Chapter 31

3.7K 81 1
                                    

Halos hindi mapakali ang lahat ng tao sa bahay ng mga Turner, lalo na noong nalaman nila na kasama sila Sychea at Keshelle na hawak ni Norman at Adam.

"Brian! Paano mo nalaman na hawak ni Norman si Sychea?" humagangos na tanong ni Zachaos kay Brian na kakarating lang.

"Tumawag siya sa akin, paanong nakuha nila si Trinity rito? Huwag niyo sabihing binayaran nila kayo!" pagbibintang ni Brian sa mga guard.

"Sir hindi po, hindi po talaga namin namalayan na may nakapasok na pala." sagot naman noong guard.

"Paanong hindi? Eh tanging ang gate kabf naman ang puwede pasukan at labasan!" bulyaw ni Brian dito.

"Brian tama na, wala tayong makukuha kung sila ang sisisihin mo. Mas mabuti pang tumawag tayo ng pulis para mas madali natin silang mahanap." pagpapakalma naman ng Mommy ni Brian sa kan'ya.

"Fine, pero nasan na ba si Lucsian bakit ang tagal niya?" hindi na mapakaling saad ni Brian.

"On the way na siya, tawagan mo na ang pulis at may titignan muna ako sa labas." saad ni Zachaos kay Brian.

Sinama naman ni Zachaos ang dalawang guard habang ang Mommy niya at Nanay ni Trinity at si Brint ay nagpa-iwan sa loob. Naghiwa-hiwalay silang tatlo para tignan kung bakit may nakapasok ng hindi nila alam. Nagtataka sila kung paano nila nakuha silang tatlo eh nasa iba't ibang bahay naman sila.

Bigla namang natigilan si Zachaos nang may mapansin siyang nakasabit sa pader ng gate ng bahay nila. Inakyat niya ito at kinuha ang nakasabit doon.

"Hindi ito kakayanin ng isang tao lang, sa palagay ko marami ang nasa likod nito. " saad ni Zachaos kaya agad siyang tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

"Brian! Brian!" tawag nito sa kapatid.

"Zachaos!" tawag ni Lucsian dito.

"Mabuti dumating ka na, nasa panganib sila Keshelle!" saad ni Zachaos sa kapatid nito.

"Ano? Bakit, paano nangyari?" gulat na gulat nitong tanong.

Pareho naman silang natigilan nang nagmamadaling bumaba si Brian.

"Lucsian, Zachaos pasensya na hindi ko akalain na magkakaganito. Patawarin niyo ako," paghingi ng tawad ni Brian sa kanila.

"Sino ang nasa likod nito?" tanong ni Lucsian.

"Remember Norman? Siya 'yong nasa likod nito, ang malala pa magkakampi sila ni Adam!" nanggigigil na sagot ni Brian.

"Ang walang hiya na 'yon! Hindi ba sjya nakapag-move one?" mariin na tanong ni Lucsian.

"At talagang sila Trinity ang ginawag pain para makaganti, wala bang nasabi sa inyo si Keshelle at Sychea?" tanong ni Brian.

"Wala eh, nagulat nga ako at ito ang nabalitaan ko." sagot ni Lucsian.

"Lalo na ako 'di ba? Nasa ibang bansa si Sychea tapos ito 'yong malalaman ko." sagot ni Zachaos.

"Pasensya na talaga, hayaa niyo at nakatawag na ako sa police station. Tayo na, baka kung ano pang mangyari sa kanila." aya na ni Brian.

"Teka! Sasama ako, sasama ako sa inyo Brian." saad ni Aleng Tina sa kanila.

"Huwag na po Aleng Tina, sabayan niyo na lang po si Mommy rito at si Brint. Nand'yan naman po si Daddy at 'yong mga guard." saas ni Brian dito.

"Iligtas mo 'yong anak ko Brian please, kailangan ko pa siya at kailangan siya ni Brint." bilin ni Aleng Tina kay Brian.

"Oo naman po, kailangan ko rin po siya kaya ililigtas ko siya." paninigurado ni Brian kay Aleng Tina.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon