Chapter 21: The Tournament

545 28 0
                                    

N O T E:
'Yong tournament dito sa book 2, hindi na siya katulad ng tournament sa book 1 kaya expect some changes. 'Yon lang and I hope you'll love this chapter. Enjoy reading!

EDITED VERSION

**********

Nagising ako kinabukasan na namumugto nanaman ang mata. Nang lumabas ako sa grand hall kagab ay hindi na ulit ako bumalik. How could I come back knowing that everyone was thinking that I'm just like my dad?

Sinubukan akong sundan ni Kasper, but I stopped him. Gusto ko lang mapag-isa. Malayo sa mga taong huhusgahan ako. I know Kasper won't judge me. Pero ayaw kong mas dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.

Naligo ako at hinayaang dumaloy sa buong katawan ko ang malamig na tubig. At nang matapos ako ay agad akong nagbihis. A leather pants and a black stilleto boots. I'm wearing a white shirt. Just like what I wore on the 23rd Tournament. Ang kinaibahan lang, my hair is long now. It's wavy and I dyed it. Brown.

Lumabas ako sa dorm, only to see Kasper waiting for me. I looked at my wrist watch. It's five in the morning. Gaano na ba siya katagal naghihintay dito?

"Tara na. Naghihintay na sila sa atin." Nauna na siyang naglakad at sumunod ako. I don't want to talk. Mukhang alam naman niya 'yon, dahil hindi na rin niya ako inimik. Nang bumaba kami sa basement ay nanginginig ang mga kamay ko. Kinakabahan.

"You don't have to be afraid, Althea," said Kasper. Nilingon ko siya, nakahawak na ang kamay niya sa door knob ng double door. "Ang mga batang naghihintay sa atin, inaasahan ka nila. At ganoon din ako. We can do this." Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko 'yon. Napayuko siya at napabuntong-hininga dahil doon.

I looked away. Composed myself. Then after a second, I put my hand on his that made him stop. I intertwined our fingers. "Thank you for believing in me, Kasper."

Hinawakan ko ang isa pang knob at sabay namin 'yong binuksan. Bumungad sa amin ang Lethal at Dauntless. There's Lydia and Dion. I can tell she's not okay until now. But she's Lydia. She can compose herself just like how I did.

The wide basement were full of lights kaya maliwanag kong nakita ang dalawampu't walo na upuan na nakahanda para sa grupo ng Dauntless at Lethal. The chairs were in circular position. Habang sa gitna nito ay mga buttons na nagpapagana sa mga engines.

Nakatayo roon si Kurt at Kristian. Sila ang nagplano ng mga ito. There are cameras everywhere. Nakakonekta ang mga ito sa grand hall kung saan nanonood ang mga judges at mga estudyante ng Alexandria Academy.

"Team Lethal, please move to the left side," said Kristian. Naglakad si Dion at Lydia kasama ang kaniyang grupo sa harap ng mga kani-kanilang upuan. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak kay Kasper.

"Team Dauntless, please move to the right side," said Kurt. Akmang maglalakad na kami nang may humawak sa braso ko. Natigilan ako at napalingon.

"I-Isaac, anong ginagawa mo?" iritado kong tanong. He looked sleepless and vulnerable.

"Usap tayo, kahit saglit lang." Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at hinila niya ako hindi kalayuan kila Kasper na nagtataka.

"Ano ba 'yang sasabihin mo? Magsisimula na ang Tournament--" he cut me off by putting his finger on my lip, shutting me off.

"I know. Gusto ko lang na pakinggan mo ako." He smiled. "Good luck, Love. Naalala mo no'ng Tournament natin dati? You became a warrior. You are one of the reasons why we made through that effin' Tournament." He slightly chuckled. Hindi ko maiwasang mapangiti na rin.

Nilingon ko si Kasper na naghihintay na sa akin. "Do you like him?" Natigilan ako nang sabihin 'yon ni Isaac. I frowned and gazed back at him.

"A-Ano?" nagtataka kong tanong. Sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi.

"That's how your eyes flicker when you like someone. Just like how it flickered when you started to fall for me back then," Isaac saidthat made me quiet. Why is he saying this? Alam niya ba ang sinasabi niya? How could he? "It's okay to love again, Althea. I just want you to be happy. Even if I'm not the reason anymore."

Then he walked out from the basement. He left me there. Dumbfounded. Paano niya nasasabi ang mga ganoong bagay? He's hurting himself. He's hurting me. Bakit iniisip niyang kaya kong magmahal ng iba bukod sa kaniya?

Naglakad ako pabalik kay Kasper. Asking myself, did I fell? That's a silly question, because I know to myself that my heart belongs to Isaac.

Naupo kami sa electronic chair. Sa upuan na ito, mawawalan ka ng ulirat pero nasa loob ka na ng Arena. Tila illusion lang ang lahat. There's also a time on our wrist just like on the 23rd Tournament.

Tumusok ang makina sa kanang braso ko na naglalagay ng kung anong device sa aking braso. Napangiwi ako sa hapdi. Then some electronic device was put on my head then my gaze started to blurry. Magsisimula na ang Tournament.

"Are you ready, Everyone?" Wala ng nakasagot sa amin sa tanong ni Kurt. "Welcome to the first ever Tournament held here in Alexandria Academy. Team Dauntless and Team Lethal, you are now arriving on the Arena."

Unti-unti, bumibigat ang talukap ng aking mata. At tuluyan na akong nawalan ng malay.

*****

The night before the tournament...

Isaac's POV

"Anong kailangan mo?" nagtatakang tanong ni Kasper pagkarating niya rito sa labas ng Academy. He's probably wondering why I asked for him.

Hinarap ko siya. "Can we talk?" Bumuntong-hininga siya at naglakad pa palapit sa akin. He sat beside me. Nakaupo kami sa mga damo habang nakatingin lang sa madilim na kalangitan.

"She loves you, and you know that. You're the reason why she's crying, you know that. She's hurting, you know that. Alam mo, pero bakit wala kang ginagawa?" sabi niya. Hindi na ako nagulat doon. I know. I fucking know. Sinasaktan ko 'yong babaeng walang ibang ginawa kun'di mahalin ako.

"Because I'm hurting, too. How can someone fix others, while they're broken, too? Paano ko magagawang ayusin ang isang taong ako ang dahilan nang pagkasira?" My gaze dropped. "Baka kapag pinilit ko pa siyang bumalik sa akin, masira ko lang siya lalo. And I can't afford to do that. I can't hurt her anymore than I already have."

He stayed quiet for a while. "Then, why did you call for me?"

"I-I want you to just be there for her when I couldn't." Halatang nagulat siya sa sinabi ko. It's new to him to hear that from me knowing that I'm possessive when it comes to Althea. Pero ito lang ang alam kong paraan para maging ligtas siya.

"What do you mean?" Miski siya ay naguguluhan na sa mga sinasabi ko. I laughed, humorlessly.

"I can't fix her broken heart anymore. And she needs someone who can. That's you, Kasper." Hindi pa rin rumerehistro sa kaniya ang mga sinasabi ko. Napalunok siya. Hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.

"We were just a lesson to each other. May natutunan ako sa kaniya. May natutunan siya sa akin. But what if Althea and I were just a victim of 'ipinagtagpo pero hindi itinadhana'? What if fate led me to meet her, for her to realize that life is more than she think it is? Paano kung--" I stopped. Hindi ko na masabi. Shit. Naiiyak na ako. Iisipin ko pa lang na mapupunta siya sa iba, nadudurog na ako.

"Paano kung?" He asked. I averted my gaze. Hindi ko masabi. Hindi ko kaya. "Isaac, paano kung?"

I cleared my throat. "What if all along, she was meant for you?"

***********

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now