Chapter Seven: Kalakasan at Kahinaan

7.2K 240 9
                                    

A/N:

Ok another chapter po. Kung napansin niyo ang prologue ng story ay point of view ni Z-raye at iyon ay parte din ng chapter six which is narrator's point of view. Sana wala pong malito. :)

******

Sadyang mahaba ang pasilyo pero pakiramdam ni Z-raye ay mas lalo pa iyong humaba dahil parang napakalayo pa ng hagdanan at di pa rin niya nararating sa kabila ng bilis na inilalaan niya sa pagtakbo.Nasa likuran na niya ang nagbagong anyo na si Clarion. Naging dambuhalang ahas ito.

Natatakot na siya....

Takot talaga siya sa mga ahas. Ang Sadaharra ay kilala sa napakaraming uri ng ahas na nabubuhay sa kaharian nila. Mula sa pinakamaamo, pinakamapanganib at pinakamakamandag ay mayroon sila. Kahit ang mismong uri na nakatuklaw sa kanyang kapatid...

Hindi na rin nakakapagtaka kung may kakayahan ding mag-anyong ahas ang mga tao roon katulad na lang ni Clarion.

Iyon lang yata ang hindi napaghandaan ni Z-raye. Ang matinding takot niya sa mga ahas ay nakapaghatid sa kanya ng panginginig at pagkahilo. Sinubukan niyang gamitan ng apoy si Clarion subalit nakaiwas agad ito. Nagpalitan sila ng pag atake. Bughaw na apoy laban sa yelo.

Unti-unting nawawalan ng tuon si Z-raye lalo at kamuntik na siyang lamunin nito nang buhay kung hindi siya nakaiwas.

"Aaaaaaah!!!!! "Sigaw niya sa gitna ng pagtakbo. Tila nahalata na nito ang kahinaan niya. Nagpakawala ito ng napakaraming maliliit na ahas kaya't dumami ang iniiwasan niya. Nag-uunahan ang mga itong matuklaw siya kaya pinasasabugan niya ito ng kanyang apoy. Pero patuloy pa din iyong sumusulpot.

"Bakit naman kasi ito pa ang naging kahinaan ko... Aargh!!!!"

Isa pang malakas na tira mula sa kanya. Talsikan ang mga reptilya.

Sa wakas ay narating na niya ang hagdanan. Lalo pa niyang binilisan at halos talunin niya ang bawat baitang na nakalutang. Nagulat pa siya nang isa-isa iyong naglalaho. Kagagawan iyon malamang ni Clarion upang wala siyang maapakan pababa.

Nasa sampung baitang na lang siya nang bigla na rin naglaho ang mga iyon pati ang mismong inaapakan niya.

"Hwaaaaah!!!"

Lumagapak ang katawan niya sa marmol na sahig.

"Aaarayyy!!!"

Hindi siya halos makakilos. Pakiramdam niya ay nalamog nang husto ang katawan niya dulot ng pagkakabagsak niya. Sinikap niyang bumangon. Siguradong nasa malapit na si Clarion at ang mga alagad nitong ahas.

Nilingon niya ito nang magawa niyang makaupo.... O_O

Nakatuon lang sa kanya si Clarion na anyong ahas pa din. At sa paligid nito ang maliliit na ahas. Iba-iba ang uri nito, kulay at laki. Para tuloy siyang naduduwal.

"Gwaaaarkkk!!!"

At naduwal na nga siya at nasuka.

"Aba, binibini nakakasakit ka naman yata ng damdamin niyan!"

Napatingin siya sa nagsalita.

"Sa gandang nilalang naming ito, nasusuka ka?"

Walang ibang tao sa paligid. Pero nakalapit sa kanya ang isang cobra. Tila kinikilatis siya nito.

"Ah, ikaw ba..y-yung n-nagsalita?" Nauutal nyang tanong. Pinipigilan niya ang takot para dito.

"Sino sa tingin mo?" Uyam nito sa kanya.

"May...may nagsasalita palang ahas?" Napapangiwi niyang sabi. Napabuntong hininga tuloy ito na lalo niyang ikinamangha pati ang pagpapaikot nito ng mata.

"Ay wala... Hindi ako nagsasalita.... Guni-guni mo lang iyon.."

Narinig niyang nagtawanan ang ibang kasamahan nito.

Napalitan ng pagkapikon ang takot na kanina lang ay nararamdaman niya. Gusto tuloy niyang sakalin ang cobra na ito.

Sinubukan niyang tumayo pero nabubuway pa rin siya dahil sa kirot na nararamdaman. Tila hindi gumagana ang paghilom niya.

Nalugmok uli siya sa sahig. Lumapit ang iba pang ahas. Nagsimula na naman ang pagkahilo niya. Nasusuka na naman siya...

"Subukan mong sumuka ulit, tutuklawin kita!"

Banta sa kanya ng isa pang ahas. Natutop niya tuloy ang bibig upang pigilan ang pagsuka niya. Pero hindi niya napigilan ang pag-ikot ng paningin at tuluyan na siyang panawan ng ulirat. Naramdaman niyang may mga bisig na sumalo sa kanya....

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon