong damit. Noon lamang niya napagmasdan ang mukha nito. Maamo ang mukha nito, kayumanggi ang kutis,katamtaman lang ang pangangatawan at taas nito. May kahabaan din ang basang buhok nito na aabot sa balikat nito

Hindi nagtagal at nagkamalay na ito. Nakatayo lamang sa tabi ng higaan si Prinsesa Gaeila at sa kabila naman ang isang kawal. Agad itong napaupo sa higaan nang makitang may mga nakatunghay sa kanya. Tila nahihiya ito at nagtataka na din kung nasaan na siya.

"Ah, na-nasaan ako? At sino kayo?"

"Narito ka sa aming kampo. Narito ka sa teritoryo ng Sadaharra at ako ay si Prinsesa Gaeila.Anong ngalan mo, ginoo at saan ka nagmula? Nakita ka ng aking mga kawal na inanod sa pampang..."

"Uh, ang totoo ay w-wala akong maalala.... Hindi ko alam ang ngalan ko, prinsesa..." Napayuko ito at tila naluluha na at naguguluhan.

Nagkatinginan naman ang prinsesa at kanyang kawal. Tila nahihiwagaan sila sa lalaking kaharap. Hindi nila tiyak kung dapat ba nila itong pagkatiwalaan. Mukha naman itong inosente at mahina kayat pinili nilang hayaan na munang makapagpahinga ito.

********

Hindi pa rin naging maganda ang panahon kinabukasan. Ipinasya munang umuwi sa palasyo ni Prinsesa Gaeila at isinama niya ang estranghero. Nasurpresa tuloy ang kanyang mga magulang. Unang beses pa lang kasi nilang tumanggap ng dayuhan sa palasyo. Gayunpaman ay malugod siyang tinanggap ng mga ito.

"Dahil sa wala ka pang maalala at hindi mo alam ang pangalan mo ay tatawagin ka na lang naming Ebreo." Nakangiting sabi sa kanya ng prinsesa.

"Maraming salamat sa inyo mga kamahalan..."

Bilang ganti sa pagkupkop sa kanya ay nagsilbi siya sa palasyo. Nakilala rin niya ang dalawang prinsipe at sa simula pa lang ay may pagdududa na ang mga ito sa kanya.....

*********

Ops! Napahaba ang flashback so ituloy natin next chapter..... ^_^

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon