Chapter Twelve: Panganib

8.2K 182 0
                                    

To PunkTj...

Thank you for adding my story on your reading list.

____________________________________

A/N: Gosh! Umabot na ng chapter 12 ang flashback! Actually hangang kalahati pa ng Chapter 13.^_^

**********

Mahigit sampung segundo ang lumipas ngunit wala pa rin nararamdaman na anuman si Neji. Hindi pa sumasayad sa kanyang katawan ang sandata ni Gaeila. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niyang nakatayo pa din ito sa kanyang harapan. Malungkot ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Marahan siyang tumayo upang harapin ito.

"Ano ang... Plano mo?" Tanong nito sa kanya.

"Wala kang dapat ikabahala sa akin. Hindi ko kayang suklian ng hindi maganda ang inyong ipinakitang kabutihan sa akin. Kailanman ay hindi kayo tumatanggap ng dayuhan sa inyong bayan ngunit nagawa niyo pa rin akong kupkupin. Isang karangalan para sa akin ang mapagsilbihan kayo..." Saka saglit itong yumukod sa kanya.

"Siguradong inaasahan na ng iyong mga kasamahan at pinuno ang pag-uulat mo sa kanila. Bakit hindi mo pa rin ginagawa... O nagawa mo na nang hindi namin namamalayan?"

Pag-uusig sa kanya ni Prinsesa Gaeila.

"Kung nagawa ko nang mag-ulat ay wala silang aaksayahing oras at agad silang susugod dito sa anumang sandali. Dalawang buwan na mula nang ako'y maglakbay at maanod sa inyong pampang. Siguradong paghahanap sa akin ang pinagkakaabalahan nila ngayon..."

"Ano sa tingin mo ang pakay nilang kayamanan sa amin?"

"Sa aming pagsasaliksik, ang mirmah ang pinakanatatangi niyong likas na yaman. Wala itong katulad at nakakagamot pa ng napakaraming karamdaman ...."

"Kung kukunin niyo ito, hindi naman iton mabubuhay sa inyong lupain dahil sa klima."

"Malamang ay kakatasin na nila ang mga iyon at idadaan sa proseso para maging gamot saka iiimbak... Napakalaki ng halaga nito kapag inilabas sa pandaigdigang kalakalan."

"Hindi kami makakapayag na mangyari ang bagay na iyan. Kahit isang piraso ay hindi namin magagawang ibigay kaninuman basta taga labas ng aming kaharian!"

"Kung gayon ay maghanda kayo sa isang kaguluhang maaari nilang idulot dito sa inyong lupain.... Pero kung ibibigay niyo nang mapayapa ang mirmah ay walang dadanak na dugo."

Natahimik ang prinsesa. Tinitimbang niya ang mga sinabi ni Neji.

Nang may marinig silang kaluskos sa halamanan. Tiningnan nila pareho ang pinagmulan niyon at base sa reaksiyon ng prinsesa ay alam na niya kung ano iyon.

"Mukhang makakarating sa aking mga kapatid ang iyong mga sinabi."

Tukoy niya sa naramdamang may nakikinig sa kanilang pag-uusap.

"Kung uusigin ka nila tungkol sa mga bagay na ipinagtapat mo ay huwag mo na lamang silang sagutin. Ako na lamang ang haharap sa kanila. Maliwanag ba?"

Tumango lamang ito sa kanya at muli na silang nagbalik sa palasyo.

*********

Nakarating nga sa dalawang prinsipe ang mga napag-usapan ni Prinsesa Gaeila at ni Neji sa pag-uulat ni Nemerhu at Gola, ang mga alagad nilang ahas.

"Sinasabi ko na nga ba... Pero ano kayang dahilan ni Ate Gaeila at hindi pa niya siya tinatapos?" -si Cobran

"Hindi ko tiyak pero hindi naman kaya dahil may pagtingin na talaga siya sa dayuhang iyon?"

"Maaari... Pero sa tingin ko ay may iba pa. Si ate ang tipo ng taong kayang isantabi ang sariling emosyon. Alam kong may iba pang dahilan."

Saumang-ayon naman si Clarion sa palagay ng kapatid. Nababatid niyang may plano na ang panganay nilang kapatid sa mga bagay-bagay.

Natigil sila ng pag-uusap nang may kumatok sa kinaroroonan nilang silid. Pumasok ang isang dama at inihayag na naroon si Binibining Roa. Ang anak ng punong ministro nila at kasintahan ni Clarion.

"Maaari ko bang maabala ang inyong pag-uusap mga prinsipe?"

Nakangiti ito sa kanila nang ubod nang tamis. Ngumiti din sila dito at ibinaling na lamang nila ang atensiyon sa kanilang panauhin.

********

Makalipas ang ilang linggo ay dumating ang araw ng pagpapasa ng korona kay Prinsesa Gaeila. Isasabay din doon ang pormal na paghahayag ng kasunduan sa pag-iisang dibdib nina Prinsipe Clarion at Binibining Roa.

Kasalukuyang inaayusan ng mga dama sa kanyang silid nang magtungo roon si Neji at humiling na makausap siya.

"Napakaganda mo talaga,prinsesa.." Buong paghanga niyang sabi sa prinsesa na pareho nilang ikinapula ng mukha.

"Salamat... Pero hindi ka naman siguro nagtungo rito para purihin lang ako."

"Nais lang sana kitang bigyan ng babala. Nararamdaman kong anumang oras ay darating na ang mga taga Aragon upang agawin sa inyo ang natatangi niyong yaman."

"Ano ang maimumungkahi mo? Sigurado akong alam mo ang kanilang kahinaan."

"Kung wala talaga kayong balak na isuko sa kanila ang mirmah, na sa tingin ko ay hindi nila titigilan hanggat hindi nila ito napapasakamay, iminumungkahi kong... Sunugin niyo na ang lahat ng iyon."

Napatayo naman mula sa kanyang kinauupuan si Prinsesa Gaeila. Nagulat siya sa mungkahi ng kaharap na sa tingin niya ay malaking kabaliwan.

"Anong klaseng mungkahi yan? Gusto mong ikaw ang sunugin ko?"

"Makinig ka muna. Ang mirmah ay may punong bulaklak hindi ba? Bunutin niyo na iyon at pangalagaan. Sunugin niyo ang lahat nang matitira. Kapag nakita nilang wala na silang mapapakinabangan ay titigilan na nila kayo."

Saglit na napaisip ang prinsesa. May pinupunto naman si Neji pero puno pa rin siya ng alinlangan.

"Hindi basta tinatablan ng apoy ang mga mirmah..."

"Halika, may ipapakita ako sa iyo."

Lumabas sila sa may hardin. Sa bahaging tinataniman ng mga mirmah.

"May isang pangunahing sandata ang Aragon..."

Nakita niyang naglabas ang binata ng isang punyal at sinugatan nito ang sariling bisig. Pumatak ang dugo niya sa isang mirmah at bigla itong nagliyab.Namangha ang prinsesa.

"May taglay na matinding lason ang aking dugo. Kaya kong makapaslang ng kahit anong may buhay gamit lamang ang aking dugo. Kaya rin nitong magpaliyab ng kahit ano..."

Isang katotohanan ang nahantad kay Gaeila na ikinalungkot niya.

"Kung gayon, ikaw ang pangunahin nilang sandata?"

Tumango si Neji. Nababakas din ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Pero sa likod niyon ay may nagbabantang panganib....

***

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon