Chapter 25: The First Love

609 32 2
                                    

EDITED VERSION

***********

Continuation...

"Kasper, dito tayo!" Hinila ko siya at sumunod naman ang aming mga kagrupo. Hinihingal ako habang nagtatago kami sa loob ng isang cave. Iginala ko pa ang paningin ko para i-check kung kumpleto pa rin kami.

"We have to find the members of Lethal. Baka nanganganib na rin sila ngayon," I stated. Napabuntong hininga si Kasper habang tumatanaw siya sa labas. Those monsters were too furious and ready to devour us. Parang anumang pagkakataon ay papatayin nila kami.

Pero isa lang ang ipinagtataka ko, saan sila nanggaling? This is not a part of the Tournament. Malinaw sa usapan namin noon nina Kurt na walang magaganap na ganito. Something happened outside this Arena. Something strange.

I heard the growl of those monsters. "Hindi puwedeng wala tayong gawin. Kailangan na nating kumilos bago pa tayo makita ng mga 'yan," tukoy ni Kasper sa mga halimaw.

Heaven stood up. "Miss Althea, I will be the trap--"

"No!" mahinang sigaw ko. "Hindi mo 'yan gagawin, Heaven. Whatever your plan is, hindi ka magiging trap," suway ko sa kaniya. I won't let anything happen to them.

"Pero, Miss Althea..." Bumuntong hininga siya. "... Kailangan na nating kumilos. Baka kung ano na ang mangyari sa Lethal."

"We will, I promise we will help them. Pero hindi sa paraang magiging trap ka. We will find a way," mariin kong sabi. Napapikit ako. Trying to analyze a plan again.

Pero agad akong natigilan nang malakas na kinalampag ng halimaw ang kinalalagyan naming cave kaya napadausdos kaming lahat. Hanggang sa tuluyan nang nasira ang cave at napasigaw kami habang pilit na lumalayo roon.

We ran, nagpapahuli ako para masigurong walang maiiwan. Kahit bumibigay na ang katawan ko sa pagod ay hindi ko 'yon binigyang pansin.

"Look out!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kasper at halos manlaki ang mata ko nang mapansin ko ang bumubulusok na malaking kahoy na nanggaling sa halimaw papunta sa akin.

"Shit!" Napayuko ako pero hindi ko na naramdaman ang kahoy na tumama sa akin. Kaya't iginala ko ang tingin. And there I saw Lydia and her team. They're here.

"Lydia!" Siya ang sumunog ng kahoy para hindi ako tamaan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami palayo.

"We don't have enough time. Kailangan na nating makalabas," she said while running. Medyo malayo na ang iba at kami nila Kasper ang nahuhuli.

"Nangyayari nanaman ang nangyari noon," natahimik ako sa narinig ko galing kay Kasper.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Wala pa ring patid ang pagtakbo namin habang hinahabol kami ng mga halimaw.

"Nangyari ito noon sa grupo nina Rhian, your sister." Biglang bumuhos ang maraming memorya sa aking isipan. Rhian, my half sister. She died inside the tournament.Tama siya, ganitong-ganito nga ang nangyari noon ayon sa kuwento ni Isaac.

"Yuko!" sigaw ni Kasper pero huli na nang makayuko ako at tumama na sa ulo ko ang kahoy na muling inihagis ng halimaw. Kaya bumulusok ako sa lupa at napapikit sa sakit.

"Althea, shit!" Naramdaman ko ang mga braso ni Kasper na binubuhat ako. "Mauna ka na Lydia!" sigaw muli nito.

"I-I feel... nothing," I whispered. I felt numb that exact moment. Wala akong maramdaman ni kaunting sakit na nanggagaling sa ulo ko. Pero ramdam ko ang pagtulo ng dugo galing dito.

"Hush, baby. I will make a way for us. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin," said Kasper. I felt so safe. Kahit nasa gitna kami ng magulong situwasyon, naramdaman kong ligtas ako dahil kay Kasper.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now