To:
Loner_lyn14
O ayan special greetings for you my dear...^_^
******************
Tila inaakit si Z-raye ng napakabangong amoy na nagmumula sa loob ng kweba. Nagtataka naman si Cobran dahil wala naman siyang naaamoy na kahit ano maliban sa natural na amoy ng mga halaman sa paligid.
"Sigurado bang may naaamoy ka, prinsesa?"
Tumango naman si Z-raye at patuloy pa rin sa paglapit sa kweba.
"Napakabango talaga ng amoy na nagmumula doon.... Maaari ba nating pasukin ang kwebang iyon?"
Nagdadalawang isip ang prinsipe kung sasang-ayon ba sa prinsesa na pasukin ang kweba. Sa pagkakaalam niya ay wala namang kakaiba sa loob ng lugar na iyon maliban sa mga halaman at mga hayop na naroon. Minsan na rin silang nakapasok doon nung mga paslit pa lamang sila nina Clarion at Gaeila at wala siyang natatandaang may halaman o nilalang na naroon na nagtataglay ng kakaibang samyo.
Ipinasya niyang samahan ang prinsesa dahil mukhang hindi ito magpapapigil.
Habang papasok sila ay tila lalong lumalakas ang naaamoy ni Z-raye. Halata sa maganda nitong mukha ang pagkahumaling sa bagay na iyon na hindi pa nakikita kung ano.
May kadiliman na sa bandang kalagitnaan ng daan papasok sa kweba. Pinagningas ni Z-raye ang mga sulo na nakasuksok sa gilid ng daraanan upang magbigay liwanag.
Natigilan si Cobran nang makaramdam siya ng kakaibang aura sa paligid.
"Prinsesa, sa tingin ko ay kailangan na nating bumalik..."
Nagtatakang lumingon sa kanya ang prinsesa.
"Bakit naman, Cobran? Narito na tayo, e. Mukhang malapit na nating makita ang pinagmumulan ng napakabangong amoy na iyon..."
Muling suminghot sa hangin si Z-raye na tila hinahanap pa rin kung nasaan ang pinagmumulan ng bango.
Habang lumilipas ang sandali ay tumitindi ang nararamdamang tila papalapit na panganib ni Cobran.
"Marahil ay dindaya ka ng pang-amoy mo, prinsesa. Gawa iyon ng nilalang na naaamoy mo. Inaaakit ka niya sa isang patibong. Kakatwa dahil ikaw lamang ang nakakaamoy nito at sa taglay mong lakas at kapangyarihan.... Nakakapagtakang walang kang nararamdamang panganib..."
Natigilan ang prinsesa. Napakunot ang noo niya sa sinasabi ni Cobran.
"Imposible ngang hindi ko maramdaman na may panganib, prinsipe...."
Naalala niya ang polseras na suot niya.
"Hindi kaya dahil dito sa polseras?"
"Ano? Imposible ang....." Hindi na naituloy ni Cobran ang sasabihin sapagkat biglang may pumulupot na baging sa kanyang mga paa at agad siyang hinila papaloob lalo sa kweba. Napatili si Z-raye sa nakita at maging siya ay nahila na rin ng mga baging.
Nakarinig sila ng pag-ugong mula sa nilalang na humila sa kanila. Kasalukuyan silang nakabitin patiwarik at pilit na nagpupumiglas sa baging na nakapulupot sa kanilang katawan. Gumamit ng alab si Z-raye upang magliwanang ang paligid.
Doo'y tumambad sa kanilang paningin ang anyo ng nilalang na bumihag sa kanila. Isa itong dambuhalang halimaw na halaman. Nakakapanghilakbot ang itsura nito na isang subuan lamang sa kanila nito ay kapwa na sila mamamaalam sa mundo.
A/N:
Pakitingnan ang larawan sa itaas or sa side kapag naka mobile. Mas malala pa dyan ang naiisip ko kasi yan lang po ang nakuha kong pinakamalapit. ^=^
BINABASA MO ANG
Awakening The Ice Prince
FantasiNaglakas loob si Z-raye na magtungo sa isang malayong kaharian upang makuha ang tanging lunas sa karamdaman ng kanyang kapatid. Kasama ang matalik nitong kaibigan na si Miroh, nagtungo sila sa nasabing kaharian sa kabila ng panganib na kaakibat nito...