Chapter 20: Revelation

582 31 4
                                    

EDITED VERSION

***********

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagbihis at lumabas ng dorm dahil ngayong araw magaganap ang Enchanted Ball. Lahat excited. Lahat abala. But I'm not. I don't know whether to be excited or to be tensed. Hindi ko pa kayang harapin si Kasper. Sobrang sakit ng mga sinabi ko sa kaniya kagabi.

But what can I do? Sinabi ko lang sa kaniya kung ano ang totoo at ayaw ko siyang paasahin sa wala. I just don't want to hurt him more. I've hurt him enough.

Naglalakad ako sa hallway papuntang dining hall nang biglang sumulpot si Cath na hingal na hingal at tila balisa. She touched my shoulder, trying to say something but she's too exhausted to utter a word.

"Hey, bakit ganiyan ang hitsura mo?" nagtataka kong tanong. Sinubukan ko siyang pakalmahin.

"S-Si Lydia at Kristian, nag-aaway!" Bigla niyang hinila ang braso ko paalis doon at nagpatianod na lang ako. Hanggang sa makarating kami sa training room ng Lethal—ang grupo ni Lydia. Pagpasok namin doon ay naabutan kong pawis na pawis si Kristian at Dion, umiiyak naman si Lydia na nasa pagitan nila. Nandoon din si Isaac na nakahawak kay Kristian, pinipigilan ito na halos maglabas na ng apoy sa sobrang galit. Si Kurt naman ay pinipigilan si Dion na masama ang tingin kay Kristian.

"Huwag niyo akong pigilan! I'll kill that motherfucker!" sigaw ni Kristian at akmang susugod nang humarang muli si Isaac. Tumakbo kami ni Cath palapit sa kanila para makiawat dahil mukhang walang balak kumalma si Kristian.

"Anong nangyayari dito? May problema ba?" tanong ko. They all looked at me as if I said something stupid.

"'Yang kaibigan mo ang problema ko, Althea! She knows she has a boyfriend! Tapos kung makalandi sa iba akala mo--" hindi na natapos pa ni Kristian ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Lydia. Wala siyang patid sa pag-iyak habang nakatingin kay Kristian na biglang nanahimik.

"Hindi totoo 'yan! You know we're just doing our job! We hugged each other as friends, why can't you understand that?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Lydia sa buong silid. Bahagya akong nililingon ni Isaac at panay ang iwas ko.

Kristian chuckled. "Kaibigan? Sa 'yo, oo! Pero sa lalaking 'yan? Iba na ang nasa isip niyan! Tangina, Lydia! Mag-isip ka naman!" ang sinabi niyang 'yon ang mas lalong nagpagalit kay Lydia.

"You know what? Fuck you! We're done! Bahala ka na sa buhay mo!" Malakas na itinulak ni Lydia si Kristian at naglakad paalis ng training room.

"Napakakitid kasi ng utak," said Dion. Sinamaan niya ng tingin si Kristian at lumabas din ito training room. Lahat kami, halos hindi alam ang gagawin. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong away ang dalawa. At naghiwalay pa sila.

Nilapitan ko si Kristian. "Hindi mo dapat ginawa 'yon." Tinignan niya ako. There's a hint of tiredness on his eyes. Halatang pagod na siya.

He chuckled. "Ang alin? 'Yong magalit at magselos ako?! Is that why you are mad at me? Hindi kami nagkakasama ni Lydia dahil busy siya, pero kahit gano'n, mahal na mahal ko pa rin siya! Kahit napapalapit na siya ro'n sa lalaking 'yon! Pero hindi ako bumitaw!" sigaw niya sa 'kin. Tumutulo ang mga luha sa mata ni Kristian. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko. "Tapos ano? Nagselos lang ako at nawalan din saglit ng oras sa kaniya, hiniwalayan na niya ako? Ang unfair! Palibhasa hindi mo ako maiintindihan! Kasi mababaw ka rin tulad ni Lydia! Hindi lang sa inyo umiikot ang mundo namin! Hindi lang kayo ang kailangan naming intindihin! Pero hindi kami sumuko, pero kayo? Ang bilis bumitaw! Tangina!" Sinuntok ni Kristian ang dingding. Tumulo ang mga luha sa mata ko dahil doon.

"Hindi totoo 'yan--" he cut me off.

"That's the fucking truth, Althea! We're not teenagers anymore! Mawawalan at mawawalan kami ng oras sa inyo, pero bakit ba ang hirap n'on intindihin para sa inyo?! Kaunting panahon na lang, e! Papakasalan ko na si Lydia. But she ended it like it was all fucking easy!" Nakatitig ako kay Kristian at ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ni Isaac.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now