Chapter 26: The Best Part of Me

629 35 0
                                    

EDITED VERSION

*************

Althea's POV

First love never dies. That's what people says. Same goes with me. Isaac is my first love. And he's my everything. Nothing can replace him in my life. But what makes me stop from fighting? It is because of his first love.

Rhian Serina. My half-sister. Ang babaeng nauna bago ako. There are things that I don't know about him that she does. Naalala ko pa noong nagkagulo ang lahat. They used me because I look like her.

Siya naman talaga ang nauna. And I? I was just a lost girl who happens to be the half-sister of a dead girl. Hindi ko nga naisip kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling hindi siya namatay. Will Isaac still choose me? Will they accept me?

'Yan ang mga katanungang bumagabag sa akin noon pa man, pero hindi ko na binigyang pansin dahil wala na si Rhian. I'm the present. And nothing else matters anymore. But then, now. She's here. Standing in front of me. In front of us.

"Gianna, what the hell are you talking about?" naguguluhang tanong ni Isaac. Halata sa mukha nito ang pagkainis. Nilingon ako nito. "Althea, ano ba ang sinasabi ng babaeng 'to?"

Umiwas ako ng tingin. I can't look at him because I might break down. Oo, Isaac. Totoo ang sinasabi niya. Buhay si Rhian. Your first love. "Aalis na muna ako. Gusto kong magpahinga."

Naglakad ako palabas doon pero hindi pa ako nakalalayo nang hilahin ni Isaac ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"Althea, anong palabas 'yon? Ganoon na ba kadesperada si Gianna? And look at you, mukhang sinasang-ayunan mo pa siya!" naiirita nitong sabi.

Mariin ko siyang tinignan. "Nagsasabi siya ng totoo, Isaac. She's my half-sister. Rhian Serina. Your first love. Gusto mo ng patunay? Talk to her and she'll explain." Tumalikod ako pero hinila nanaman niya ako.

"Naguguluhan ako--" I cut him off.

"Hindi mo na kailangang maguluhan, Isaac. Okay? Bumalik ka na sa kaniya. Finally, she's back. And you should be happy," I said. But it backfired on me. Alam kong anumang oras ay tutulo na ang luha ko. Hindi ko kayang makita siyang maglakad paalis at puntahan si Rhian. Ang sakit-sakit kasi sa pangalawang pagkakataon, natalo nanaman ako.

Nabitawan ni Isaac ang braso ko. He held his forehead as if he's swallowing what I just said. "Damn, ang gulo. Sa sobrang gulo, gusto ko na lang hawakan ka at tumakbo paalis dito."

"You can't, because I don't want to," matigas kong sabi. "Wala na tayo, Isaac. Tapos na. Hanggang doon na lang 'yon. So, go back to her. And she'll explain everything."

"I can't go back there!" sigaw niya sa akin. Tumulo ang luha sa mga mata at mas lalo akong nasaktan. "Can't you understand that? Ayaw ko nang bumalik doon kasi mahal na mahal kita!"

"Why?" nagtataka kong tanong. "She's your first love, Isaac! Hindi kayo naghiwalay, we all thought she's dead and you grieved for her. And now that she's alive, go back to her and continue--" hindi na niya ako pinatapos pa.

"Hindi ko kaya kasi ikaw na 'yong mahal ko!" Natahimik agad ako sa sinabi niya. Mayamaya ay tumulo na lang bigla ang luha sa aking mata. "Althea, hindi ko siya kayang balikan doon, kasi wala ng dahilan para bumalik ako. Kaya nga ako nandito ngayon sa harap mo, e. Because I choose you. Over and over again, I'll still choose you."

Pinipigilan kong huwag mapahikbi kaya't kinagat ko ang aking labi. Halos dumugo na 'yon sa sobrang diin ng pagkakakagat ko. Pero napalingon ako sa likod ni Isaac. There I saw Rhian, crying while looking at me.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now