THIRTY FIVE: MGA PANAUHIN

5.5K 200 39
                                    

Hi!!! Late update again...... So he to na na uli hope you'll like it....

To:

Enelrahszedlav
WhenSakuraBlooms
Jhessahipolito
Gelz_khulet

Thank you for reading and voting!

********

Unang araw na wala si Zein. Naging normal ang lahat para kay Z-raye lalo na ngayong nakakakita na siyang muli dahil sa hiram na paningin mula sa tagapagbantay na walang iba kundi ang minamahal niyang si Prinsipe Clarion. Bahagya siyang nanibago dahil wala ang nakasanayang kasa-kasama niya ng ilang buwan mula nang siya ay magkamalay. Tila nais na niyang muli itong makausap at makapiling dahil hinahanap-hanap niya ang presensiya nito. Kahit anong iwas niya ay nalulungkot siya sapagkat wala ito sa kanyang tabi. Nilibang na lamang niya ang sarili sa mga nakatakda niyang gawain para sa araw na iyon. Ngunit pagdating ng dapit hapon ay may mga panauhin siyang hindi inaasahan...

*******

Sinabihan siya ng isa sa mga dama na may dumating siyang mga panauhin at hinihintay siya sa kanyang silid tanggapan. Wala siyang maisip kung sino ang mga ito kaya't dali-dali niya itong pinuntahan at abu't abot ang kanyang kasiyahan nang mapagsino ang mga ito...

"Cobran!!!!"

Buong kasabikan siyang yumakap dito at gayundin naman ito sa kanya. Bumaling siya sa kasama nito at yumakap din dito. Si Binibining Roa... "Kamusta, binibini?" Bati niya rito. "Ako'y mabuti, Prinsesa. Ikaw ang dapat naming kamustahin...." "Nabalitaan naming pansamantala kang nabulag... Mabuti at nagbalik na ang iyong paningin..." Wika ni Cobran.

"Ang totoo... Pansamantala lamang din ang paningin na ito..." Tugon niya. "Huh? Bakit naman?" Takang tanong ng dalawa.
"Ipinahiram lamang sa akin ito ni Zein.. Ang aking tagapagbantay..." Nagkatinginan ang dalawa. Kapwa sila namamangha sa narinig. "Napakadakila naman ng iyong tagapagbantay. Uh, nasaan na siya?" Ani Cobran
"Nagbalik muna siya sa kanilang bayan nang ilang araw para sa babang luksa ng kanyang mga magulang bukas... Hindi ko nga nais tanggapin ang kanyang paningin ngunit sadyang mapagmakasakit siya at ibig pa rin daw niya akong pangalagaan kahit wala siya sa aking tabi."

"Tunay na napakabuti niya... Sana ay makilala namin siya.... Malamang ay makisig at maginoo siya..." Masayang usisa ni Roa sa kanya. Si Cobran naman ay tila natahimik. Napangiti si Z-raye dahil sa iniisip ni Roa na lalaki si Zein.
"Mali ka, binibini.... Si Zein ay isang babae... At tunay na napakaganda niya..."

"Ahihihi ganoon ba? Paumanhin, hindi ko kasi naisip na babae ang tagapagbantay mo... " "Kinailangan ko kasi ng makakasama hanggang sa aking sariling silid kaya't babae ang piniling mangalaga sa akin..." Napatango naman ang dalawang kaharap. Nanatili pa ring tila malalim ang iniisip ni Cobran. Napansin naman iyon ni Roa kaya't hinawakan nito ang kanyang kamay. "May problema ba, aking prinsipe?" Tumingin sa kanya si Cobran at masuyong ngumiti. "Walang anuman, aking binibini... May ibig lamang sana akong itanong sa prinsesa...." Kapwa sila bumaling kay Z-raye na noo'y nasa kabilang upuan kaharap nila. "Ummm... Ano ang ibig mong malaman, Cobran?" Ani Z-raye. "Prinsesa, batid kong hindi naging maganda ang iyong paglisan sa aming kaharian...at... Nasaktan ka ng aking kapatid.... Sa kabila ba nito ay.... May pagtingin ka pa rin ba sa kanya?"

"Sinungaling ako kung sasabihin kong wala na... Hindi naman ako tumigil na magmahal sa kanya..." Hindi maiwasang mangilid ang kanyang mga luha. Napatingon tuloy siya kay Roa at bahagyang nagbalik ang kirot na kanyang nararamdaman sa kabila ng katotohanang nakikita niya sa dalawa. "Ibig mo pa rin bang magbalik sa aming kaharian kung sakali? Ah... Kahit hindi para sa aking kapatid... Ibig ka naming anyayahan sa mga darating na pagtitipon ngayong taon..."

"Ahm... Bukas na ba ang inyong kaharian para sa mga dayuhan?" Nag-aalanganing tanong niya. "Hindi pa rin naman... Ikaw lamang ang pinapahintulutan ng buong konseho at ng aking kapatid na reyna na malayang makadalaw sa aming kaharian... "
"Maraming salamat.... Ano nga pala ang mga pagtitipon sa inyo?" May kasabikan niyang tanong. "Umm ang pinakamalapit ay ang babang luksa ng aming mga magulang bukas...." Si Z-raye naman ang tila natigilan. "Aba... Kasabay din ng mga magulang ni Zein...." Muling nagkatinginan sina Roa at Cobran. "Um, hindi ba't mga kaanak lamang ang karaniwang dumadalo sa ganoong pagtitipon?" Tanong ng prinsesa. "Isa kang natatanging panauhin, Z-raye at halos kaanak na rin ang turing namin sa iyo..... " Tugon ng prinsipe sa kanya na ikinagalak ng kanyang damdamin. "Ikinararangal kong makadalo sa babang luksa ng inyong mga magulang... " "Ipagpapaalam ka namin sa iyong ama at ina, prinsesa. Ibig ka na naming isabay sa pag-uwi sa Sadaharra ngayong araw..." Nakangiting wika ni Cobran. Dahil doo'y lalo siyang nanabik na makasama sa mga kaibigan pauwi sa kanilang kaharian. Ang lugar na inakala niyang hindi na muli pang masisilayan. Ang kanyang kasabikan ay nahahaluan din ng ibayong kaba dahil muli silang magkikita ni Prinsipe Clarion. Ano kaya ang magiging pakiramdam nito sa muli nilang pagkikita matapos ang ilang buwan? Ibig niyang malaman kung ano talaga ang tunay nitong niloloob para sa kanya.....

******

"Mahal na prinsesa, ipinapatawag na kayo ng mahal na hari at reyna. Naroon pa sila sa bulwagan pagkat may dumating na panauhin..." Hayag ng isang dama nang pumasok sa kanyang tanggapan. "Pakisabi sa kanila na susunod na ako... Maraming salamat." Tugon niya rito. Bumaling siya kina Cobran at Roa upang ayain ang mga ito sa bulwagan. Nang marating nila ang bulwagan ay naabutan nilang may kausap ang kanyang mga magulang na isang lalaki. Naroon din ang paham na si Alfeo at tila kilala din niya ang panauhin. Nakatalikod ito sa kanilang direksiyon at nakasuot ito ng balabal hanggang ulo kung kaya't hindi niya makilala kung sinuman ang bagong dating. "Tamang-tama... Narito na si Prinsesa Z-raye at ang kanyang mga kaibigan...." Wika ng kanyang ama sa panauhin. Humarap naman sa kanila ang ginoo at yumukod. Nag-alis ito ng balabal na nakatakip hanggang sa kanyang mukha. Bigla tuloy may naalala si Z-raye sa gayak nito ngunit sa huli ay ipinagpalagay na lamang niyang maaaring nagkataon lamang na nakatakip ang mukha nito tulad ng taong tumulong sa kanya sa kakahuyan. Isa pa ay hindi naman niya talaga iyon nakita. "Kamusta, mahal na prinsesa....?" Bati nito sa kanya. Umaliwalas ang kanyang mukha nang makilala ito... "Garren????!"

*********

A/N: Ayun oh!!!! Malapit na uli silang mag face to face ni Clarion. Ano nga kaya ang mangyayari.... At ano nga ba ang magiging papel ni Pinunong Garren? Siya nga kaya ang misteryosong lalaki na tumulong kay Z-raye sa kakahuyan? ^_^

Awakening The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon