Chapter Twenty Two: Polseras

8.6K 211 62
                                    

A/N:

So heto na nga.... ^_^ Sareh talaga sa tagal ng update...

Happy Reading and many thanks for adding and my story...

Mallowsko3
little_darkAngel08
braneiadejesus
Icensaber
Kuya_liMark
Lulu_jin20

O, huwag magtampo ang iba, may next chapters pa...^_°

******************

"Ang akala ko'y bukas ka pa babalik, Cobran..." Masaya silang nagyakap.

"Maaga kong natapos ang mga gawain ko sa lungsod at hindi rin naman nagtagal ang pagpupulong na aking dinaluhan. Isa pa ay nag-aalala ako dahil iniisip kong hindi ka pa rin nagkakamalay." Tugon nito nang magkalas sila.

"Wala ka nang dapat alalahanin. Nanumbalik na uli ang aking lakas."

"Sigurado ka ba,Z-raye?"
"Ako ba naman ang makatulog ng tatlong araw.... Malamang ay sagad na ang pahinga ko." Nakangiti niyang saad sa prinsipe.

Napansin ni Cobran ang paglapit ni Miroh at kaagad niya itong binati.

"Kamusta, Prinsipe Miroh? Narinig kong bahagya kayong nagkasagutan ng aking kapatid kanina. Pagpasensiyahan mo na sana siya."

"Ayos lang ako, Prinsipe Cobran. Wala naman na sa akin ang nangyari kanina. May mali din naman ako dahil hindi ako nag-ingat sa aking mga salita." Nakangiti niyang tugon.

"Siyanga pala, prinsesa... Kumain ka na ba? "

"Naku, hindi pa nga pala ako kumakain mula nang magising ako. Pababa na kami ni Hanya kanina nang makita ko si Miroh sa silid nina Reyna Gaeila at yun nga naabutan kami doon ni Clarion..."

Napatingin siya kay Miroh at napansin niyang namula na naman ito nang mabanggit ang reyna.

"Ah, ganoon ba. O, siya tayo na at bumaba. Dalawang oras pa bago ang hapunan kaya magmiryenda na lang muna tayo."

Sumang-ayon sila at magkakasamang nagtungo sa komedor.

*******************

Matapos nilang kumain ay nagtungo sila sa hardin. Natuwa si Z-raye sa napakagandang tanawin sa dapit hapon. Ilang sandali na lang at lulubog na ang araw sa kanluran at tanaw na tanaw nila iyon mula sa talampas na kinaroroonan ng palasyo.

Napahalukipkip si Z-raye nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin. Nalimutan niya ang kanyang balabal kung kaya't bahagya siyang nangatog. Naramdaman niyang may nagpatong ng mabalahibong kapa sa kanyang balikat. Nalingunan niya si Cobran. Ngumiti siya rito at nagpasalamat.
Ibinaling niyang muli ang paningin sa tanawing nakapaligid sa talampas. Bahagya siyang napahakbang pasulong nang matawag ang pansin niya ng isang tanawin sa bandang silangan.

"Cobran...." Tawag niya sa prinsipe ngunit nanatili pa rin ang mga mata niya sa dakong iyon.

Lumapit sa kanya ang prinsipe at sinundan ng tingin ang nakatawag ng kanyang pansin.

"Cobran, talon ba ang nasa bandang iyon?" Turo niya sa kanyang tinatanaw.

"Oo, prinsesa. Iyon ang talon ng Villaña... Ang pinakamataas na talon sa Sadaharra. Bakit?"

"Maaari ba tayong magtungo roon isang araw? Tila napakaganda ng lugar na iyon." Buong paghanga niyang nasambit kay Cobran. Napangiti naman ito at agad sumang-ayon.

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon