Chapter 19: In Between

532 33 0
                                    

EDITED VERSION

************

Kinabukasan, dumating ako sa training room at naabutan ko silang busy sa bawat obstacle course. Hingal na hingal. Pinagpapawisan. But you can't see a bit of tiredness on their faces. Hindi ko maiwasang hangaan sila. Kahit papaano ay naging mahalaga na sa akin ang team na 'to. They remind me of our team. Me, Isaac and the others.

"Do you know why they're amazing?" asked Kasper. Nilingon ko siya at tinignan nang parang nagtatanong. "Because their leader is amazing." Then he winked.

Hindi ko maiwasang matawa. Binatukan ko siya. "Ang corny mo talaga!" sigaw ko.

He chuckled. He drank his water. Maya-maya ay bigla na siyang sumeryoso. "Althea, can I ask you something?"

"Ano 'yon?" tanong ko. Nakatingin lang siya sa team na busy sa paggawa ng obstacle.

"Can you be my date tomorrow?" he asked that made me stop. Tomorrow is the Enchanted Ball. Kaya busy ang buong Academy sa pag-prepare para sa event bukas. We're busy too because the day after tomorrow will be the annual Tournament. So, today is our last training.

"O-Oo naman," I smiled at him. Though, hindi ko alam kung pupunta ba ako. But since he asked me, sasama na ako. Besides, 'yon na siguro ang tamang panahon para bumawi ako kay Kasper. Pagkatapos nang mga nangyari sa kaniya, ito na lang ang magagawa ko.

"Great!" A genuine smile showed up on his handsome face. Itinutok namin ang aming atensyon sa aming mga estudyante. Kumpara noon, mas nag-improve pa sila lalo. And I can see that they're determined to win. I want to win too. But win or lose, atleast we fought as a team. 'Yon ang mahalaga.

Nang matapos ang first training ngayong araw ay nagtipon-tipon sila. Waiting for me to talk. I cleared my throat. "Listen, everyone! I want to see you all fight there as a team. Not for yourselves. But for this team. Gusto ko lang malaman ninyo na kahit anong mangyari, lalaban tayo nang buo! We will let them see that this is not just a tournament. This is a battle that built us! Gusto kong maalala niyo ang Tournament na 'to hindi dahil sa laban, kun'di nakabuo tayo ng pamilya."

They smiled at me. I can tell they felt what I feel. Heaven stood up. "Miss Althea," she uttered. "They chose a right leader."

Sunod namang tumayo si Chase at Jaeden. "Group hug!" Sabay nilang sigaw. Nagtatakbo sila palapit sa amin ni Kasper at mahigpit kaming niyakap. Lahat sila, naging mahalaga na sa akin.

"Ano pa'ng hinihintay niyo? Back to the training!" sigaw ni Kasper. Naghiyawan naman sila at bumalik na sa training. Tumabi naman sa akin si Kasper at inakbayan ako.

"You know, I'm always proud of you," Kasper said that made me smile.

"Mas proud ako sa 'yo, hindi ko naman 'to kaya kung wala ka, e." Ginulo niya ang buhok ko. "Tara, mag-training na rin tayo."

************

Natapos ang araw na 'yon na pagod na pagod ako dahil sumabay na rin kami ni Kasper sa pag-training. Hindi madali, pero nakaya naman namin. They are all fast learners. Matatalino silang mga estudyante at sigurado akong malayo ang mararating nila.

Nang makaalis na ang ibang estudyante ay napaupo ako sa sahig ng training room. Kasper turned off all the hologram and simulator. Then he offered me a bottled water.

"Pagod ka na. Ihahatid na kita sa dorm mo," he said. It's already nine in the evening. Pero nandito pa rin kami sa training room.

"No, I can manage," I said. Hinubad ko ang suot kong boots. At napangiwi ako nang makitang may sugat na ang paa ko. It's kind of swollen.

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now