"Ano 'yon, anak ko?" pag-uulit ko sa sinabi ni Mommy.
"Yes!" sagot naman ni Mommy.
"So alam niyong lahat?" tanong ko ulit.
"Unang kita ko pa lang kay Brint, alam ko na ang totoo. Kahit walang sinabi si Trinity, alam ko na ang totoo. Iyon nga 'yong pinagtataka namin ni Zachaos at Lucsian eh. Wala ka man lang bang naramdaman na lukso ng dugo?" paliwanag ni Mommy sa akin.
Nagulat ako, actually hindi pa siya nag-sisink in sa akin.
"How sure are you na anak ko nga 'yan?" hindi pa ring makapaniwala na tanong ko.
Napakaimposible kasi, akala ko ba anak nila ito ni Adam tapos ngayon ipapa-ako niya naman sa akin.
"Just like what we've said, you need to undergo DNA test!" sagot naman ni Mommy.
"Tita no need, ayaw ko pong ipilit si Brint sa taong hindi siya kayang tanggapin. Simula pa lang po eh, hindi niya na ito inako." saad naman ni Trinity.
"Wala akong maalala na sinabi mo sa akin na buntis ka!" sagot ko rito.
"Oh talaga? Alam ko na alam mong ikaw ang naka-una sa akin, I asked you that night. Tinanong kita kung pinutok mo sa loob ko ang similya mo the anong sabi mo? Hindi! Thats's the reason why I am comfortable to continue my internship in America because you said so... Hindi 'yon magbubunga!" seryosong paliwanag nito habang nakatitig sa aking mata.
Napakunot ang aking noo... Tama, I can still remember that night. Ang duwag ko ba? Nasanay lang talaga ako sa mga babaeng nagagamit ko na marunong magpalabas ng similya, I didn't expect na magbubunga 'yon.
"Don't listen to them Brian, siguro binilog ng Trinity na 'yan ang ulo ng pamilya mo!" saad ni Margaux sabay kapit sa aking braso.
"You know Brian? Hindi ka na namin kikilalanin na isang Turner kapag hindi mo papanindigan si Trinity, tandaan mo 'yan!" banta naman sa akin ni Zachaos.
"Tita, Zachaos okay na po. Gaya po ng sinabi ko, hindi ko po ipipilit ang anak ko sa ama niyang hindi siya kayang tanggapin. Tama na itong alam mo na ang totoo Brian, wala naman talaga akong planong sabihin sa 'yo eh. Dahil alam ko, magdududa ka at hindi mo kami kayang panindigan!" mariin na saad ni Trinity.
"Bakit mo pinapaako sa akin si Brint? Huwag mo sabihing hiwalay na kayo ni Adam kaya sa akin ka na naman tumatakbo? Trinity naman, pati ba naman 'yong pamilya ko paiikutin mo? Napaka-user mo talaga!"
Isang malakas na sampal ang aking natanggap mula kay Trinity. Napahawak ako sa aking pisngi sa sobrang lakas nito, nginitian ko ito ng nakakaloka.
"Ganoon ba talaga ako kaliit sa paningin niyo? Brian bakit ba ang liit-liit ng tingin mo sa akin, bakit ka gan'yan?" umiiyak na saad nito.
Then it hits me...
Hindi ko alam pero galit na galit ako kay Trinity, siguro dahil kay Adam at kay Brint? Pero paano kung totoo ang sinasabi nito?
"Sa panahon ngayon, mahirap na magtiwala Tri. Hayaan mo na, kung gusto mo ako maging ama ng anak mo pagbibigyan kita. Magkano ba ang kailangan mo?" diretsong saad ko rito.
Hindi ito nagsalita, sinugod ako nito at palipat-lipat na pinagsasampal. Sinusuntok din nito ang aking dibdib habang umiiyak, hinahayaan ko lang ito hanggang sa biglang may humila sa kan'ya.
"Adam?" takang tanong nito.
Naikuyom ko na lang ang aking kamao nang yakapin niya si Trinity.
"Daddy!" tawag ni Brint sa kan'ya.
"I already told you, handa ko kayong panindigan ni Brint. Huwag ka na magmakaawa o umasa sa lalaking 'yan, Trinity mahal na mahal ko kayo ni Brint. Huwag mo na lang ipilit sa kan'ya si Brint, buong puso ko kayong tatanggapin." saad ni Adam dito.
"Adam what are you doing here?" umiiyak na saad ni Trinity.
"Sinundan ko kayo, sobra akong nasaktan nang mapagtanto kong dito kayo dumiretso. Trinity lets just fix this, hayaan mo na lang si Brian kung saan siya masaya." saad ni Adam dito.
