To: Tenshi_s and ramelgevada
Hello! Thank you for reading and voting... Hihi palagay ko mas ok na ang ganito kaysa sa simpleng 'dedicated to'. Naisip ko lang kasi na paano kung medyo di maganda yung chapter na naka dedicate edi parang not okey ang dating sa pinag dedicate-an ko. Haha ^_^ Hope you'll like the upcoming chaps til the end.
To all readers and sa mga nag add ng story ko sa reading lists nila, thanks a lot po.
============================
Sa Arrence...
Ilang araw nang masama ang panahon sa buong kaharian. Malaking bahagi nito ang lubhang nasalanta kung kaya't maraming mamamayan ang lumikas sa ilang ligtas na lugar at ang iba naman ay pinatuloy sa bakuran ng palasyo.
Sa mga ganitong mga pagkakataon ay hindi maiwasan ang paglaganap ng sakit o karamdaman. May mga nawalan din ng tirahan at kabuhayan. Mayroon ding mga nawalan ng mahal sa buhay.
Ang bawat isa ay nagtutulungan upang makabangon ang isa't isa. Ang mga maharlika at karaniwang tao ay nagdadamayan.
Nang tuluyang humupa ang delubyo ay nagpadala ang hari ng mga kagamitan upang makumpuni ang mga gusali at tahanang nasira dulot ng sama ng panahon. Pinatulong din niya ang buong hukbo at iba pang mga alagad upang mapadali ang pagsasaayos ng mga pinsala.
Ang mga may karamdaman naman ay pinatutukan niya ng pangangalaga sa mga manggagamot maging ang paham na si Alfeo na sumuri kay Prinsipe Zance ay hindi rin nag-atubiling magbigay ng kanyang tulong.
Malaking tulong din na naroon pa ang mirmah dahil nakakakuha sila ng mas mainam na panlunas sa mga malulubhang karamdaman. Pinangangalagaan iyon ni Reyna Zaryte na nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa at kalikasan. Napapanatili niyang buhay ang halaman kahit hindi ganoon kalamig ang klima at hindi nakatanim sa pulang lupa. Hindi nga lang niya magawang maparami ito dahil tanging sa malamig na klima lamang ito lumalaki at dapat din itong nakatanim nang direkta sa lupang nakalaan para rito.
Ipinasya nilang ibalik ang mirmah kapag wala na sa malubhang kalagayan ang mga may sakit.
Samantala, si Prinsipe Miroh na dapat magdadalang muli ng mirmah pabalik sa Sadaharra ay nagpasya nang lumisan nang gumanda na ang panahon kahit hindi dala ang halaman. Labis na siyang nag-aalala kay Z-raye lalo pa at narinig niya mula sa hari na naramdaman ng mga ito ang paggamit ng kaibigan sa sagradong alab.
Batid niya kung gaano kadelikado para sa prinsesa ang paggamit ng natatanging kakayahan na iyon lalo't iyon ang unang pagkakataon.
************
Gabi na nang magkamalay si Z-raye. Bahagya pa rin siyang nanghihina ngunit pinilit pa rin niyang gumalaw. Bumangon siya at napadako ang tingin niya kay Cobran na natutulog sa mahabang upuan di kalayuan sa kanyang higaan. Naalala niya ang nangyari ng hapong iyon. Unang pagkakataon na sinubukan niyang gamitin ang sagradong alab. Alam niyang delikado para sa kanya ang gamitin iyon pero masidhi ang pagnanasa niyang makatulong. Nakita niya ang kalagayan kanina ni Cobran at labis siyang nag-alala. Hindi iyon simpleng lason lamang. Mas matindi pa iyon sa kamandag na lumason sa kanyang kapatid ngunit pareho lamang nakamamatay kung hindi mabibigyan ng mainam na pangontra.
Bumaba siya sa kama at lalapitan niya ang himbing na prinsipe upang kumutan sana ito nang may mapansin siyang isa pang nilalang sa loob ng silid. Malamlam ang nakasinding lampara kung kaya't may kadiliman sa bahaging kinatatayuan nito ngunit nakilala pa rin niya agad kung sino iyon.
"Kamusta? Mukhang mainam na ang iyong kalagayan dahil nakakapasyal ka na sa aking panaginip...."
Nilingon niya ito nang may ngiti pero nanatili pa rin itong seryosong nakahalukipkip sa sulok. Lumapit ito sa kanya at naaninag niya ang malamlam nitong mga mata. Bakas ang kalungkutan at pag-aalala rito.
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasyNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...