Chapter 5: She's back!

6.2K 137 3
                                    

"What the hell Lucsian! Kung wala kang ibang magawa manahimik ka na, bakit mo ba laging pinipilit sa akin si Trinity eh hindi ko nga siya gusto at sobrang layo ng taste ko sa babae sa kan'ya." matigas na saad ko kay Lucsian.

Kanina pa kasi siya paulit-ulit na nakita niya raw si Trinity, aba! Napaka-imposible naman 'yon, abril ngayon kaya sigurado ako na ginagago lang ako ng kapatid ko.

"Bakit ba ayaw mong maniwala? You can also ask Keshelle, nakita niya rin si Trinity Brian!" pamimilit nito sa akin.

"Are you kidding me? Keshelle doesn't know about Trinity, sigurado rin ako na hindi niya 'yon kilala." nakangisi kong saad dito.

"Masyado ka talagang denial Brian, kahit ngayon hindi ka pa rin marunong magtago ng nararamdaman. Kung 'yong iba kaya mong peke-in, ako hindi. Kung ayaw mo maniwala edi huwag, hindi ko na 'yon ipipilit pa. Just ready yourself, duwag ka pa naman." seryosong saad nito sabay talikod.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao, duwag na kung duwag pero wala na akong pakialam sa Trinity na 'yon...

Wala nga ba?

Matutulog na sana ako kaso hindi ako pinapatulog ng aking mga nalaman. Kamusta na kaya siya? Ganoon pa rin kaya ang nararamdaman ko kung makita ko siya ulit?

Pinaramdam ko naman sa kan'ya noon na mahal ko siya eh, siya lang talaga 'yong manhid at hindi niya 'yon makita. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng puwede inumin, pangpa-tulog lang. Ilang taon na rin akong walang balita kay Trinity, paano kung isang araw bumalik nga siya?

Halos ubusin ko ang can ng beer na nasa loob ng aming ref. Doon na ako tumigil nang dalawin na ako ng antok.

Handa na nga ba talaga akong makita siya ulit?

Umakyat na ulit ako sa aking silid upang matulog, kung ano man ang mangyayari bukas bahala na...

Kinabukasan nagising ako nang maramdaman kong may maliliit na kamay na sumasampal sa akin. Napaatras ako at namilog ang aking mata nang may bata akong nakita sa aking harapan.

"Bakit may bata rito, kailan pa nagkaroon ng multo rito?" mahinang saad ko habang pinupunasan ang aking mata.

"Papapapapa... Mamamamama." Ito 'yong paulit-ulit na sinasabi ng bata.

"Multo ka ba?" ito 'yong unang tanong ko sa kan'ya.

Never kasi nagkaroon ng bata rito sa bahay, ngayon lang kaya naisipan kong baka multo ito. Pero bigla akong natigilan nang maaninag ko ang mukha nito.

"Bakit parang mukha ko 'to noong bata ako?" mahinang saad ko nang tinitigan ko ang bata ng malapitan.

Nakatitig lang rin ito sa akin sabay biglang ngumiti...

Hindi ko maipaliwanag pero biglang gumaan ang aking pakiramdam nang makita ko ang inosenteng ngiti ng batang ito.

"Papa," saad nito sabay ngiti sa akin.

"Hindi naman ako ang Papa mo baby eh, tsaka bakit ka pa napadpad dito sa loob ng kuwarto ko?" tanong ko rito sabay umupo na ng maayos.

Pero sigurado nama akong bulol pa ito, naghilamos na lang ako para kargahin ito at ibaba na sa sala. Nang lalabas na ako galing sa banyo bigla itong lumapit sa akin sabay yakap sa aking binti.

"Papa," paulit-ulit na saad nito.

"Baby, hindi ako ang papa mo." sagot ko sabay kinarga ito. Batid ko nasa dalawang taong gulang pa ang batang ito.

"What's your name?" tanong ko rito.

Pero dahil sa sobrang ka-cute-an nito ay pinisil ko ng bahagya ang pisngi nito sabay hinalikan ang pisngi.

"Ang gaan naman ng pakiramdam ko sa batang ito," saad ko rito.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang isandal nito ang kan'yang ulo sa aking balikat. Gustuhin ko mang kargahin at makipag-bonding sa batang 'to ay hindi maaari dahil may trabaho pa ako. Mas lalo akong nagmadali na ibaba ito nang makita na late na talaga ako. Inalalayan ko ang likod nito habang binabagtas ko ang daan.

"Mommy!" paulit-ulit na pagtawag ko kay Mommy.

"Mo-"

Agad akong natigilan sa pagtawag kay Mommy nang makita ang isang pamilyar na mukha.

Mukha ng taong minsan ko ng...

"Brint anak, kanina pa kita hinahanap." saad nito sabay lapit sa akin.

Sumilay naman ang ngiti ng batang paslit nang makita ang mukha ni Trinity.

"Mommy," saad ng bata.

Agad niya namang kinuha sa akin ang bata, nakatulala man ay nabigay ko naman ng maayo sa kan'ya ang bata.

"She's really back," saad ng isip ko.

"Paano napunta sa kuwarto ko ang batang 'yan?" malamig na tanong ko kay Aleng Tina.

"Pasensya na iho, hindi ko rin alam. Kanina lang iniwan ko siya sa sala dahil nagbanyo si Trinity, ewan ko kung paano siya naka-akyat sa taas." paliwanag naman nito.

"Okay," maikling sagot ko.

"Brian gising ka na pala, halika na at saluhan mo kami. Hindi ka ba masaya? Nandito na si Trinity." saad ni Mommy na galing sa kusina.

"Nagising kasi ako dahil sa batang 'yan, tsaka ano naman pong pake ko kung bumalik na siya?" sagot ko naman dito.

Nakita ko naman sa gilid ng aking mata ang pag-yuko nito.

"Brian," saway sa akin ni Mommy.

"Sige na po, may trabaho pa ako." sagot ko naman dito.

"Daddy,"

Bigla akong natigilan sa pagtalikod nang sabihin ito noong bata.

"Daddy," ulit pa nito.

"Hon,"

Napakunot naman ang aking noo nang sabihin ito ni Trinity kaya napatingin ako sa may pinto.

Akala ko ako 'yong tinawag na Daddy...

"And who are you?" diretsong tanong ko sa lalaking nasa pintuan.

"I am Adam Paul, Trinity's boyfriend." pagpapakilala nito na nagpatuyo ng aking lalamunan.

"Kaya naman pala ilang taon nawala, ngayon alam mo na kung anong rason ng anak mo kaya siya nawala ng ganoon katagal." diretsong saad ko kay Aleng Tina sabay nakapamulsang tumalikod.

"Sumusobra ka na Brian! Hindi mo ba alam ang salitang respeto? Nandito ako para magpaliwanag kay Nanay, huwag mo naman akong pangunahan dahil wala kang alam!" galit na sigaw ni Trinity sa akin.

"Kailan ba ako nagkaroon ng pake sa 'yo?" sagot ko nang hindi siya tinitignan.

"Trinity, Brian tama na 'yan!" awat sa amin ni Mommy.

"Trinity, naririnig ka ng bata. Ma'am pasensya na po talaga," paghingi ng tawad ni Aleng Tina kay Mommy.

"Okay lang po, pasensya na rin po kay Brian. Gan'yan po talaga siya sa tuwing masama ang gising niya." saad naman ni Mommy.

"Kapag landi nga naman ang umiral," pagpaparinig ko rito at tuluyan ng bumalik sa aking kuwarto.

Malakas kong sinara ang aking pinto sabay pabagsak na umupo. Napahilamos ako sa sarili kong mga palad.

"Ano 'yon, may anak na siya? Tapos may jowa pa? Aba! Ang galing naman talaga." saad ng isip ko.

Pinagsusuntok ko ang aking unan sa sobrang inis.

"Bakit ba ako naiinis? Wala naman akong karapatan eh! Bakit ba bumalik pa siya? Sana tuluyan na lang siyang lumayo!

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon