Chapter 16: Help

481 28 0
                                    

EDITED VERSION

*************

Althea's POV


Nang makapagbihis ako at makapagpalit ay patakas akong lumabas ng clinic. Pero pagbukas ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin si Kurt.

"Saan ka pupunta?" nakataas pa ang kilay nito habang itinatanong 'yon. "Hindi ka pa magaling, Althea."

"B-Babalik na ako sa dorm." Tinitigan niya ako na para bang wala siyang balak maniwala sa sagot ko. I sighed. "Fine. Pupunta ako sa Magical University. Isaac invited me."

"What?!" gulat nitong tanong. "Kakasabi niya lang sa 'kin kahapon na hindi ka na niya papupuntahin dahil delikado. At bakit ka naman niya papupuntahin kahit alam niyang naka-confine ka pa?"

Kahit ako naguguluhan din. But if he wants me there, I'll go kahit hindi pa rin ako ayos. Inilabas ko ang cellphone at ipinakita sa kaniya ang text ni Isaac. "Now, can I go?"

Umiling siya. "Papayagan lang kita kung isasama mo si Kasper papunta ro'n. Mahirap na, baka mapaano ka!" singhal niya sa akin.

Tumango ako. "Sige, isasama ko siya." Mukhang nabunutan naman siya ng tinik dahil sa sinabi ko kaya hinayaan na niya akong umalis.

Naglakad na ako paalis doon. Pumunta agad ako sa dorm at naghanap ng dress na puwede kong suotin para sa Ball. Nilagay ko 'yon sa bag, pagkatapos ay kinuha ko ang dagger sa ilalim ng unan ko at ang susi ng kotse ko. Nang makalabas ako ng Academy ay sumakay agad ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa Magical University.

I know it's wrong to lie especially to Kurt. Pero ayaw ko nang madamay pa si Kasper. If pushing him away means protecting him, then I'd rather do that.

Ilang minuto pa ay puro puno na ang nadaraanan ko at mukhang malayo na rin ako sa Academy It was a hot afternoon, tirik na tirik ang araw kaya agad kong binuksan ang bintana. Pero agad akong natigilan nang mapatingin ako sa side mirror. Isang bumubulusok na malaking bato na papunta sa akin.

Tinapakan ko nang mariin ang accelerator para bumilis ang andar ng kotse pero mas mabilis ang pagbulusok ng bato at malakaa na tumama 'yon sa kotse dahilan para tumilapon ang buong sasakyan at bumaliktad ako kasama 'yon.

Halos mapasigaw na ako sa sakit nang maramdaman ko ang kirot sa ulo ko. Hindi pa ako tuluyang gumagaling pero panibagong hirap nanaman. Naipit ang binti ko kaya sinubukan kong alisin pero hindi 'yon matanggal. Napangiwi ako sa sakit nang mapansing nakabaon pala ang dagger na dala ko sa binti ko.

"Tulong!" sigaw ko. Shit. I can feel my body trembling because of too much pain. Whoever threw that rock wants me dead.

Napatingin ako sa labas ng bumaligtad kong kotse, may mga taong nakasuot ng cloak at may hawak na armas ang palapit sa akin. "Shit!" sinubukan kong alisin ang dagger sa binti ko at napasigaw ako sa sakit nang sumirit ang dugo galing doon.

Hiniwa ko ang seatbelt na nakakabit sa akin at sinipa ko ang nakadagan sa isa kong binti. Pagkatapos ay gumapang ako palabas sa salungat na direksyon kung nasaan ang mga taong naka-cloak, kahit kumikirot pa rin ang ulo ko.

Tumulo ang dugo galing sa ulo ko at humaharang 'yon sa kanang mata ko. Nanginginig din ang mga binti ko at nanghihina na ako pero kailangan kong makaalis rito.

Pero nahinto ako sa paglalakad nang humarang ang iba sa kanila sa harap ko.

"Althea, sumama ka sa amin," sabi ng isang nakasuot ng cloak pero bago pa siya makalapit ay inihagis ko ang dagger at bumaon 'yon sa ulo niya, bumagsak ito sa lupa. Akmang tatakbo na ako paalis nang humarang ang dalawa pang naka-cloak sa harap ko, kaya agad akong napaatras. Naglabas ako ng apoy sa kamay at itinapon 'yon papunta sa kanila pero umilag sila.

Hinawakan nila ang dalawang braso ko pero agad akong naglabas ng apoy at nilapnos ang mga braso nila. At nang mabitawan nila ako ay sabay kong ginilit ang kanilang leeg. Bumagsak ang katawan nila sa lupa.

Ika-ika akong naglakad pero hindi pa ako nakakalayo nang mapansin ko ang limang naka-cloak na nakatayo hindi kalayuan sa akin.

"Shit, bakit ba hindi kayo maubos?!" sigaw ko. Susubukan ko pa sana silang labanan pero napansin kong may dumagdag pang lima at palapit na sila sa akin. They're too many for me to handle, at kapag nilabanan ko sila nang ganito ang situwasyon ko, malamang ay mamatay na talaga ako.

So, I ran on the opposite direction. Saglit akong nag-alangan dahil gubat na ang tatakbuhan ko pero nang makita ko silang malapit na ay ika-ika akong tumakbo.

I hid behind a big rock. Inilabas ko ang cellphone sa aking bulsa and dialed Isaac's number. "Shit, Isaac. Sagutin mo, please."

Mas nagtago pa ako nang maramdaman kong malapit na ang mga naka-cloak na gustong kumuha sa akin. Ilang ring lang ay sinagot na niya. "Isaac, tulungan mo ako! Please--" I was cut off when Gianna spoke.

"Oh, it's you, Althea! Pasensya ka na, a! Isaac's phone is here with me. May mahalaga kasi siyang ginagawa. Kaya puwede huwag ka munang magulo?" Halos magpanting na ang tainga ko sa narinig. Bakit nasa kaniya ang cellphone ni Isaac?

"Gianna, damn it! Help me!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig. "Sige, kahit hindi mo na ako tulungan! Ibigay mo na lang kay Isaac ang phone niya, please!" pagmamakaawa ko.

"Bingi ka ba? May ginagawa nga siya, e. So, bye." Halos mapaluha na ako dahil sa narinig.

"No! No, Gianna--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang patayin niya ang tawag. Sa sobrang inis ko ay naihagis ko ang cellphone at tumulo ang mga luha ko. Nang maramdaman kong ilang baitang na lang ang layo nila ay mahigpit kong hinawakan ang dagger na kinuha ko pa sa ulo ng isa sa kanila . Kahit anong mangyari, hindi ko isusuko ang sarili ko dahil alam ko kung kanino nila ako dadalhin.

Akmang tatayo na ako nang may magtakip ng bibig ko at may humila sa akin patago sa bato. Impit akong sumigaw sa takot na isa sa kanila ang nakahuli sa akin.

"Althea, calm down. It's me." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar niyang boses. Kaya tuluyan na akong napaluha. Humarap ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

"K-Kasper, tulungan mo ako..." I uttered. He caressed my hair.

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, Althea. Hindi kita pababayaan." He looked at me straight in the eyes. I felt safe. Ngayong nandito na siya, alam kong hindi na ako mapapahamak. "Now, I want you to just stay here. Ako na ang bahala."

Iniwan niya ako roon. Tumayo siya at naglakad palayo sa akin. Ilang malalakas na putok ng baril ang narinig ko. Hindi ko alam kung saan 'yon galing, pero natatakot pa rin ako.

"Althea..." Napalingon ako kay Kasper. He's standing few steps away from me. Nakangiti siya. A tear fell down from my eye. Tumayo ako at tinakbo ko ang pagitan namin. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sinagip nanaman niya ako. Pagkatapos nang ginawa ko sa kaniya kanina, pinili pa rin niya akong sagipin.

"Kasper..." I whispered. Natigilan ako nang mapansing marahas ang bawat paghinga niya. Tila nahihirapan. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya. Nanlaki ang mata ko nang mapansing namumutla siya.

"A-Althea, help me." Tingnan ko ang tagiliran niya at tuluyan na akong napaluha nang makitang may nakabaong kutsilyo roon.

I was even more shocked when he collapsed in front of me.

"Kasper!"


**************

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now