Chapter 2: The Leader

1K 42 0
                                    

EDITED VERSION

*********

Althea's POV

Kinabukasan, gumising ako nang maaga to prepare for my first meeting with my group. Kinakabahan pa rin ako. It's my first time to lead a group. Pero iba ang grupo na ito. Lahat kami may kapangyarihan, at tuturuan ko sila kung paano gamitin ito sa tama.

I wore my leather black jacket and a black jeans. I looked at myself on the full-length mirror. Ang buhok kong hanggang balikat, at ang mata kong nangingibabaw ang kulay berde at dilaw na kulay, I'm ready. I smiled and walked outside my dorm.

Ayon kay Kurt, mayroon kaming co-leader na makakasama sa Tournament, and we're going to meet them today. They're from Magical University. Simula nang bumalik ako rito sa Magic World ay hindi pa ako nakapukunta muli sa Magical University. Kaya hindi ko alam kung kumusta na ba ang pinamumunuan ni Isaac.

"Oh, you're here," masayang bati sa akin ni Lydia pagkarating ko sa opisina ni Kurt. Nakaupo sila sa harap ng isang kahoy na mesa na kung saan maraming swivel chair na nakalagay. Umupo ako sa tabi ni Lydia habang naghihintay kami sa pagdating ng mga bisita.

"It's been an hour. Ang tagal nila," reklamo ni Lydia.

"Malapit na 'yon panigurado," sambit ko. Sakto namang may kumatok sa wooden door kaya tumayo kaagad si Kurt at pinagbuksan sila ng pinto. Kurt is wearing a formal attire as well as the two men who entered the office. Ang isa sa kanila ay matangkad at maputi habang ang isa naman ay may kayumangging kulay at brown ang buhok. And they are both stunning like a model.

They stopped in front of us and we bowed our head as a sign of respect. The one with the tanned skin smiled at us, his welcoming aura makes him look friendly. Habang ang maputing lalaki naman ay nakatingin lang nang diretso sa akin. His red eyes are brighter than usual. Hindi ko maiwasang mailang sa uri ng titig niya sa akin kaya umiwas ako.

"Good morning, Leaders. Welcome to Alexandria Academy," ani Kurt at nakipagkamayan sa dalawa. "Lydia, Althea, this is Dion Oliveros. He's in charge of training students from Magical University, to use their powers, and to control them," tukoy ni Kurt sa lalaking may brown na buhok at asul na mga maat. He waved his hands on us and we smiled at him. "And this is Kasper Sandoval. The Head Trainer of Magical University."

Natigilan ako ro'n. Kasper's aura was intimidating. Hindi katulad ni Dion na happy-go-lucky ang datingan. But he looks familiar to me. Parang may kamukha siya pero hindi ko lang alam kung sino o imahinasyon ko lang talaga.

"Hello, Kasper." I tried to look formal in front of him, so does Lydia. Pero mukhang siya rin ay naiilang dito. Hindi pa rin maalis ni Kasper ang tingin niya sa akin kaya hindi ako makatingin nang diresto sa kaniya.

"Lydia, Dion is your co-leader. He'sgot a lot of achievements in fighting and training so you don't have to worry. He's capable of the position." Looks like Kurt is friends with this two. Mukhang marami rin siyang alam tungkol sa dalawa. "Althea, Kasper is going to be your co-leader. Don't worry about him because he's just like Isaac. A good leader."

Napangiti ako nang marinig ang pangalan na 'yon. I missed him already. We barely talk lately because he's too busy and I have to understand.

"Tour them inside the Academy and I'll go back to my works!" ani Kurt at umupo na sa table niya. Pagkatingin ko kay Lydia at Dion, mukhang magaan na ang loob nila sa isa't isa at nag-uusap na sila. While, Kasper and I? Naiilang pa rin ako sa kaniya.

I have to tell Isaac about this. Sabi niya, balitaan ko raw siya ng mga nangyayari sa akin dito sa Academy since wala siya rito at hindi niya ako nababantayan o nakikita man lang.

Kaya pagkalabas namin ni Kasper sa office ni Kurt ay nagpaalam ako sa kaniya, "Excuse me? I need to call someone first. Five minutes lang." Saglit siyang hindi sumagot bago tumango kaya bahagya akong lumayo sa kaniya at kinuha ang cellphone ko.

After I dialed Isaac's number, it took a lot of rings until he answered. "Hey, napatawag ka?" bungad niya sa akin. Garagal ang boses niya at mukhang pagod.

"Hi, are you busy? I just wanna talk to you," sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya at alam ko na kaagad ang sunod niyang sasabihin.

"Love, I'm sorry. I'm awake for the past eighteen hours and I'm doing paper works here. Gusto kitang kausapin pero--" Hindi ko na siya pinatapos pa.

"No, no it's okay! Wala naman akong mahalagang sasabihin mas kailangan mo 'yan. Go on, puwede naman tayong makapag-usap kapag free time mo na. I'll wait."

"Thanks, Althea. I love you so much," he said that made me smile. Hearing those words are enough to fill the absence of his presence.

"I love you, too." Kaagad kong pinatay ang tawag at bumuntong-hininga. I forgot, Kasper is waiting for me here in the hallway. Nang lingunin ko siya ay naka-lean na siya sa pader at tinitingnan ang wrist watch niya. Lumapit ako sa kaniya at yumuko.

"I'm sorry for making you wait--"

"Is that your boyfriend?" he asked. Seryoso pa rin ang boses niya. He's intimidating kaya hindi ko magawang tingnan man lang ang pula niyang mga mata. Ngayon lang ako nakakita ng mga matang ganoon kaliwanag.

"Yes. It's Isaac Villanueva." Umayos siya ng tayo at tumango. Natigilan ako nang lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko then he made me look at him.

"You know, if we're going to work together, you have to look me in the eye." Tumawa siya kaya mas lalo akong nailang. Damn. He's doing this on purpose. "Let's go." Nauna siyang naglakad kaya humabol ako sa kaniya.

"Where to?" I asked. He took a glance at me then shook his head.

"You're the one who's going to tour me pero ako ang tinatanong mo? Isn't that ironic?" Hindi ako nakasagot. I didn't know that he's like this. Kanina lang, parang wala siyang balak magsalita. And now, he's joking around like we're close. "Forget it. Let's go to the cafeteria. I'll treat you."

Um-oo na lang ako at naglakad na kami papunta sa pinakamalapit na cafeteria. Nang makarating kami roon ay wala masyadong estudyante kaya tahimik. He ordered our food at napanganga na lang ako nang dumating 'yong mga pagkain sa mesa. Napakarami.

"Eat up. You're too skinny. Baka manghina kaagad ang katawan mo sa training." Nagsimula na siyang kumain kaya nagsimula na rin ako.

"I'm not sleeping that much these past few days, that's why." Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain ako at tumawa naman siya nang marumihan ang suot kong damit.

"Is your boyfriend knows about your bad sleeping habit?" tanong niya na nagpatigil sa akin. Isaac doesn't know. Kapag tinatanong niya ako kung bakit gising pa ako ng madaling araw, sinasabi ko lang na busy rin ako pero ang totoo, gusto ko lang na magkausap kami. Kasi tuwing madaling araw lang siya libre. I have to adjust my time of sleep for us to talk and I don't regret that. "From the look on your face, looks like he doesn't have any idea, huh?"

I stuffed a food on my mouth and looked away. "He's just busy. Ayaw ko nang makaabala." He's got a lot of works to do already. Ayaw ko nang maging sagabal pa sa ginagawa niya.

"Well, I'm here now. There's no way I'll let you skip your meals." Tinawanan ko na lang siya at kumain kami nang kumain. I feel comfortable around Kasper now.

************

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now