EDITED VERSION
**********
Weeks had passed. Still remembering the last time I saw him. With his teary eyes as if telling me that everything will be alright.
Does it have to hurt like this? Napakalupit ng panahon at pagkakataon. Napakahabang panahon ang nagdaan nang hindi ko siya nakakasama. Pero nang nabigyan kami ng pagkakataong magkasama ay napakasaglit lang.
Pahapyaw na saya pagkatapos ay mahabang panahon na pasakit naman ang kapalit. Papa, I miss you.
Siguro kaya ako naiinis sa sarili ko dahil lumaki akong galit sa kaniya. Never realizing that he tried to change. He succeeded yet fate didn't let me experience having a real father.
Ang sakit. No, sobrang sakit. Bakit ba kasi inilalayo sa atin 'yung mga taong magpapasaya sa atin nang sobra?
"Ms. Althea, nandito na po tayo," said the driver. Doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng Academy.
I chose to had a vacation with Mary. Pinatuloy niya ako sa bahay nila ni Isaiah. Noong una ay ayaw ko dahil baka makagulo ako sa kanila, but she insisted. Aniya matagal na raw nang huli niya akong makasama.
Mabuti na rin siguro 'yon. I had time to think and focus on myself. Masyado ng nakakapagod ang mga nangyari nang mga nakaraang buwan at taon. Maraming nagbabago sa akin, physically. Madalas akong mahilo at pakiramdam ko tuwing madaling araw ay lagi akong maduduwal. Normal lang siguro 'yon dahil na-trauma ako sa mga nangyari.
"Salamat po. Pasabi na lang po kay Mary na maraming salamat sa lahat." I stepped out of the car and breathed in. Tahimik at payapa ang kapaligiran.
Tila walang nangyari. I walked inside and all I could see are students who are busy for their classes. Walking carefree along the hallway. Some of them were laughing. Some are bowing their heads kapag dumadaan sila sa harap ko.
Naglakad ako nang diretso, hila-hila ang isang maleta na puno ng mga damit ko. I was about to walk in the stairs when someone called me.
"Althea?" His voice made me stop. Nilingon ko siya and his familiar genuine smile showed up. Ang ngiting halos dalawang buwan ko ring hindi nasilayan.
"Thought you're not coming home again." Bakas sa boses niya ang pangungulila sa presensya ko.
"Is this really my home, Kasper?" I asked. Naglakad siya palapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Of course. This Academy needs you." Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Walang nagbago sa kaniyang hitsura. He's still as handsome as ever. He dyed his hair again. This time, it's gray. Bagay na bagay sa kaniya.
"Can I talk to you?" tanong niya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at hinila niya ang hawak kong maleta. Then he started walking. Sinundan ko siya. I keep on asking him kung saan kami pupunta pero nginingitian niya lang ako.
Until we stopped in front of his dorm. "Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong. He opened the door kaya wala akong nagawa kun'di pumasok na lang.
I was shocked when I saw Hunter there. Nag-aayos ng mga gamit. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Parang pamilyar na sa akin ang ganitong scenario.
"You're wondering why I'm here? I'm here to pick up my brother," sabi ni Hunter na nagpatigil sa akin. Magkapatid sila? Now that I thought about it, pareho nga sila ng apelyido at magkamukha rin. "But looks like he's having a hard time leaving. So, I'm gonna leave you both here to talk." Naglakad na siya palabas ng kuwarto at nangibabaw ang katahimikan sa amin ni Kasper.
"So, you're leaving just like what your brother did years ago?" I asked him. Ngumiti lang siya at umupo sa edge ng kama niya. Sinusundan ko lang siya ng tingin.
"Remember when I told you na kapag ako naman ang nanghingi ng pabor, sana sagutin mo rin ako ng oo?" he asked that made me confuse. May idea na ako kung saan pupunta ang usapang ito, pero natatakot akong marinig 'yon galing sa kaniya. Ayaw ko na siyang saktan pa.
"Kasper--"
"Come with me, Althea." Tuluyan na akong natigilan. Tumayo siya at lumapit sa akin, he caressed my cheek and I could feel my eyes watering up.
"Kasper, I can't--" he cut me off. He put his finger in my lips to hush me.
He slightly chuckled. "At least I tried." Tumulo ang luha sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita. "Alam ko na ang isasagot mo. Pero ang sakit pa rin pa lang marinig 'yon galing sa 'yo."
I avoided my gaze. "I did love you." Natahimik siya dahil sa sinabi ko. He stared at me for a while. "Kasper, minahal kita--"
"Don't. Don't say it." Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko, at naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa noo ko. "Stop hurting me, Althea."
Mas lalo akong napaluha. I loved him. I really did. Pero 'yong pagmamahal na 'yon, hindi kasing lalim ng pagmamahal ko para kay Isaac. I hugged him. "Kasper, I'm sorry."
"For what? For loving me less than you love him? Althea, Isaac's your greatest love. I'm just nothing. I should be mad at you for using me. But I can't. Because I love you, and it hurts."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kinuha ang maleta na puno ng mga gamit niya. "Are you leaving me behind?" I asked. Hindi ako makatingin sa kaniya.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. "Yes. I just want this world to be okay again. Even if that means I'm leaving you behind. Goodbye, Althea. If you changed your mind, you know where to find me."
Napabagsak ang balikat ko at napaupo ako sa kama. This is exhaustingly painful to handle. Napakabigat na.
--------------
Kasper's POV
Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako roon at napapikit. Sabi nila, the saddest goodbyes are the ones never said and explained. Pero para sa akin? The hardest goodbyes are the ones with someone you never really had yet you have to leave them. I never had her, pero ang sakt pa rin.
"Wala pa talagang nananalo kay Isaac Villanueva, ano?" napadilat ako dahil sa sinabi ni Hunter. Nakatingin siya sa akin. "I knew you'd fall for her. Noon pa lang na nagpaalam ka sa aking dito ka titira, alam ko na agad. She's unique. Alam mo 'yon? Lagi niyang sinasabing there's nothing special about her but she herself is special."
"I guess I just have to accept the fact that no one can beat a greatest love." I smiled, bitterly. Alteast, we've met. "Let's go."
Naglakad na kami paalis doon. Pero bago kami tuluyang makaalis ay nilingon ko ang Academy.
I love you, Althea. Until we meet again.
************
N O T E:
I mean like, WHO WOULDN'T FALL FOR KASPER SANDOVAL? I did fall for him while writing this story. Lol. Magkapatid na sinaktan ng iisang babae. Tsk. Haba ng hair mo, Althea. LMAO.
THANKS FOR READING, ENCHANTERS!
YOU ARE READING
Alexandria Academy 2: The Reborn
FantasíaAkala nila tapos na ang lahat. Ang hindi nila alam, nagsisimula pa lang ang totoong digmaan. Alexandria Academy 2: The Reborn "Are You Ready For Another War?" ***** Written by: Mikagami_Snow Category: Fantasy, Romance, Action All Rights Reserved 201...