Thirty Eight: Alinlangan

3.1K 131 36
                                    

Greetings!!!!
To the following readers and followers,

YceArtd
Wemmel02
Abishakish
ReabethOlasiman
Emalyn09
Anahilwa
Archivalj_31
LoislaneSemper

And again to:
SingelCyenGimena
Caznelly
Kurukawa_chan
WhenSakuraBlooms

Im very thankful dahil sa patuloy niyong pagsubaybay sa mabagal kong update... ^_^

†********†

Nakaupo siya sa mahaba at malambot na upuan. Nakasuot siya ng napakagarang damit panluksa. Kulay itim ang mahabang balabal ngunit nangingislap sa diamanteng itim at iba pang palamuting bato na bumagay sa maputi at mamula-mulang nitong kutis. Lalo tuloy tumingkad ang kanyang kakisigan kaya't hindi maiwasang matulala ang prinsesa sa paghanga rito.

Gayunpaman, sa kabila ng paghanga ay naroon pa rin ang pagtatampo niya dahil sa pag-iwas nito sa kanya buong maghapon.

"Ano'ng maipaglilingkod ko sa iyo, prinsipe?" Wika niya habang iniiwas ang mga mata sa mga titig nito.

Hinintay niya ang tugon mula rito ngunit lumipas ang ilang saglit ay wala pa rin itong imik kaya't muli siyang bumaling dito at napatda nang nakalapit na pala ito sa kanyang harapan.

"Mula nang magbalik ka sa inyong kaharian.... Walang araw na hindi kita inisip... Walang gabi na hindi ako nangulila sa iyo... Ngunit ngayong narito ka nang muli, hindi ko maiwasang magkaroon ng mga agam-agam... Naroon pa rin ang takot at pag-aalinlangan... "

Tila mas lalo niyang ikinatulala ang mga pahayag nito.

"Ano ang...iyong ikinakatakot at ipinag-aalinlangan, prinsipe?"

"Natatakot ako at nag-aalinlangan sa sarili kong damdamin. Natatakot ako na mapahamak kang muli nang dahil sa akin... Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa mga nangyari... Nagawa kitang pagbuhatan ng kamay.... Napagsalitaan ng hindi maganda, at itinulak ka sa iyong kamatayan sa kabila ng dalisay mong hangarin para sa amin..."

Umiling si Z-raye. Naaantig siya sa mga sinasabi ni Clarion at nakaramdam siya ng awa para rito dahil hanggang ngayon pala ay sinisisi nito ang sarili sa mga nangyari. Humawak siya sa magkabila nitong pisngi na basa na ng mga luha.

"Kalimutan mo na ang lahat, prinsipe. Nauunawaan kong kaya mo lang nagawa ang mga bagay na iyon ay dahil sa mga masamang karanasan na inyong dinanas sa ibang dayuhan... Hindi mo rin naman ako itinulak sa kamatayan. Ako ang may kagustuhang tumulong, hindi ba? "

"Pero hindi mo kailangang mamatay... "

"Pero hindi ako namatay, Clarion..."

Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito at pagkuwa'y yumakap siya rito.

"Paano kung hindi ka pinalad? Una ko pa lang mabasa sa aklat ng sinaunang salamangka ang tungkol sa iyong alab ay natakot na ako para sa iyo. Madali ko sigurong matatanggap ang lahat kung hindi ako nagkaroon ng damdamin para sa iyo sa simula pa lamang. Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ko habang unti-unti kang nawawalan ng malay sa mga bisig ko nang mga sandaling iyon? Tila unti-unting hinuhugot ang aking hininga... Kapalit ng bagong buhay ko ay isang buhay naman ang kailangang ibuwis..."

"Prinsipe... Maaari bang kalimutan na lamang natin ang lahat ng hindi magandang nangyari?"

Marahang kumalas sa yakap niya si Clarion at masuyo siyang pinagmasdan.

"Prinsesa, marahil ay kailangan ko pa ng kaunting panahon upang matanggap ang lahat at lubusang mapatawad ang aking sarili. Sa ngayon, ipagpaumanhin mo kung tila naglagay ako ng pader sa pagitan natin... Ngunit huwag mo sanang isipin na binabalewala kita... Kailanman ay hindi ko iyon magagawa..."

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon