To:
ladyMerryRose,
This chapter is for you....
Thank you for reading ang voting!
n_n !!
**********************
Nagising sina Hanya at Gola na wala na sa kanilang tabi si Prinsipe Miroh. Nilinga nila ang paligid at wala silang nakita ni anino ng isa man sa kanilang mga panginoon.
"Saan kaya nagsuot ang mga iyon? Hindi man lang tayo inaya?" Wika ni Gola. "Marahil ay nalibang sila sa paligid at hindi nila napansing napalayo na sila sa atin." Tugon naman ni Hanya.
Gumapang pa sila nang bahagya upang hanapin ang magkakaibigan ngunit natigilan sila nang may maramdaman silang kakaiba sa bahagyang pagyanig ng lupa. Kapwa sila nag-anyong tao.
"Doon nagmumula ang kakaibang pagyanig..." Turo ni Hanya sa gawi ng kwebang malapit sa talon. Nagmadali silang nagtungo roon sapagkat dama nilang nasa panganib ang tatlo. Isang kilometro din ang kanilang tatakbuhin upang makarating doon at habang papalapit sila ay natanaw nila ang paparating na si Prinsipe Clarion sakay ng puting tigre nito na may pakpak kasama si Nemeruh.
Bago pa man lumapag sa lupa ang sinsakyan ni Clarion ay tumalon na si Nemeruh nang sila'y matanaw nito. Anyong tao na ito nang lumapat sa lupa.
"Nasaan na ang inyong mga panginoon?" Tanong niya sa dalawa.
"Naroon sila sa loob ng kwebang iyon..." Tugon Gola.
"At kayo, bakit narito kayo at hindi niyo sila kasama?" May tono ng pang-uusig na tanong ni Clarion sa dalawa. Napayuko naman ang mga ito. "Patawad, kamahalan. Nakatulog din kami katabi si Prinsipe Miroh kanina. Samantalang sina Prinsipe Cobran at Prinsesa Z-raye ay namasyal sa paligid. Paggising namin ay wala na si Prinsipe Miroh. Nakaramdam kami ng pagyanig ng lupa na nagmumula sa kwebang iyon... Ang hinala namin ay naroon sila at nasa panga......"
Hindi na natapos ni Gola ang kanyang sinasabi dahil nang mag-angat sila ng ulo ay nakalayo na si Prinsipe Clarion patungo sa kweba kasunod si Nemeruh. Naiinis pa silang nilingon nito at sinenyasang sumunod na sila.
Naabutan nilang nahila na ng halimaw sina Z-raye at ang dalawang prinsipe. Napuluputan na ng mga baging ang mga ito hanggang leeg at inilalapit na sa bunganga upang lamunin ang mga ito. Inagapan ni Clarion ang halimaw sa pamamagitan ng pagparalisa dito gamit ang kapangyarihan ng yelo.
Ang tatlong ahas naman ay mabilis na inalis sa pagkakabitin sina Cobran, Miroh at Z-raye. Tumalon sila nang mataas at gamit ang kani-kanilang mga sandata'y pinutol nila ang mga baging na nag-uugnay sa mga ito sa halimaw. Inalalayan nila ang mga ito sa pagbagsak sa mabatong lupa. Si Cobran ay inalalayan ni Gola, si Hanya kay Miroh at si Nemeruh kay Z-raye.
"Ayos ka lang ba,prinsesa?" Tanong ni Nemeruh kay Z-raye nang maibaba na niya ito.
"Ayos lang ako. Maraming salamat." Tugon ng prinsesa at pagdaka'y tumingin siya kay Clarion.
"Mabuti at dumating kayo,kuya. Salamat... Mamuntik na kami doon..." Wika ni Cobran nang makalapit sa kapatid.
"Lisanin na ninyo ang kweba. Kailangan kong tapusin ang halimaw na iyan bago pa mawala ang epekto ng aking kapangyarihan."
"Tutulungan ka na namin..." Mungkahi ni Z-raye ngunit hindi siya pinansin ng prinsipe at sa kapatid pa rin nakipag-usap.
"Ilayo niyo na dito ang prinsesa. Mapanganib para sa kanya ang maamoy ng halimaw dahil sa kanyang dugo na nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa..."
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...