Chapter 1

13.2K 199 3
                                    

Akala ko kapag tinakbuhan ko siya talikuran ay magiging payapa na ako pero mali pala, simula noong lumayo siya halos hindi na siya mawala sa king isipan. Maghahating-gabi na at palipat-lipat ako ng puwesto sa aking hinihigaan para kasing may kung anong bumabagabag sa akin. Naisipan kong bumaba at dumiretso sa kusina, wala ang mga kapatid ko dahil abala sa mga ginagawa nila. Si Zachaos sa pagpapatakbo ng negosyo, si Lucsian naman sa pambababae. Binuksan ko ang isang mamahaling wine na bili ni Daddy para pampatulog, pero napakunot ang aking noo nang may ilaw na sumilay sa may kusine na nanggagaling sa silid ng aming mga katulong.

"Gising pa sila? Gabing-gabi na, dapat nagpapahinga na sila." saad ko at nilagok ang pangalawa kong tagay.

Nang makarami na ako, naisipan kong maglakad patungo doon. Akala ko kasi papatayin din nila agad ang ilaw pero hindi pala, baka may nangyayari na at kailangan nila bg tulong.

Natigilan naman ako sa harap ng bintana nang makita kung sino ang nandoon...

"Trinity, bakit gising ka pa?" mahinang tanong ko rito.

"May mga papeles po kasi akong inaayos Sir, kayo po pala. Bakit po kayo gising pa? May kailangan po ba kayo, ako na po ang bahala dahil tulog na sila Nanay." alok nito sa akin.

"I'm fine, hindi lang ako makatulog. Doon nga ako sa kusina eh, umiinom. Sinilip ko lang kung bakit bukas pa ang ilaw dito. Mauna na ako," sagot ko naman at tatalikod na sana...

"Sir patapos na rin po ako rito, gusto niyo po samahan ko kayo?" tanong ulit nito.

"Kung hindi ka rin lang naman iinom eh 'wag na," sagot ko at diretso ng naglakad pabalik sa kusina.

Napailing na lang ako, bakit ba laging iba ang epekto ni Trinity sa akin?  Pero imbes na isipin 'yon eh mas inuna ko na ang pag-ubos ng wine. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iinom, biglang sumulpot si Trinity sa may pinto ng kusina.

Nakangiti naman itong lumapit sa akin, "May problema ka ba?" tanong nito nang makaupo na.

"Wala naman, hindi lang ako makatulog... Ikaw, masyado ka yatang abala?" balik ko ng tanong sa kan'ya.

"Alam mo naman, kailangan ko pa magtapos ng pag-aaral. Tsaka ano, aalis na ako sa susunod na linggo." saad nito sabay yuko.

Muntik ko pang ma-ibuga ang aking iniinom sa aking narinig.

"Aalis, saan ka ba pupunta?" tanong ko rito.

"Sa U.S, doon kasi ang internship namin. Alam mo naman, flight attendant 'yong kinuha ko. Tatlong buwan din akong mamamalagi roon." sagot naman nito.

Dahil sa sobrang inis ko, hinila ko ito at agad na sinunggaban ng halik.

"Hmm," awat nito pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kan'ya.

Pinipigilan niya ang kan'yang sarili na tumugon, pero kalaunan ay nagpa-ubaya na rin ito. Palalim nang palalim ang aming halikan kaya kinarga ko ito at dinala sa aming bodega. Hindi ko siya puwede dalhin sa aking silid, baka kasi may makakita. Hindi na ito pumapalag kaya ginawa ko na ang gusto kong mangyari, ang angkinin siya.

Bigla akong natigilan nang tumulo ang luha nito... Ako ang unang lalaking nakakuha sa kan'ya.

Pero dahil naiinis ako sa kan'ya dahil aalis siya, walang pakundangan ang aking pag-ulos sa pagkababae niya. "Aalis ka rin naman, kaya sasagarin ko na." saad ng isip ko.

Nang pareho na kaming mahimasmasan, nagbihis na agad ako. Tinapunan ko lang siya ng tingin at tatalikod na sana...

"Hindi naman siguro 'to magbubunga 'di ba?" habol nito sa akin.

"Wala, tsaka hindi ko naman gusto mapangasawa ang anak ng katulong namin." saad ko sabay pikit ng mariin.

Ayaw kong umalis siya, pero hindi ko rin ugaling magmakaawa. Tuluyan ko ng nilisan ang bodegang 'yon at tinungo ang kusina, inayos ko muna 'yong pinag-inuman ko kanina at dumiretso na sa aking kuwarto.

Hindi na ako nag-abala bang magbihis o maligo, inaantok na ako kaya mas pinili ko na lang ang matulog at ibagsak ang aking katawan sa kama.

"Brian! Gising Brian, may maganda akong balita."

Pero imbis na bumangon ay tinalikuran ko 'to at tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Ayaw mong bumangon ha, Brian si Trinity bumalik na!"

Agad namang napadilat ang aking mata sa aking narinig, pero hindi ko muna hinarap si Lucsian.

"Totoo ba?" tanong ko rito.

"Oo, para ko kasi siyang nakita kahapon sa mall." sagot naman nito sabay kamot sa batok.

"Lucsian, hindi ka naman pala sigurado... Tsaka teka nga, ano bang pake ko?" sagot ko rito at nagtakip ulit ng unan.

"Nagkukunwari ka pa, alam ko naman na miss na miss mo na siya. Hay naku Brian, maghanap ka na kasi ng babae nang hindi ka napag-iiwanan!" saad nito kasabay nang pagsara ng aking pinto.

"Makapagsalita, akala mo talaga matagal na sila ni Keshelle eh. Pasalamat siya kapatid ko siya, kasi kung hindi matagal ko ng diniskartehan si Keshelle." saad naman ng isip ko.

Pero bigla akong napaisip sa aking panaginip kagabi... Alam kong panaginip lang 'yon, pero totoong nangyari 'yon sa amin ni Trinity.

Mahirap mang aminin, pero minsan na akong nahulog sa babaeng hindi pala magiging akin. Ni hindi ko rin naman sinabi sa kan'ya, tsaka paano kapag sinabi ko? Hindi ba siya tutuloy sa U.S? Niloko niya rin ako eh, akala ko ba tatlong buwan lang? Pero taon na ang lumipas hindi na siya bumalik!

Isang sarkastikong ngiti ang aking pinakawalan, "Baka naman foreigner pala ang hanap?" natatawang saad ko at pinili na lang bumangon.

Imbes na isipin pa ang manlolokong babaeng 'yon, naligo na lang ako at naghanda para makapasok na sa trababo. Wala na rin si Sychea kaya subsob na naman sa trabaho si Zachaos, pareho sila ni Trinity ng tinahak na daan... 'Yon nga lang, naligaw yata si Trinity at hindi nakabalik.

Matapos maligo at maghanda, bumaba na ako para magkape sana nang sumalubong sa akin ang mukha ni Aling Tina. Ina ni Trinity na hanggang ngayon sa amin pa rin nagtatrabaho.

"Good morning Sir," bati nito habang hawak-hawak ang lalagyan ng kape.

Pero imbes na sagutin ay dumiretso na lang ako sa pinto palabas ng aming bahay.

"Sir hindi po ba kayo rito kakain? Bilin po ng mommy at daddy niyo na kailangan daw po muna kayo kumain bago umalis." habol naman nito sa akin.

"Hindi na, dadaan na lang siguro ako sa drive through ng mga fastfood chain." sagot ko naman at tuluyan ng umalis.

I used to be cold sa mga taong iniiwasan kong maka-usap, aside that I don't want to have a conversation with them is I really don't want to see their face. Agad kong naapakan ang preno ng aking sasakyan nang biglang may mahagip ang aking mata sa loob ng isang fastfood chain.

"Bakit pamilyar ang mukhang 'yon?" saad ko at agad na tinignan ulit ang puwesto niya.

--

Salamat sa mga readers ko na nagbabasa hanggang sa series 3. 💓

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon