Chapter 20

4.6K 116 10
                                    

"No!"

Pareho kaming napalingon ni Margaux sa pinanggalingan ng boses.

Trinity, she's crying badly.

"Mommy!" umiiyak na tawag ni Brint kay Trinity

"What's the meaning of this Brian?" galit na galit na tanong ni Maragaux.

"Wala akong pinagsabihan Margaux, please kumalma ka lang." pagmamakaawa ko rito habang palipat-lipat na tinitignan si Brint at Margaux.

"Ginagalit niyo talaga ako, makikita niyo ang inyong hinahanap!" sigaw ni Margaux at sasampalin sana si Brint nang biglang tumakbo si Trinity sa may paanan ni Margaux sabay lumuhod at yumuko.

"Huwag... Maawa ka huwag mo saktan ang anak ko, ako na lang ang saktan mo Margaux huwag mo idamay si Brint dito." pagmamakaawa nito habang nakayuko.

Bigla akong nakaramdam ng sakit at awa, kaya niyang ibaba ng ganito kababa ang pride niya maligtas niya lang si Brint. Naaawa ako habang nakatitig kay Trinity na nagmamakaawa habang si Brint naman ay iyak nang iyak.

Bakit natitiis kong makita na nasa ganitong kalagayan ang mag-ina ko?

"Wow naman Trinity, kaya mo palang lumuhod sa harapan ko? Ngayon sabihin mo sa akin, anong kaya mong gawin para ibalik ko sa 'yo si Brint?" saad ni Margaux habang nakatitig kay Trinity na nakayuko.

"Anything, kaya ko gawin ang mga sasabihin mo huwag mo lang saktan ang anak ko." umiiyak na saad nito.

Nilingon ko naman ang pintuan pero napakunot ang aking noo, bakit siya lang mag-isa ang sumugod dito?

"Kung ganoon, halikan mo ang aking mga paa!" utos ni Margaux dito.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, kinakabahan ako na baka gawin 'yon ni Trinity.

Napaawang ang aking bibig nang mapansin na umayos ito at akmang hahalikan na ang paa ni Margaux nang naglakas loob akong atakehin si Margaux para kunin ang baril.

"Ahh!" sigaw ni Margaux nang mahawakan ko ang kamay nito at nag-aagawan na kami sa baril.

"Kunin mo na si Brint at umalis na kayo rito!" sigaw ko kay Trinity na nakatulala.

Agad naman itong tumayo sabay nilapitan si Brint at kinarga.

"Margaux nahihibang ka na ba? Itigil mo na 'to!" saad ko sa kan'ya habang hawak ag kamay nito.

"Hindi! Hindi ako titigil hanggat hindi nawawala sa landas ko ang dalawang 'yan!" sigaw naman nito pabalik.

Bigla nitong sinipa ang aking pagkalalaki kaya nabitawan ko ang kamay nito sa sobrang sakit.

"Trinity! We are not yet finished, huwag mo akong takbuhan!" saad nito sabay tinutok ang baril kay Trinity na nakatalikod.

"Huwag!" sigaw ko pero natigilan ako nang  asintahin niya na ang baril at pinutok ito kay Trinity.

Hindi ako makagalaw, nakatulala lang ako nang biglang pumutok ulit ang baril sa pangalawang beses at tinamaan si... Brint!

"Anak!" sigaw ni Trinity habang hawak-hawak ang tama nito.

Natumba naman si Brint at nagsisimula ng umagos ang dugo galing sa tama nito.

Nanginginig akong nilapitan si Margaux nang mapagtanto nito ang kan'yang nagawa.

"Walang hiya ka! Pati 'yong bata dinamay mo sa kahibangan mo! Magbabayad ka Margaux, wala kang awa!" sigaw ko sabay sinipa ito ng napakalakas.

Tumilapon ito kaya nabitawan niya ang baril. Agad ko 'yong pinulot at tinutok sa kan'ya.

"No, please huwag mo gawin 'yan Brian. Mahal mo ako 'di ba? Huwag Brian," pagmamamakaawa nito.

"You shoot them, paano kung mamatay 'yong mag-ina ko? Ito ang nababagay sa 'yo!" sigaw ko rito sabay binaril ang dibdib nito.

"Ahh!" sigaw nito nang tuluyan ng tumama ang bala sa kan'ya.

Agad ko namang pinuntahan si Trinity na nakahandusay at katabi si Brint na wala ng malay.

Biglang tumulo ang aking luha nang makita si Brint sa sitwasyong 'yon.

"Anak," saad ko at kinarga ito.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw ko, umaasa na sama may makarinig.

Napahagulgol ako nang makitang namumutla na ito, sa may tiyan ang tama nito habang si Trinity naman ay sa likuran. Nilapitan ko rin si Trinity na habol-habol ang hininga.

"Trinity kumapit ka lang, dadalhin ko kayo sa hospital." umiiyak na saad ko rito.

Hawak-hawak ko ang kamay nito at wala na akong pake kung mapuno ako ng dugo nila.

"S-save Brint, siya na lang ang unahin mo please. Maawa ka Brian, umalis na kayo at dalhin mo siya sa hospital." nahihirapan nitong saad.

"Kailangan ko kayong dalawa, kumapit ka lang alam ko makakaligtas kayo." pagpapalakas ko sa loob nito.

Napahagulgol na lang ako nang wala pa ring tulong na dumadating. Ang sakit na hawak-hawak ko silang dalawa at parehong nag-aagaw buhay.

"Trinity lumaban ka please, pangako pagsisikapan kong maging mabuting Ama kay Brint. Kumapit lang kayo, babawi ako sa mga pagkukulang ko. Patawarin niyo ako sa mga kasalanan ko sa inyo, kailangan niyo mabuhay dahil babawi pa ako." umiiyak na saad ko kay Trinity na nakapikit.

Ngumiti ito ng bahagya, "K-kung hindi man ako palarin Brian, ipangako mo na aalagaan mo at tatanggapin mo si Brint ha? Sabihin mo sa kan'ya na mahal na mahal ko siya." mahinang saad nito.

"Huwag ka naman magsalita ng gan'yan Tri, makakayanan niyo 'to. Lumaban ka please!" humihikbing saad ko.

Bigla naman akong nabuhayan nang loob nang may marinig akong ambulansya sa labas.

"Babalikan kita, ihahatid ko lang si Brint sa labas." saad ko rito sabay hinalikan ang noo nito.

Dali-dali akong tumakbo sa labas habang karga-karga ang duguang katawan ni Brint.

"Tulong! Buhayin niyo 'yong anak ko," sigaw na saad ko habang papalapit sa ambulansya.

Kasunod naman nito ang mga pulis at si Mommy at Aleng Tina.

"Brian! What happened?" gulat na gulat na tanong ni Mommy.

"Mommy binaril ni Margaux si Brint at Trinity," umiiyak na sagot ko rito.

Napakagat na lang ako sa pang-ibaba kong labi nang sumigaw si Aleng Tina at nag-iiyak. Nilapitan nito si Brint na binibigyan ng paunang lunas ng mga rescuer.

"Sir may pasyente pa po sa loob, nabaril din po." saad ko sa lalaking rescuer din.

Agad naman silang pumasok at nilabas nila ang wala ng malay na si Trinity.

"Mommy sumunod na lang po kayo sa hospital, ako na ang sasakay sa ambulance." saad ko kay Mommy habang aligaga na sa mga nangyayari.

"Sige anak, everything will be fine. Sige na para madala na sila agad sa hospital." saad ni Mommy kaya pumasok na rin ako sa loob ng ambulance.

Inalalayan naman ni Mommy si Aleng Tina para sabay na silang pumunta sa hospital. Parehong nakahiga si Trinity at Brint na wala pa ring mga malay. Kinabitan nila ito ng oxygen at nililinisan ang sugat.

Umusog naman ako para mas mapalapit kay Trinity, nanginginig ang aking mga kamay na hinawakan ang kamay nito.

"Kulang na kulang na sila ng dugo, dapat pagdating natin sa hospital ay masalinan agad sila!" saad ng nurse na nagsusuri kay Brint at Trinity.

"Gawin niyo ang lahat para isalba sila, kahit magkano babayaran ko maging ligtas lang sila." pagmamakaawa ko sa kanila.

Tumango naman ang mga ito habang naaawang nakatitig sa akin.

"Trinity, lumaban ka lang ha? This time nandito na ako sa tabi mo, sa tabi ninyo. Hindi ko kayo iiwan." saad ko rito sabay hinalikan ang kamay nito.

"Mahal na mahal kita, lalo na itong anak natin. Lumaban kayo,"

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon