Chapter 22: Way Out

516 31 0
                                    

EDITED VERSION

***********

Althea's POV

Napadilat ako dahil sa huni ng mga ibon at bumungad sa akin ang kakahuyan. Walang katao-tao at puro puno lamang ang makikita. Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot 'yon. Nasa loob na kami ng illusion.

"Players, you may now proceed to your First Obstacle Course: Bull's Eye." Ang boses ni Kristian ay nanggagaling sa buong paligid. Tila may mga speaker sa kahit saan. I stood up at nagsimula akong maglakad. Pero natigilan ako nang may hologram na isang crossbow ang lumabas sa harap ko. Ito ang sandatang magagamit ko.

I took it and held its trigger. Minanmanan ko ang buong paligid at mariin na naglakad. Halos mapatalon ako sa gulat nang may lumitaw na hologram ng isang target sa harap ko. Kaya bigla kong nabitawan ang string at napaigting ang panga ko nang sumablay 'yon at naglaho ulit ang target. I missed.

"Shit!" napamura ako sa inis at muling naglakad. This time, mas tinalasan ko pa ang pagkilos ko. Then another hologram of target showed up on my right side, kaya muli kong nabitawan ang string at nanlumo ako nang hindi man lang tumama sa hologram.

I looked at my wrist watch. The time is running yet my score isn't. Ano ba ang nangyayari sa akin? I'm too distracted.

"Obstacle course one, Lydia and Dion are done." Nanlumo ako sa narinig. They're done. Yet here I am. Being a big fucking failure. Again.

"Obstacle course one, Heaven and Kasper are done," muling sabi ni Kristian. Nagsimula na ulit akong maglakad.

"Kaya ko 'to." I held the string of the crossbow at nang maramdaman kong may lumitaw sa likod ko ay agad akong pumikit at tumalikod, I let go of the string and I skipped a beat when it hit the bull's eye. Shit! Nagawa ko!

"Althea Genovie is done. You may now proceed to the next obstacle," sabi ni Kurt at napasigaw ako nang mawala ang tinatapakan ko at para akong nahulog sa isang hole. Akala ko mahuhulog ako, pero pagmulat ng mata ko, nakasandal ako sa puno.

Napakagat ako ng labi nang humapdi ang braso ko. Pagtingin ko ro'n ay nagpalit na ang numero ng score ko. 70. Mababa pa 'yon ng lagay na 'yon dahil ilang beses akong nagkamali.

Nilakad ko ang isang malawak na open field. Kung kanina, puro puno ang nilalakaran ko, ngayon naman ay isa lang ang makikitang puno. At puro damo na ang nasa paligid. I almost believed I'm in the edge of the world. Tila walang katapusan ang lalakaran ko. Nagsimula akong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo.

I'm waiting for something to come. Pero ilang segundo na akong naglalakad ay wala pa rin. "Team Dauntless and Lethal, welcome to Second Obstacle Course: Multiple Slay," said Kurt.

Nagsimulang manuyo ang lalamunan ko dahil kanina pa ako walang naiinom na tubig. Sumabay pa ang pagpintig ng oras sa braso ko. Sinubukan kong i-track ang kinalalagyan ng mga kagrupo ko, pero wala akong makitang bakas nila. Ganoon sila kalayo sa akin.

Naglakad ako, pero agad ding natigilan nang dumilim ang paligid. Hudyat na gabi na. It's like the sun slid down and the moon came. It was just a second before the big moon showed up. Napakaganda nito. I wish, that life is like inside this illusion. Sun is pain, and moon is freedom. Just a split seconds of pain, and then freedom will come.

Mas mahihirapan ako ngayong gabi na. Mahirap makakita ng kalaban kahit pa nasa gitna ako ng malawak na open field. This is an illusion, biglang susulpot ang kalaban at kailangan mong maging aware sa paligid.

Naglakad-lakad ako. Trying to track something again, but I failed. Uhaw lang ang inabot ko. Napaupo ako sa damuhan. Frustrated. Hindi ko inaakalang ganito pala kahirap 'to.

This is the Multiple Slay Obstacle. Kung saan may mga kalaban na gawa sa hologram. Ibig sabihin, maraming kalaban ang darating. Hindi lang isa o dalawa. Marami.

Napahiga ako sa damo dahil sa pagod. Nakatingin lang ako sa madilim na kalangitan nang mapansin kong may kumikinang doon. Pinaningkitan ko 'yon ng mata dahil hindi klaro sa akin ang bagay na--Shit! Bumubulusok papunta sa akin!
Dali-dali akong tumayo at tumakbo palayo roon at nang makalayo ako ay biglang dumagundong ang lupa nang bumagsak 'yon sa damuhan. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Monsters.

Mga halimaw na gawa sa hologram. May hawak silang mga armas. Shit! What am I supposed to do?! I'm unarmed! Wala akong laban sa kanila. At nanlaki ang mata ko nang maraming halimaw pa ang nagbagsakan galing sa kalangitan.

"Oh, no." Napapikit ako at kumaripas ng takbo palayo roon. Pero ramdam ko ang pagsunod nila sa akin. Malakas ang pagkabog ng puso ko habang pilit binibilisan ang pagtakbo. Wala pa ring armas na ipinapadala sila Kurt. How am I supposed to fight when I have nothing?

"Oh, crap! Stupid! You have powers!" singhal ko sa sarili ko. At bumuo ako ng malaking fire ball sa kamay ko at hinagis 'yon sa mga halimaw. Natigilan sila nang tumagos lang 'yon sa katawan nila at umapoy bigla ang damo na nasa likod nila. Tinignan nila ulit ako na parang ako ang pinakatanga sa mundo. Shit, I forgot. They're hologram. Of course my power won't work.

"Hey, Hologram Monsters." Kinaway ko ang kamay ko sa kanila at ngumiti. They growled that made me yell and run.

"Kurt!" sigaw ko. Alam kong naririnig nila ako ngayon. "Where the fuck are the weapons?!" Patuloy ako sa pagtakbo. Hingal na hingal na ako sa pagtakbo pero 'yong mga humahabol sa akin, parang walang kapaguran.

Natigil ako sa pagtakbo nang may humarang sa harap kong halimaw. Triple ang laki niya sa akin at may hawak pa siyang battle axe. Handa na siyang iunday 'yon sa akin.

Wait. Battle axe? Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Kaya ba walang armas na ipinapadala sila Kurt, dahil nasa mga halimaw ang mga kailangan namin? "That's it! I just have to kill you!" Para akong bata na napalakpak dahil naka-solve ng isang case.

Mas lalong sumama ang tingin sa akin ng halimaw dahil sa sinabi ko. "Oh, crap!" Napailing ako nang sumugod ito sa akin, kasabay ng ilan nitong mga kasama.

Tumalon ako at pumatong sa may balikat ng isang halimaw at sinuntok ito. Ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa ulo nito, then I moved it in a circular way, kaya bumagsak ito sa sahig kasama ako. Binuhat ko ang battle axe at hinampas sa mukha ng isa pang halimaw na palapit sa akin.

Tinadyakan ko naman ang halimaw na nasa likod ko at winasiwas sa may tiyan niya ang battle axe, at bumagsak ito sa lupa, hudyat na patay na siya.

Pero napaigtad ako nang may mabigat na humampas sa ulo ko. Isang halimaw, hawak niya ang isang axe. Napahawak ako sa ulo ko at ramdam kong dumudugo na 'yon.

The monster growled at akmang ihahampas na sa akin ang axe nang bigla itong bumagsak sa sahig. Nangunot ang noo ko. At agad na natigilan nang makita si Heaven na nakatayo sa likuran nito, may hawak na armas.

"Miss Althea!" napasigaw siya nang bumulusok ako pahiga sa damo dahil sa hilo. Napapapikit ako dahil sa sobrang hapdi. "Oh, no! Miss Althea, stay awake!" Sinusubukan niya akong gisingin pero unti-unting sumasara ang mata ko. I feel dizzy.

And everything turned black.

**********

Alexandria Academy 2: The RebornWhere stories live. Discover now