Chapter 32

3.6K 85 1
                                    

Pumuwesto na sila Brian at Zachaos para ihanda ang sarili sa pagsugod ng mga lalaki. Tinignan muna ni Brian si Lucsian na nakaupo pa rin, sa isip-isip niya ay hindi pa nito kaya tumayo kaya hindi na muna niya ito pipilitin. Magkatalikod sila ni Zachaos habang mahigpit na hawak-hawak ang mga bakal na napulot. Isa-isa ng sumugod ang mga lalaki sa kanila kaya nag-umpisa na rin silang pumalo at buong tapang na kinalaban ang limang lalaki.

Sa isip naman ni Zachaos ay kakayanin nila ito dahil hindi baril ang gamit ng mga kalaban, pareho silang pamalo lang ang hawak kaya gagawin niya ang lahat mapatumba lang ang mga ito.

Sunod-sunod na palo ang ginawa ni Zachaos at Brian sa mga kalaban nilang sumusugod, kinakabahan man ay naniniwala sila sa kanilang mga sarili.

"Ahh!" sigaw ni Brian nang tumama ang hawak na tubo ng lalaki sa tiyan nito.

Agad namang nakabawi ito kaya gumanti rin ito ng palo. Pareho na silang hinihingal ni Zachaos, pantay na ang labanan. Tumba na ang tatlo kaya dalawa laban sa dalawa na lang.

"Mga hangal! Lima kayo tapos magpapatalo kayo sa dalawa lang?" sigaw ni Norman sa mga tauhan.

"Mana sa inyo ang mga tauhan niyo, mga walang kaya puro lang salita!" sigaw naman ni Brian.

"Patayin ang dalawang 'yan!" sigaw ni Norman kaya bumanat na naman ang mga tauhan nito.

Napapapikit na lang si Trinity sa tuwing tinatamaan sila sa bawat hataw ng tubo nang kalaban.

"Argh!" nanggigigil na sigaw ni Zachaos nang tumama ang tubo sa bandang hita niya at muntik pa itong matumba mabuti na lang at naging maagap si Brian kaya naalalayan niya ito agad.

Pawis na pawis na sila nang tuluyan na nilang matapos ang laban. Nakatayo na rin si Lucsian pero inawat naman siya ni Norman.

"Norman, Adam... Tama na please, maawa kayo sa kanila." pagmamakaawa ni Trinity sa dalawa.

"Sa inyo kami maaawa eh tauhan nga namin 'yong natumba? Ngayon, humanda kayo!" mariin na sigaw ni Norman at senenyasan 'yong isa pang lalaki na nakatayo sa may unahan.

Mayamaya pa bumalik 'yong lalaki na may kasama pang dalawang lalaki, hawak nila si Keshelle at Sychea.

"Tang'na naman Norman! Huwag mo naman idamay 'yong mga babae rito!" sigaw ni Lucsian kay Norman.

"See? Sila ang kahinaan niyo kaya gagamitin namin sila, para patumbahin kayo!" mariin na saad ni Norman.

"Kayong tatlo, bitawan niyo na muna ang dalawang babae na 'yan at hawakan niyo ng maigi si Lucsian at Zachaos!" utos ni Norman sa mga lalaking alalay niya.

"Anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Trinity kay Norman.

Senenyasan naman ni Adam 'yong isang lalaki sabay lumapit kay Trinity, hinawakan niya ito ng mahigpit sabay pinuwesto ang matulis na kutsilyo sa baba ng leeg nito.

Halos hindi na makagalaw si Trinitybsa sobrang kaba, "Wang hiya kayo, huwag niyo siya idamay dito!" galit na galit na sigaw ni Brian.

"Ito ang magiging rule, hindi namin sasaktan si Trinity basta ba hayaan mo kaming saktan ka. Hindi ka lalaban, tatayo ka lang diyan habang hinay-hinay ka naming papatayin. Deal?" nakangiting aso na saad ni Norman.

"No! Huwag ka makinig sa kanila Brian please, lumaban ka. Huwag mo ako isipin, please save yourself." umiiyak na sigaw ni Trinity.

Tinitigan naman ito ni Brian, hindi niya mapigilang mapangiti kahit na nasa ganito silang kalagayan. Papatunayan na naman niya ang sarili sa babaeng mahal niya

"Sabi ko naman sq 'yo 'di ba? Hindi ko hahayaan na may manakit sa 'yo." saad nito kay Trinity.

"No, it's so unfair. Alalahanin mo 'yong sinabi ko sa 'yo Brian please, okay lang sa akin na madamay sa gulo mo. Handa ako 'di ba? Lumaban ka, fight for yourself." umiiyak na saad ni Trinity habang pinipilit si Brian na lumaban.

"Hindi ko kayang makita ka na saktan ng ibang tao, lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita " saad ni Brian at napapikit nang maramdamang tumama ang tubo sa likuran nito.

Nag-umpisa ng pumalo si Adam at sinundan ni Norman ng sunod-sunod na palo sa iba't ibang parte ng katawan nito.

"No! No please, tama na! Norman! Adam!" pagpupumiglas ni Trinity habang nasasaktan na pinapanuod ang lalaking mahal niya na pinagtutulungan nila Adam.

Hindi na niya ininda ang hapdi nang madaplisan ang leeg niya dahil sa kakapumiglas.

"Tama na!" sigaw na rin nila Keshelle at Sychea.

Nagpupumiglas na rin si Zachaos at Lucsian, hindi nila kayang pagmasdan lang ang kapatid nila habang hinahampas nina Adam at Norman.

"Tama na! Tama na!" paulit-ulit na sigaw ni Trinity.

"Tumigil ka!" saway sa kan'ya noong lalaking may hawak sa kan'ya.

"Bitawan mo akong gorilya ka!" sigaw ni Trinity sa lalaking may hawak sa kan'ya sabay sinipa ang pagkalalaki nito.

Bigla niya namang nabitawan si Trinity kaya agad itong lumayonda kan'ya at humanap na rin ng puwedeng panlaban. Naglakas loob na rin sina Keshelle at Sychea para lumaban.

"Wala kaming kasalanan sa inyo pero nagawa niyo kaming saktan at idamay!" sigaw ni Trinity sabay pinalo ang ulo nang lalaking may hawak sa kan'ya kanina.

Agad naman itong natumba kaya buong tapang niyang binalingan ang mga lalaking may hawak kina Zachaos at Lucsian. Senenyasan niya naman sina Keshelle at Sychea na may hawak na ring bakal na panlaban.

"Gusto niyo ng away ha, ito ang hinahanap niyo!" sigaw ni Keshelle at nauna ng sumugod.

Agad namang sumunod si Trinity at Sychea, hindi na ito naging mahirap dahil malakas din sina Lucsian at  Zachaos.

Nang masigurado ni Trinity na kaya na nila 'yon ay binalingan niya si Brian na hindi pa rin lumalaban, nakapikit lang ito habang yakap ang sarili na nakahandusay sa sahig. Buong tapang siyang tumakbo sa kinaroroonan ni Brian at hinarang ang sarili sa hampas nina Adam at Norman.

"Tama na please, hindi na kaya ni Brian." pagmamakaawa nito.

"Dapat lang sa kan'ya ang mamatay!" sigaw ni Norman sabay hahampasin na naman sana si Brian pero hinarang ni Trinity ang katawan niya kaya sa kan'ya tumama ang tubo na hawak nito.

Napapikit siya ng mariin sa sobrang sakit, dumilat naman si Brian at kunot noong nakatingin kay Trinity.

"Mahal na mahal kita," saad ni Trinity kay Brian kasabay ang pangalawang palo ni Norman.

"Norman tama na! Babae pa rin 'yan kaya tama na." awat ni Adam kay Norman.

"Bakit, mahal mo pa rin siya? Isipin mo, iniwan ka na niyan para sa Brian na 'yan!" mariin na sigaw ni Norman dito.

Halos hindi na makatayo si Trinity kaya niyakap niya na lang si Brian na mas nanghihina kesa sa kan'ya.

"Lumaban ka please, Trinity." saad ni Brian kay Trinity na nakapikit pero pinipilit pa ring manatiling malakas para kay Brian.

"Ahhhh!" sigaw ni Trinity nang maramdaman ang pangatlong palo ni Norman.

Kasabay ng sunod-sunod na putok ay ruluyan ng nawalan nang malay si Trinity.

"Trinity!"

"Brian!"

---

Malapit na tayo sa ending! :)))

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon