Chapter 28: Saving Her

562 30 0
                                    


EDITED VERSION

***********


Minsan ba naisip na natin kung bakit mag mga taong kailangang dumating sa buhay natin pagtapos ay aalis din naman?

After all the things you've sacrificed for them, they'll leave you hanging, broken and still needing them. Pero kahit anong pigil natin, kung aalis sila, wala tayong magagawa kun'di panoorin silang maglakad paalis.

Hindi dahil talo nanaman tayo. Hindi rin dahil unfair ang love. Kung 'di dahil tapos na ang purpose ng taong 'yon sa buhay natin. Maybe that's what happened to us. Tapos na nga ba ang purpose ko sa buhay mo, Isaac?

"Kasper, iwan mo muna ako." Napatingin siya sa akin. Tingin na parang ayaw akong sundin.

"Ayaw ko nga baka mamaya tumalon ka pa." He chuckled. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nasa rooftop kami at nakatingin sa malawak na tanawin ng Magic World.

"Why would I do that? I won't jump here. Kaya sige na, puwede mo na akong iwan," sabi ko sa kaniya.

"Ayaw ko--" Napalunok siya nang mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin. "Sabi ko nga aalis na ako."

Nagmamadali siyang naglakad paalis kaya natahimik ang kapaligiran. This is the right time to relax and be alone. Ngayon na siguro ang araw na kailangan ko nang magsimulang ayusin ang lahat sa buhay ko.

Natigilan ako nang bumukas ang pinto ng rooftop. "Kasper, sabi ko umalis ka na, e."

Lumingon ako pero walang tao. Kaya kumunot ang noo ko. Nakaawang lang ang pinto ng rooftop.

"Kasper?" I called out his name. Pero wala siya. Kaya naglakad ako palapit sa pinto para isara 'yon.

Hindi mapalagay ang isip ko. Pakiramdam ko, may nakatingin sa akin. Nang maisara ko na 'yon ay agad akong bumalik ulit sa puwesto ko kanina at nagmuni-muni.

Pero pagtapos ng ilang segundo ay bumukas nanaman ang pinto. "Kasper if it's you, it's not funny! Lumabas ka na nga!"

"As you wish." Nanlaki ang mata ko sa boses na nasa gilid ko. Bago pa ko makalingon sa kaniya ay nasaksak na niya sa leeg ko ang isang syringe. Tila pampatulog 'yon kaya nagsimula akong mahilo. My vision became blurry as I tried to call for help.

Napaluhod ako at napangiwi. "T-Tulong..."

"Oh come on! Sa tingin mo maririnig ka nila kung ganiyan kahina ang boses mo?!" sigaw niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita at ramdam kong anumang oras ay mawawalan na ako ng malay. Napapikit ako. Damn it. I shouldn't have let my guard down.

Natawa siya at lumuhod para pumantay sa akin. Nilapit niya ang bibig niya sa may tainga ko. "Don't worry, hindi ka pa naman mamamatay. Makakatulog ka lang."

Pagtapos ay marahas niya akong itinulak kaya napahiga ako sa sahig. Sinubukan kong alisin ang syringe sa leeg ko at inihagis ko 'yon palayo sa akin.

Napapikit ako. "B-Bakit mo g-ginagawa 'to..."

Hindi niya ako sinagot. Nanlalabo na ang paningin ko. Pinagmamasdan niya lang ako. "Have a good sleep, Althea."

Then all went black...

--------------

(WARNING: FOUL WORDS AHEAD)

Isaac's POV

"Hindi ka muna ba magpapaalam kay Althea, Isaac?" Kurt asked. I'm currently putting my clothes inside my luggage. Kakatapos ko lang ayusin ang buong dorm at handang-handa na akong umalis.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now