Chapter Nine: Prinsesa

7.6K 243 6
                                    

A/N:

Hi! Ito na yata ang pinakamabilis kong update.... Sensiya na for the long wait. So heto na nga po. Ano na bang nangyari kay Prinsipe Miroh? At ano nga ba ang pinagdadaanan ni Prinsipe Clarion? Ano nang mangyayari sa ating bidang prinsesa ngayong nakakulong siya sa kakatwang silid na iyon sa palasyo?

********

Samantala, ang mga magulang ni Z-raye ay labis nang nag-aalala para sa kanya.

"Kanino ba nagmana ng kapusukan yang anak nating iyan? Masyado siyang padalus-dalos!"

Halos mahilo si Reyna Zaryte habang nagsasalita ang hari at paroo't parito ang lakad sa kanyang harapan. Halata niyang nag-aalala at nangangamba ito para sa panganay nila.

Gabi na ngunit wala pa rin silang balita sa anak at kay Miroh. Sa nagdaang oras ay naroon ang mga magulang nito at nakikibalita. Ipinangako na lang nila sa mga ito na sasabihan agad sila kapag may nalaan na sila tungkol sa magkaibigan.

Napapailing na lang ang reyna sa hari. "Hindi naman nakakapagtaka, Zanzaire, sa'yo niya nakuha ang kapusukang iyan."

Napabuntong hininga na lamang ang hari bilang pag-amin. Sadyang napakalakas talaga ng loob ng kanyang anak at humahanga siya dito. Nag-aalala man siya ay malaki ang tiwala niya sa prinsesa at kay Miroh na magiging ligtas ang mga ito at makakauwing dala ang naturang halaman.

Subalit naaalala din nila ang mga kahinaan ng anak. Ang matinding takot nito sa mga ahas at ang bahagyang pagkalampa nito. Madalas kasi itong mawalan ng balanse o kaya'y nadadapa na lang sa konting pagkatisod. At hindi rin siya nakakatalon nang mataas pa sa tatlong talampakan kundi ay lalagapak siya sa sahig. Kung wala lang siguro silang kakayahang magpahilom ng sarili ay malamang tadtad na siya ng galos at peklat sa kanyang balat.

Gayunpaman ay hindi naging palaasa sa kanyang kapangyarihan ang prinsesa. Sinisikap niyang labanan ang mga kahinaang iyon kahit walang tulong ng mahika.

"Ipanalangin na lamang natin ang kanilang kaligtasan. Siguradong malalagpasan nila ang mga bantay sa hanghanan ng Sadaharra. Ang kailangan na lang nila at mapapayag si Prinsipe Clarion na magbigay ng halamang gamot na iyon...." -si Reyna Zaryte

"Maaari silang mahirapan sa pagkumbinsi sa kanya. Malalim ang pinag-ugatan ng galit niya sa mga dayuhan pero naniniwala akong makakagawa si Z-raye ng paraan."

"Sana nga,mahal kong hari. Hindi ko kakayanin kung may mapapahamak sa ating mga anak at kahit si Prinsipe Miroh. Napakabuti niyang bata at hindi ako tututol kung balang araw ay sila ang magkakatuluyan..."

Napakunot noo naman ang hari sa huling sinabi ng reyna.

"Mga bata pa sila, magkatuluyan agad?"

Natawa naman ang reyna.

"Kaya nga sabi ko ay BALANG ARAW... Di ko naman sinabing bukas na!"

Iniba na lamang ng hari ang usapan. Ayaw pa niyang napag-uusapan ang ganung bagay para sa anak na babae.

"Sa loob ng dalawang araw ay susunod ako sa Sadaharra kung hindi pa din sila nakakabalik...."

*******

"Salamat, dama. Maaari ko na bang malaman ang sinapit ng aking kaibigan?"

Tango lang itinugon ng dama kanya. Lumapit ito sa pader sa gawing likuran mula sa higaan niya. Inilapat nito ang isang kamay sa pader at unti-unti iyong nagbago. Ang dating sementadong pader ay naging salamin na harang na nagsisilbing pagitan sa kabilang silid.

