EDITED VERSION
***********
CATH'S POV
"Kurt," I whispered. Nilapitan ko si Kurt at umupo sa hawakan ng kaniyang swivel chair. Pero ni hindi man lang niya ako nililingon. Busy siya sa pagbabasa ng mga paperworks. Kanina pa ako rito sa opisina niya pero masyado siyang tutok sa ginagawa niya kaya hindi niya ako pinapansin.
"Kurt, kausapin mo muna ako." Sinubukan ko siyang iharap sa akin pero hindi niya ako pinansin. "Hoy, Kurt! Kapag hindi mo pa ako nilingon, makakatikim ka na talaga sa akin!"
Dali-dali niya 'kong nilingon. "Bakit, sweetheart? I'm busy, you see?" itinaas niya ang papel na hawak at ipinakita sa akin. He has a lot of things to do especially now that there's a tournament to be held soon.
"Kain muna kasi tayo, kanina ka pa nagtatrabaho. At alam kong gutom ka na," sabi ko pero binalik nanaman niya na ang atensyon niya sa paperworks.
"Mamaya na, Cath. Mauna ka na sa dining hall. Susunod ako," sabi niya na hindi man lang ako nililingon. I rolled my eyes in annoyance.
"Sige, bahala ka sa buhay mo! Goodbye!" Marahas akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pero bago ko pa 'yon mabuksan ay malakas na hinampas 'yon ni Kurt para hindi ko mabuksan. Natigilan ako at nagulat sa ginawa niyang 'yon. Ang lapit ng katawan niya sa akin. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kaniya, kun'di, nakita na niya ang namumula kong pisngi.
"Sweetheart, look at me," he commanded. Umiling ako. Ayaw ko. Bahala siya sa buhay niya. Nang hindi ako lumingon ay iniharap niya ako sa kaniya. Now, I'm trapped between him and the door.
"Anong ginagawa mo? Umalis ka nga!" Sinubukan ko siyang itulak pero hindi siya nagpatinag. "Bumalik ka na sa trabaho mo!"
"Mamaya na, my girlfriend is angry. I should work about that first." He chuckled. Nakakainis talaga ang isang 'to. Alam niya kung paano ako hulihin.
"Alis na kasi!" sigaw ko. Itinulak ko siya pero wala 'yong naitutulong.
"Bakit ba kasi nagagalit ka?" nagtataka niyang tanong pagkatapos ay bahagyang humalakhak. "Alam mo ba 'yong mga papel na 'yon? I'm trying to finish it right away for your parents."
Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Your parents gave me that paperworks. At kahit gaano pa kakapal ang papel na kailangan kong gawin, gagawin ko 'yon para mahingi ko na ang kamay mo sa kanila." Tuluyan na akong natigilan nang sabihin niya 'yon. "Kahit ano'ng ipagawa nila, gagawin ko. Makuha lang kita."
"You, what?"
"Yeah, that's right. Hihingin ko na ang kamay mo sa kanila. At pakakasalan na kita." He kissed the top of my hand. Nagtagpo ang mga mata namin at hindi ko maiwasang mahulog nanaman. This guy, he knows how to make me fall in love with over and over again. "Gusto ko na kasing makasigurong akin ka na hanggang huli." Napangiti ako dahil do'n. Kailan ba ako hindi naging kaniya?
---------------
ALTHEA'S POV
It's already nine in the evening pero hindi pa rin tumatawag si Isaac. Usually, he'll call first. Kaya kinuha ko ang phone ko at pabagsak na humiga sa kama. I called him and after a lot of rings, agad niya nang sinagot. "Hey..."
"Yes, Love? napatawag ka?" tanong niya.
"I was waiting for you to call me. I missed you. Ayos ka lang ba?" I asked him. He heaved a deep sigh. Mukhang hindi siya okay. Kung sana lang ay nandoon ako sa tabi niya, yayakapin ko siya nang mahigpit maging ayos lang siya.
"Yes, I am okay. I heard your voice already." I smiled and he chuckled. "And anyway, may iba ka pa bang sasabihin? Marami pa kasi akong gagawin, e. Is it okay if I call you later?"
Nawala kaagad ang ngiti sa labi ko. "Yeah, sure. Bye." Agad ko nang pinatay ang tawag at ibinagsak ang cellphone sa aking higaan. He's busy. And I have to understand that. Ang hindi ko lang maintindihan ay parang lagi siyang nagmamadali sa tuwing tinatawagan ko siya.
Matutulog na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. It's already nine in the evening, and I'm not expecting any visitor. Kaya pagbukas ko ay nagtataka ako nang bumungad sa akin si Kasper. Nakapantulog na siya at malawak ang ngiti niyang nakatingin sa akin.
"Kasper, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Ipinakita niya sa akin ang dalawang lalagyan ng ice cream.
"Ice cream?" He shrugged. Nilingon ko ang buong hallway, wala nang katao-tao at napakadilim na. Binuksan ko nang malawak ang pinto, to let him enter. Pagkapasok niya ay kaagad kong sinara ang pinto.
"Anong naisipan mo at nagyaya ka bigla?" nagtataka kong tanong. Prente siyang humiga sa higaan ko.
"Gusto ko lang makita ang mukha mo." Tinignan niya ako at ngumiti. "Atsaka sayang 'yong ice cream." Tukoy niya sa dala niya. Umupo ako sa edge ng kama at kinuha ang isang container ng ice cream.
Nagsimula na kaming kumain at magkuwentuhan. He got this weird sense of humor. Kaya tuwing bubuka ang bibig niya ay tatawa ka talaga. He knows how to make people smile. Ito ang isa sa personality ni Kasper na ikinatutuwa ko. He kind of reminds me of Kurt on our younger years.
"Tingnan mo 'to," sabi niya. Inilabas niya ang kaniyang isang kamay at naglabas ng mga maliliit na yelo roon. Isinaboy niya 'yon sa hangin at mayamaya pa'y dumami 'yon at naglaglagan na para bang snow tuwing winter season. Sinalo ko ang ilang nalalaglag at nalulusaw 'yon sa kamay ko. Napangiti ako dahil doon.
"I always want to see snows. Pero hindi ako nabigyan ng tyansa," sabi niya na nagpatahimik sa akin. "I never really had a good life ever since."
"Pareho pala tayo, e. But you know what? Everything in the past is what makes who we are today." I smiled at him. Si Hunter ang isa sa patunay na kahit hindi magandang nakaraan ng isang tao, hindi 'yon magiging hadlang para maging mabuti kang tao.
"Isaac is lucky for having you," Kasper said. Natawa ako at napailing. Kung alam lang niya kung ano ang mga bagay na kinaaayawan ko sa sarili ko, ang mga bagay at kamalian kong ayaw kong makita ni Isaac at ng iba.
"No, he's not. Ako ang masuwerte dahil minahal niya ako. Alam kong may pagkakataong napapagod na siya sa akin, but I'm more afraid that..." saglit akong tumahimik. "...that Isaac will wake up one morning and instead of thinking of me and calling me, he would realize that it's just a waste of time. I'm afraid he would look at me someday and realize that I'm too annoying, I get jealous easily and that irritates him. I'm afraid he would see me, the way I see myself."
Hindi siya nagsalita dahil sa sinabi ko. A tear glide down from my eye. Iniisip ko ang mga posibilidad na nakakasakit sa akin, how ironic. "My biggest fear is one day, as he stare at me, he would realize that he doesn't love me anymore."
"You love him that much, huh?" he asked and took a spoonful of the ice cream.
"Higit pa sa lahat." Nang makaalis na si Kasper ay muli kong tinawagan si Isaac. Pero wala pa ring sumasagot. Pinigilan kong umiyak. Not now. Kailangan kong maging malakas para sa amin. Hindi ang problema na 'to ang magiging dahilan ng pagkasira namin ni Isaac. We're more than this.
I know Gianna likes Isaac, at kung tama man ako, hinding hindi ko siya hahayaang magtagumpay sa mga pinaplano niya para makuha sa akin si Isaac. I'll show her why Isaac chose me.
**************
YOU ARE READING
Alexandria Academy 2: The Reborn
FantasíaAkala nila tapos na ang lahat. Ang hindi nila alam, nagsisimula pa lang ang totoong digmaan. Alexandria Academy 2: The Reborn "Are You Ready For Another War?" ***** Written by: Mikagami_Snow Category: Fantasy, Romance, Action All Rights Reserved 201...