Chapter 14: The Mark

541 31 0
                                    

EDITED VERSION

*************

Althea's POV

Nang makauwi kami galing kila Mary ay umalis na agad si Isaac, at naintindihan ko naman siya. Mahalaga ako sa buhay niya, pero alam kong ganoon din ang trabaho niya. Sino ako para pagbawalan siya sa bagay na ikasasaya niya?

I just need to make myself busy as well para hindi ko siya ma-miss. I focused my attention on our training. Nagsimula ulit kami sa bawat obstacle course, hindi na tulad noong una na nahihirapan sila. Nakakaya na nilang magawa ang mga obstacle course at bilang na lang ang nagagawa nilang pagkakamali.

Bukas magaganap ang Grand Magical Ball sa Magical University, kaya dumoble pa ang trabaho ni Isaac. He has to make sure that the event will going to be successful. Tinawagan ko siya kanina pero hindi niya sinasagot, siguro marami siyang ginagawa.

Nang mag-quick break kami ay lumapit sa akin si Kasper at iniabot sa akin ang bottled water na hawak niya. Kaagad ko naman 'yong kinuha at ininom.

"Are you invited to the Ball?" he asked. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko alam kung pupunta ako dahil hindi naman ako binigyan ni Isaac ng invitation, maging sila Kurt. Baka nakalimutan lang nila.

"Alam na ba nila Kurt ang nangyari?" tukoy ni Kasper sa nangyari noong isang araw sa labas ng training room.

"Hindi pa. Hindi ko rin masabi kay Isaac dahil alam kong gagawa siya ng hakbang na maaaring magresulta ng hindi maganda." He sighed and messed my already messy hair.

"You know, you have to tell him everything. He's your boyfriend and he deserves to know." Natigilan ako. Tama siya. Mali na nagtatago ako kay Isaac. Pero mag-aalala pa siya nang sobra kapag sinabi ko 'yon.

"You're right. Mamaya, sasabihin ko na sa kaniya." Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. "Pero kapag nalaman niya, baka mas lalong hindi na niya ako papuntahin doon sa Ball. Ito na lang ang tanging paraan para magkita kami ulit."

"Kung ganoon, hindi na lang ako pupunta sa Ball kahit imbitado pa ako. Hindi ako aalis sa tabi mo, Althea." Natigilan ako nang sabihin niya 'yon.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "You really want to fulfill your promise, huh?"

Umiling siya. "I didn't make that promise for Isaac. I made that promise for you. And one thing's for sure, I won't break that promise."

"Tell me, how can I repay you? paano ko magagawang bayaran lahat ng 'to?" tanong ko.

"Someday, I'll ask you something and I hope you'll do it for me."

***********

Abot-abot ang kaba ko habang nagri-ring ang ang linya ng cellphone ni Isaac. Kasper is right. I need to tell Isaac what happened that day. Ayaw kong mag-alala siya pero ayaw ko ring may itinatago sa kaniya. Nang sagutin na niya ay nawala ang kaba ko.

"Love..." Isang mabigat na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. "I missed your voice, I missed everything about you."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "I missed you too, Isaac. May kailangan akong sabihin sa 'yo." Nararamdaman kong namamawis ang kamay ko. Bakit ba ako kinakabahan?

"Is it a good or a bad news? Love, kinakabahan ako sa 'yo, a." He chuckled, bitterly.

"Buhay si Elijah at nagpadala siya ng espiya para kunin ako," sabi ko. Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. I heard a loud thud. "Isaac, anong nangyari?"

"Damn it, I should be there. Hintayin mo ako, pupunta ako--" I cut him off. Ito na nga ba ang sinasabi ko. He's too worried about me to the point that he'll leave anything he's doing just to see me.

"No, stay there. Mas kailangan ka riyan kaysa rito. And besides, Kasper's here. Ginawa niya ang lahat para hindi ako makuha ng espiyang 'yon." And again, silence enveloped the other line.

"You know, that should be me, Love. Ako. Ako ang dapat gumagawa ng mga 'yan, pero wala akong magawa." He was disappointed to himself. Hindi ko maiwasang maiyak, it's hard. It's hard for us to be away from each other. Sa tuwing iniisip ko pa lang ang mga puwedeng mangyari sa akin habang wala siya, natatakot na ako. "Don't cry, Althea."

I realized I've been a crybaby these past few days. Pero ngayon alam ko na ang dahilan. I'm just tired. Tired of everything. Pero hindi ko magawang sumuko. Kasi ayaw ko siyang sukuan.

Akala ko pinatay na niya ang linya pero maya-maya ay natigilan ako nang marinig ko ang pag-strum niya sa gitara.

'Cause baby sometimes,
I can tell just by your faces
part of us been gone, for so long
And I know there's no replace
in what we had going on for so long
But when it hurts, I can make it better
Girl if it works, it's gon' be forever
We've been through the worst
made it through the weather
Our problems and the pain,
but love don't change

Nawala siya saglit sa linya at nang bumalik siya ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Love, I know everything aren't easy. But please, don't give up on me. When it hurts, tell me and I will make it better."

"Just please..." His voice cracked. "Let me fix everything."

Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Pinatay ko ang tawag at nahiga sa malambot kong kama. Pinunasan ko ang luha ko at napapikit.

Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto. Kaya agad akong tumayo para pagbuksan 'yon at agad akong napaatras nang isang babaeng nakasuot ng black mask and hoodie ang bumungad sa akin. May hawak siyang kutsilyo at nakatutok 'yon sa leeg ko. Naglakad ako paatras nang magsimula siyang lumapit.

At nang makapasok kami sa dorm ay marahas niyang isinara ang pinto. "Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko. Hindi siya nagsalita bagkus ay inundayan niya ako ng saksak pero inilagan ko 'yon at tinadyakan siya palayo sa akin, pero nahila niya ang paa ko kaya't sabay kaming bumagsak.

Nabitawan niya ang kutsilyo at nang makita ko 'yon ay agad kong kinuha pero sinipa niya ako dahilan para tumama ako sa pader. Napangiwi ako sa sakit ng pagkakauntog ko.

My vision became unclear. Hinawakan ko ang ulo ko at may dugong nanggagaling do'n. Pinulot niya ang kutsilyo at lumapit sa akin. I couldn't move and my head hurts.

"Nagsisimula pa lang kami, Althea," bakas sa boses nito na isa itong babae. Sinubukan ko siyang bosesan pero hindi ko magawa dahil sumasakit ang ulo ko.

Hinila niya ang braso ko at napasigaw ako sa sakit nang ibaon niya sa akin ang dulo ng kutsilyo.

"S-Stop, please..." I pleaded. Sinubukan kong ilayo sa kaniya ang braso ko pero patuloy siya sa pag-ukit doon.

Nang matapos siya ay agad siyang umalis at iniwan ako ro'n na para bang walang nangyari. Unti-unti akong nawawalan ng malay, pero bago ako mawalan ng ulirat ay nilingon ko ang braso kong puro dugo.

Iniukit niya ang sinasabing logo ng aking ama. Minarkahan na nila ako bilang isang ganap na kalaban.


**************

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now