Chapter 10: The Obstacles

522 35 0
                                    

N O T E:

ALL OF THESE ARE FROM MY IMAGINATION! I hope no one will copy this or use this to their story. I worked hard in every details of this chapter so, ako na ang nakikiusap. LMAO. I've been kind with someone who plagiarized my work the last time. Pero ngayon, I'll be really angry kapag may gumaya nanaman. Once is enough :)

The ideas are mine except the weapons' names. Hologram photo sample on the media. Photo not mine, credits to the owner.

Thank you and enjoy reading!

EDITED VERSION

************

Althea's POV

I woke up early today. Marami kaming gagawin sa training kaya kailangang maaga rin mag-prepare. Ilang araw na lang kasi ay Tournament na. I want to win not because of the prize, but because I want to prove to them that I'm not just an evil villain's daughter.

Gusto kong gamitin ang apelyido ng Ama ko hindi dahil gusto kong dalhin kung ano ang mga nagawa niyang kasamaan noon, ginamit ko 'yon dahil kahit papaano ay siya ang dahilan kung bakit ako nandito. After all, he's still my Father. At gusto kong matutuhang patawarin siya.

Nang makapagbihis na ako ay kinuha ko ang cellphone ko. There's a message from Isaac.

From: Love

Hey. Rise and shine, Love. Goodluck on your training with your students. I'm sorry about last night. Nakatulog ako kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. I love you.

Napangiti ako nang mapait. I know, Isaac. Alam kong may rason ka lagi. At naniniwala ako sa 'yo. Naglakad na ako papunta sa dining hall para kumain. I need strength for later.

"Good morning, Angel!" Halos mapatalon ako sa gulat nang akbayan ako ni Kasper at sabayang maglakad. Saglit akong natigilan sa tawag niya sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya at napailing. "Bakit mo ako tinawag na Angel?" nagtataka kong tanong. Nginitian niya lang ako at ginulo ang buhok ko.

"'Cause you look like one." Hindi ko alam, pero pakiramdam ko umiinit ang dalawa kong pisngi nang sabihin niya 'yon. Nang makarating kami sa dining hall ay kaagad na kaming kumain dahil panigurado, naghihintay na ang ibang estudyante namin sa training room.

"Hindi ko alam na magiging close kayo nang ganiyan." Napaigtad nanaman ako sa gulat dahil biglang lumitaw si Kurt at Cath sa harap namin na dala ang pagkain nila.

"Puwede ba, kung darating kayo, huwag naman kayong manggulat." Hindi ko alam kung bakit, pero natatakot ako. Kasi kagabi habang nasa dorm ako, pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Iniisip ko na guni-guni lang 'yon pero malakas ang kutob ko na hindi dahil pagkagising ko kanina ay naramdaman ko rin 'yon.

Lalo na nang makita kong bukas ang bintana sa may bathroom ko. I never opened it. Kasi malakas ang hangin na nanggagaling doon, pero kanina nang naligo ako ay bukas na bukas 'yon.

"Masama na bang maging close kami?" natatawang tanong ni Kasper. "Atsaka isa pa, hindi naman ako nahihirapan mag-adjust kay Althea. Right?" Inakbayan nanaman ako ni Kasper. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-kain.

"Kung nandito lang si Isaac, sunog na 'yang braso mo," sabi ni Cath na ikinatigil ko.

"E, kaso nga wala." Nilingon ako ni Kasper pagkasabi niya n'on pagkatapos ay nagbago ang ekspresyon niya nang makita ang reaksyon ko. "Palaging wala."

"He's just busy, Kasper," paliwanag ni Kurt. Hindi ako nagsasalita at hinahayaan ko na lang sila mag-usap.

"Busy? Even if you're busy, you have to find a way for your fiancé. At isa pa, kasama niya ro'n si Gianna." Tuluyan na akong natutop nang marinig ko 'yon. "Hindi naman sa nangingialam ako, pero kilala ko si Gianna. Alam kong alam niyo ring lahat na gusto n'on si Isaac. And she won't stop until she got him--"

Hindi ko na siya pinatapos pa at malakas kong hinampas ang kutsarang hawak ko sa mesa. "Puwede ba? Stop talking about people who's not here!"

Nagulat sila sa akin pero wala akong pakialam. Naglakad ako paalis. Nawawalan ako ng gana kapag naririnig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. Lalo na ngayon na alam kong magkasama sila ni Isaac sa lugar na wala ako. Noong nandito nga ako, grabe na siya lumapit at yumapos kay Isaac. Paano pa kaya kung wala ako?

Hindi ko namalayang sinusundan na pala ako ni Kasper. "Sorry sa nasabi ko, a? Nasabi ko lang naman 'yon kasi naiinis ako, e."

Hinarap ko siya. "Bakit ka naiinis?" nagtataka kong tanong. Ano naman sa kaniya kung busy si Isaac at wala siyang oras para sa akin? Why does he care so much about me?

"Naiinis akong nakikita kang ganiyan. Tingnan mo 'yang mukha mong maganda, o. You looked so troubled."

Napabuntong hininga ako. "Hindi naman dahil kay Gianna o Isaac kaya ako nagkakaganito." Tinignan niya ako na para bang hinihintay niya pa ang sasabihin ko. Yes, isa 'yon sa dahilan pero hindi 'yon ang pinakainiisip ko ngayon. "Ang ama ko kasi, buhay siya."

Nanahimik siya dahil sa sinabi ko. Alam kong kilala rin niya ang ama ko. Lahat naman yata kilala si Elijah Saavedra. Nang makarating kami sa training room ay naghihintay na nga ang mga estudyante sa labas. Binuksan ko ang training room, sinadya ko talagang isara 'yon dahil puno ng mga obstacles sa loob.

At nang makapasok kami ay nagulat sila sa nakita. "Dito po kami magte-training?" nagtatakang tanong ni Heaven.

"Yes, and listen up, Everyone. Mayroon tayong limang obstacle course." Nagsama-sama sila sa harap ko habang nakatayo naman si Kasper sa tabi ko.

Itinuro ko ang kanang bahagi ng training room kung nasaan ang maraming mga crossbows. "This is called Bull's Eye obstacle course one. Naririto ang mga crossbows na magagamit natin. At 'yon," itinuro ko ang hologram na nasa harap nito. "'Yan ang magsisilbing target. But the twist is, kinakailangan niyong maglagay ng piring sa mata."

Itinuro ko ang katabi nito. "And this is Multiple Slay obstacle course two. And as the title says so, paramihan kayo ng mapapatay. At katulad ng unang obstacle, mayroon ding hologram dito. At ang maaari niyong gamiting weapon ay: battle axe, axe, mace, maul, halberd, warhammer at marami pang iba riyan."

Sunod na itinuro ko ang nasa gitnang bahagi ng malawak na training room. "This is Illusion obstacle course three. Dito susubukin ang talas ng inyong isip. Maraming distraction sa loob ng malawak na gubat na inyong papasukin. Wala kayong kailangang gamitin na sandata. Ang mission niyo rito sa obstacle na ito ay hanapin ang inyong mga kagrupo. Kailangan niyo rin pakinggan ang boses namin ni Kasper para makarating sa dulo. Pero isa lang ang dapat niyong matutunan, don't be deceived." Nagsitanguan naman sila at tahimik na nakikinig.

Sa bandang kaliwa naman ang itinuro ko. "Katulad nang lagi nating pinagsasanayan, ang mission niyo rito sa Trapped obstacle course four, kailangan niyong kumawala sa salamin na nakaharang sa inyo. Ang tanging gagamitin ninyo lang dito ay ang kapangyarihan ninyo. At ang kaibahan nito sa simulator ng ating Academy, sumisikip ang simulator na ito hanggang sa mawalan na kayo ng choice kun'di kumawala sa Tournament. At 'yon ang iiwasan nating mangyari. We don't just give up, we fight."

"Ang pinakahuli, at ang pinaka mahirap sa lahat. Ang Group Obstacle course five. Hindi ipinaliwanag sa akin ni Kurt kung ano ang nilalaman ng obstacle na ito. Pero nakasisiguro akong kinakailangan ang kooperasyon ninyong lahat dito," sabi ko.

Nagtaas ng kamay si Benjie. "Ang last obstacle po ay malalaman lang namin kapag nakarating na kami ro'n sa darating na tournament?" tanong niya.

"Yes, miski kami ay walang kaide-ideya sa obstacle na 'yan. Pero wala kayong dapat ipag-alala," said Kasper. "Ang Tournament na ito ay hindi gaya nang mga nakaraang Tournament. Ang mission ng mga obstacles na 'yan ay mapatatag tayo at ipaintindi sa atin kung ano ang kaya nating haraping pagsubok."

Napangiti ako sa sinabi ni Kasper. Hinarap ko ang aking mga estudyante. I will make sure that they won't suffer the way I did inside the 23rd Tournament. "So, shall we begin?"


***************

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now