Namamangha namang lumapit si Z-raye at pinagmasdan ang nasa kabilang silid. Tulad ng kanyang tinutuluyan ay walang anumang nasa silid na iyon maliban sa ilaw at sa isang higaan na nakalutang. Kulay luntian naman ang naroon at may isang lalaking nakahiga doon. Wala iyong malay at may ilang punit ang damit nito. May ilang mga sugat pa ito ngunit unti-unti na ring naghihilom. Nakilala niya agad na iyon ay si Miroh. Kinatok niya ang salamin at tinawag ang pangalan ng kaibigan ngunit hindi ito tuminag.

"Hindi ka niya naririnig, mahal na prinsesa. Makapal ang harang na ito at walang anumang mahika mula sa inyo ang gumagana sa mga silid bilangguan ng palasyo."

"Ah, ganun ba. Pero, ayos lang kaya siya? Kailan pa siya nariyan?"

"Ilang minuto bago ka magkamalay kanina ay dinala na siya dito ng mga alagad. Wala na siyang malay noon at kahanga-kahangang natalo niya si Heranon. Mukhang labis siyang napagod at naubusan ng lakas sa pakikipagtunggali kaya't bumigay ang kanyang sistema."

Naaawa man sa kaibigan ay gumaan na rin ang kanyang kaloobam dahil ligtas itong tulad niya.

"Muli akong nagpapasalamat sa iyo, dama Marfa."

"Ang kanyang kamahalan ang mas marapat mong pasalamatan dahil pinahintulutan niya pa kayong mabuhay."

Tumango na lamang siya. Iniisip niya kung ano ba ang plano ni Clarion sa kanila ni Miroh. At paano na lang ang kanilang misyon kung pareho na silang nakabilanggo doon? Tumatakbo ang oras at kailangan nang malunasan ang kanyang kapatid bago pa mahuli ang lahat.

Humawak uli sa pader si Marfa at muli iyong nagbalik sa dati...

******

Kasalukuyang nasa kanyang silid si Clarion kasama ang cobra na si Nemerhu.

"Ano'ng balak mo sa dalawang dayuhan, Clarion?"

"Pinag-iisipan ko pang mabuti... May kakaiba sa kanila lalo na sa prinsesang iyon at nais ko iyong malaman."

"Talaga? Tulad ba na kung bakit pumulupot sa kanya ang mirmah?"

Nabawi na niya mula kay Z-raye ang mirmah at ngayon ay inilagay niya ito sa isang babasaging sisidlan at sinamahan niya ito ng buhay na nyebe sa loob upang manatili itong buhay kahit hindi nakatanim sa lupa.

"Isa na iyon... Ang isa pa ay ang kanyang alab. Bibihira sa mga taong may kapangyarihan ng apoy ang may ganoong uri ng alab...."

"Ang bughaw na alab ba? Sadya ngang pambihira ang gayon. Napakalakas niya para sa isang prinsesa. Pero ano naman ang magiging silbi ng kakayahang iyon sa iyo?"

"Noong nabubuhay pa sina ama at ina ay nabanggit nilang may kakaibang kakayahan ang mga taong may bughaw na alab. Bukod sa iyon ang pinakamainit na alab, marami din itong nagagawang iba pang mga bagay. Tulad na lang nang pagtunaw niya sa yelong nakabalot sa akin nung nahihimbing pa ako. Walang anumang kapangyarihan ang nakakawasak sa kalasag na yelong iyon maliban sa kanyang alab. At hindi ako basta-basta magigising lang. Hindi pa ako lubusang nakakabawi ng lakas ko... Pero nang siya'y dumating.... May tila kakaiba talaga sa kanya na hindi ko lubusang maunawaan kung ano...."

Napahugot siya ng malalim na hininga. Tumanaw siya sa bintana kung saan masisilayan ang liwanag ng buwan.

"Maaaring imposible ang iniisip ko, Nemerhu, pero baka isa siya sa makakapagpabago ng lahat..."

*****
Til next chapter po! Thank you for reading! ^_^

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon