To JhenaleeJimenez and HoneyGracee24
Thanks for adding my story in your reading list.^_^
I was not expecting na aabot pa ng 1k views ang story ko na ito bago mag one month sa wattpad. Considering na hindi ito yung first story ko dito pero this story nga pala ay 2nd series na ginawa ko 15 years ago.
Yup 15 years na po ang story ko na ito at sinulat ko siya when i was 13 years old. My first series was Jessie at Bhea. Grade 6 ako nung isulat ko and soon mababasa nyo rin yun dito. ^_^
*******
Maagang nagmulat ng mga mata si Prinsesa Z-raye. Dahan-dahan siyang bumaba sa higaan at baka malaglag na naman siya. Napaikot ang mata niya ng agad lumapat sa sahig ang mga paa niya. Napakababa naman ngayon ng pagkakalutang ng higaan. Naiiling na lang siya.
Lumapit siya sa dingding na naghahati sa silid nila ni Miroh at sinubukang ilapat ang kanyang tenga doon upang pakinggan kung may kumikilos na ba sa kabila. Ngunit naalala niya ang sinabi ni Marfa na malabong magkarinigan sila.
Nakaramdam siya ng 'tawag ng kalikasan' kaya't nagtungo siya sa palikuran ng silid na iyon. Nais din sana niyang maligo ngunit wala naman siyang pamalit na damit. Naghilamos na lamang siya at nagmumog. Matapos ay muli siyang bumalik sa higaan. Kinakabahan siya sa maaaring gawin sa kanila ng prinsipe.
Maya-maya lang at lumitaw muli ang pintuan at bumukas iyon. Pumasok si Dama Marfa na may dalang pagkain.
"Ang iyong agahan, prinsesa..."
Tinanggap naman niya iyon at nagpasalamat. Saglit siyang kumain at nang matapos ay muling nangulit sa dama.
"Dama, nakikiusap akong muli. Alam kong malabo ito ngunit nais ko pa rin na subukan."
"Ano ang ibig mong mangyari, prinsesa?"
"Ibig ko siyang makausap muli. Hindi niyo lang alam kung gaano ako nag-aalala sa aking kapatid ngayon. Anumang kabayaran ay handa kong ibigay para lamang sa ikakalunas niya..."
Nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha. Napabuntong hininga ang dama. Nahahabag din naman siya sa dalaga ngunit malabo naman talaga ang hinihiling nito.
Sa kabilang banda, may nararamdaman siyang kakaiba sa pagkatao ng prinsesa. Hindi naman iyon negatibo at batid niya na gayundin ang prinsipe kaya marahil ay hindi pa siya nito tinatapos at ang kaibigan nito. Ibig niyang malaman kung ano talaga ang mayroon sa prinsesa. Nabuo sa kanya ang isang pasya....
************
Kinagabihan....
Pinuntahan siyang muli ni Dama Marfa na bahagya niyang ikinagulat dahil inaasahan niyang nagpapahinga na rin ito sa mga oras na iyon.
"Sumama ka sa akin, prinsesa..."
Nag-aalangan man ay agad siyang tumalima.
Lumabas sila nang silid at tinahak ang mahabang pasilyo. Nais sana niyang magtanong kung saan sila tutungo ngunit sinenyasan siya nito na huwag maingay.
Tumapat sila sa isang bahagi ng dingding. May inusal lamang na mga kataga si Marfa at bigla ay may lumitaw na pinto. Pumasok sila sa isang silid na napapaligiran din ng yelo at nyebe. Naroon ang isang higaan na gawa sa yelo at nakahiga roon ang dalawang babae.
Mataman silang pinagmasdan ni Z-raye at hindi niya napigilan ang lihim na humanga sa kagandahan ng mga ito.
"Sino naman sila?"
Tanong niya kay Marfa.
"Siya si Reyna Gaeila.. Ang nakatatandang kapatid ni Prinsipe Clarion. Ang katabi naman niya ay si Binibining Roa, ang kanyang kasintahan..."
Tila may naramdamang bahagyang kirot sa kalooban si Z-raye sa huling sinabi ng dama.
Ang unang lalaking nahagkan niya ay pag-aari na ng iba. Ang batid niya ay wala siyang pagtingin sa prinsipe kaya hindi niya maunawaan ang nararamdamang panghihinayang sa kanyang kalooban.
"Ano ang nangyari sa kanila?"
Ang inaasahan niya ay muli itong tatangging magkwento tungkol sa nakaraan ngunit taliwas naman ang nangyari. Inilahad nito sa kanya ang puno't dulo ng lahat...
Mataman siyang nakinig at doo'y lubos niyang naunawaan ang kalagayan ni Clarion.
"Ganoon pala ang nangyari... Napakasaklap..."
Nilinga niya si Marfa na nanatiling blanko ang ekspresyon.
"Ngunit.. Bakit mo nga pala ako dinala rito?"
"Ang totoo ay hindi ko rin matiyak ang aking sarili, prinsesa. Pero sa tingin ko ay malaki ang maitutulong mo..."
Tiningnan niya ito nang may pagtataka.
"Ano ang aking maitutulong? Paano? Ni hindi ko nga matupad ang misyong ito para sa aking kapatid..."
Inilabas ni Marfa mula sa loob ng kanyang damit ang sisidlan ng mirmah at iniabot iyon sa kanya na lalo niyang ipinagtaka.
"Kailangan na nating magmadali."
Nilisan nila ang silid at nagtungo sa kinaroroonan ni Miroh. Naalimpungatan agad ito nang kanilang gisingin. Natuwa ito nang makita siya.
Agad silang kumilos at tinungo nila ang silong ng palasyo kung saan naroon naman ang alagad ni Z-raye na si Sylvester. Nakakulong ito sa yelo.Hinanap din ng mga mata niya si Larkon ngunit...
"Wala na ang aking alagad, Z-raye. Napuruhan siya ni Heranon sa huling atake niya sa amin.."
Nalungkot naman siya para sa kaibigan.
Halos buong buhay na kasi nilang kasama ang mga alagad kayat masakit sa kalooban kapag pumanaw ang mga ito.
Samantala, pinalaya ni Marfa mula sa yelo ang alagad ni Z-raye at pagdaka ay lumabas sila sa bakuran ng palasyo. Pinaunang sumakay ni Z-raye si Miroh at ibinigay dito ang mirmah.
Biglang kinutuban ang binata nang hindi sumunod sa paglulan ang kaibigan.
"Makinig ka, Miroh. Pakihatid sa aking kapatid ang mirmah at pakisabi sa aking ama at ina na huwag silang mag-alala sa akin..."
Lihim na humanga sa kanya si Marfa. Hindi nga ito nagkamali sa iniisip niya rito.
"Bakit hindi ka na lamang sumama sa akin, prinsesa? Magkasama tayong nagtungo dito kaya't magkasama rin tayong uuwi sa Arrence! Hindi ako makapapayag sa gusto mo..."
Tangkang bababa si Miroh nang gamitan siya ng mahika ni Z-raye at siya'y naigapos kay Sylvester.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?"
Napalingon silang lahat sa nagsalita.
Naroon at nakahalukipkip sa may bukana ng palasyo si Prinsipe Clarion at kitang-kita sa mga mata nito ang pinipigilang galit.
Pinasibad ni Z-raye si Sylvester at agad itong pumaitaas sa himpapawirin lulan ang nagpupumiglas na si Miroh.
Ipinahabol niya sa mga alagad ang papalayong si Sylvester at kanyang hinarap sina Z-raye at Marfa.
Marahas niyang hinigit sa isang bisig si Z-raye. Nahintatakutan ito sa ipinapakita niyang galit. Si Marfa naman ay sinusubukan siyang awatin.
"Ako na lamang po ang inyong parusahan, kamahalan. Ako ang may kasalanan."
Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng prinsipe na ikinalugmok niya sa lupa. Napaiyak siya sa sakit maging sa galit na inaani mula sa prinsipe.
"Taksil! Paano mo ito nagawa, dama? Ipinagkatiwala ko sa iyo ang mirmah!"
Sinipa niya rin sa tagiliran ang dama at lalo itong napalugmok.
"Tama na, mahal na prinsipe. Wala siyang kasalanan...Handa ko nang tanggapin ang kaparusahan mo basta hayaan mo lang makauwi sa amin si Miroh... Kailangan ng aking kapatid ang..."
Isang mas malakas na sampal ang tinanggap niya mula sa prinsipe. Marahas nitong sinampiga ang bisig niya.
"Talagang matitikman mo ang kaparusahan ko, lapastangang prinsesa!"
Kinaladkad na siya nito papasok sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...