EDITED VERSION
***********
Isaac's POV
Nakatingin lang ako sa kaniya habang patuloy siya sa pagkuwento ng mga pangyayari sa buhay niya. Nakangiti siya habang ginagalaw ang kaniyang kamay at inaaksyon ang mga kinekuwento niya.
She knew I wasn't listening. She knew my attention wasn't on her stories. But she keeps on talking.
"Tapos nahirapan kaya akong mag-adjust noon--"
"Rhian..." She stopped when she heard me. Pero ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi mawala. Nakatingin lang siya nang diretso sa mata ko.
"Bakit, Isaac?" Tiningnan ko lang ang kabuuan ng kaniyang mukha. Walang bakas ng dating Rhian. Pero nang ikinuwento niya sa akin ang lahat, napaniwala niya ako agad. Pero bakit ngayon lang?
"Bakit hindi mo naisipang bumalik noon pa?" I asked her. Saglit siyang hindi nakasagot. Tumahimik ang paligid. Gusto niya rito sa rooftop kami mag-usap kaya pinayagan ko siya.
"Kasi nakita ko kung gaano ka na kasaya," sagot niya. Sa pagkakataong 'to, ako naman 'yong natahimik. "Hindi mo alam kung gaano ko gustong sabihin sa 'yo na buhay pa ako. But I saw your smile, it was real. Wala nang bakas ng sakit."
"So, you chose to hide instead of coming out? Rhian, hindi mo alam ang epekto sa akin ng pagkamatay mo. I was wrecked. Sinisi ko sarili ko sa--" She stopped me by holding my hand.
"Ang importante 'yong nandito pa ako, right? I'm back, Isaac. Your first love," she said that made me still. Ilang taon na ang dumaan. Ilang bagay na ang nagbago. Bumuntong-hininga ako at tinanggal ang kamay niya sa akin. Umiwas ng tingin.
Sometimes, I don't know what hurts more. Fighting for someone who doesn't want to fight back, or forcing myself to love someone whom I can't love back?
A tear fell down from her eyes then looked away. "You really love her, huh?" She chuckled. I tried to wipe away her tears pero hinawi niya ang kamay ko. "B-Baka may paraan pa para bumalik 'yong nararamdaman mo sa akin? O baka akala mo lang na hindi mo na ako mahal pero ang totoo ay hindi naman talaga nawala ang pagmamahal mo sa akin..." She was convincing herself more than she tries to convince me. Pero buo na ang pasya ko.
"I'm sorry, Rhian. But I love her," 'yon na lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kaniya. Ngayon hindi na lang isang patak ang tumutulo kung 'di sunod-sunod na 'yon.
"C-Come. May pupuntahan tayo..." Hinila niya ako. I tried to ask her kung saan kami papunta pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Napapatingin na sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Ang iba, nababangga pa namin. Mas lalong kumunot ang noo ko nang papunta kami sa likod ng Academy.
"Rhian, anong ginagawa natin dito?" I asked her. Binitawan niya ang kamay ko at bahagya niya akong hinarap.
"I have something to tell you, Isaac." I was shocked on what she said. Napatingin ako sa mga kamay naming ipinagdikit niya. "Y-You made me happy and now? I will return the favor. Sinasagot na kita, Isaac."
Kung noong unang sinabi niya 'yon sa akin ay halos maghuramentado ang puso ko sa tuwa, ngayon wala na akong maramdaman kahit kaunti. Si Althea ang naaalala ko.
Inangat niya ang kamay ko at umikot siya na parang nagsasayaw kami. Tulad nang ginawa ko sa kaniya noon. "I love you, Isaac--"
Hinila ko ang kamay ko na nagpatigil sa kaniya. "Gianna--Rhian, stop this. We can't be like before! Marami nang nagbago. I can't force to love you, okay? Paano kita mamahalin kung si Althea lang 'yung gusto ng puso ko? Paano tayo babalik sa dati kung may iba na akong mahal ngayon?!"
YOU ARE READING
Alexandria Academy 2: The Reborn
FantasiAkala nila tapos na ang lahat. Ang hindi nila alam, nagsisimula pa lang ang totoong digmaan. Alexandria Academy 2: The Reborn "Are You Ready For Another War?" ***** Written by: Mikagami_Snow Category: Fantasy, Romance, Action All Rights Reserved 201...