"Adam, gusto ko na sayo mismo manggaling. Anak mo ba si Brint o hindi?" seryosong tanong ko kay Adam.
Natigilan naman ito at hinihintay kung ano ang desisyon ni Trinity. Pero yumuko lang ito at binitiwan ang kamay ni Adam.
"Tama na! Tita salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin kagabi, siguro aalis na lang po ako dahil masyadong maliit ang bahay na 'to para sa amin ni Brian. Nanay, te-text ko sa 'yo kung saan ako makakahanap ng matutuluyan. Brian kung hindi ka naniniwala, mas okay para rin hindi mo na kami guluhin pa." saad ni Trinity sabay lumapit sa Nanay nito at kinuha si Brint.
"Walang aalis! Not unless, Adam will spill the truth." matigas na saad ko.
"Hon," tawag ni Adam kay Trinity.
"Stop calling me hon Adam, tapos na tayo! Please, let us go too." umiiyak na saad ni Trinity rito.
Napakunot ang aking noo sa aking narinig, so hindi na pala sila?
"Adam!" ma-autoridad kong tawag sa kan'ya.
"Naging kami ni Trinity kahit buntis siya, tinanggap ko siya kahit hindi ako ang ama ng bata. Adam, maging lalaki ka naman. Masakit para sa akin na aminin 'to sa 'yo, pero nagsasabi ng totoo si Trinity. Ikaw ang ama ng bata!" naiiyak na sagot ni Adam.
Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso nang tuluyang marinig ang sagot ni Adam. Hindi ito maaari! Ang dami kong naging atraso sa kanila...
"Hindi pa rin siya naniniwala, okay lang. I can live without man on my side, tsaka may Margaux na siya at hindi ko ugaling manira ng relasyon. Hindi ko rin hahayaan na mabuo kami ng dahil sa awa, Tita aalis na po ako." saad ni Trinity at nagsimula ng maglakad.
"Brian wala ka man lang bang gagawin?" disappointed na tanong sa akin ni Mommy.
"I don't know what to do Mom, hindi pa tuluyang napoproseso ng utak ko ang aking mga nalaman." sagot ko naman dito.
"Kung hindi lang sana kita naging kapatid, baka matagal na kita pinutulan ng bayag!" naiinis na saad ni Zachaos sabay sinundan si Trinity.
"Daddy!" umiiyak na saad ni Brint habang nakatitig kay Adam.
Minsan niya na akong tinawag na Daddy noon, baka 'yon 'yong dahilan kaya nakaramdam ako ng tuwa noong marinig ko 'yon mula sa kan'ya.
"Ang suwerte mo naman, ikaw 'yong tunay na ama. Heto ako handang maging ama at asawa niya, pero dahil sa kagagawan mo tuluyan niya na rin akong tinalikuran. Sana lang Brian kung anong magiging desisyon mo eh hindi maapektuhan si Brint, they are too precious. I will try my best to win them back. Just because I told you the truth doesn't mean, i'm giving them up. Hindi nila deserved ang hindi ipaglaban, tandaan mo Brian. Duwag ka kaya kayang-kaya ko sila kunin pabalik!" banta sa akin ni Adam at tuluyan ng tumalikod.
"I can't believe you, hindi ko kayo pinanganak para maging duwag! While you girl? You need to find your delicadesa." saad ni Mommy kay Margaux at tuluyan na silang umalis ni Aleng Tina.
Paano kung totoo? Nahihirapan na talaga ako at nalilito!
"Brian huwag ka maniwala sa kanila, binibilog lang nila ang ulo mo." saad sa akin ni Margaux.
"Margaux naalala ko, may sinabi ka sa akin eh. Napansin mo rin 'no?" kumpronta ko kay Margaux.
"A-nong-"
"Answer me!" sigaw ko rito.
"Brian no, don't leave me..." pagmamakaawa nito.
"So alam mo rin? Wow naman, ako lang pala talaga 'yong hindi nakapansin! Ni hindi niyo man lang sinabi sa akin." bulyaw ko rito.
"Natatakot kasi ako, paano kung totoo? Mas pipiliin mo sila kesa sa akin." umiiyak na saad nito.
"What do you expect? Wala namang tayo Margaux, wala!" sigaw ko rito sabay tinalikuran ito.
"Don't you dare leave me Brian! I will make Trinity and Brint's life a living hell!" pahabol nitong sigaw.
Siguro panahon na, I need to find out the truth all by myself.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 3: Marrying You (Completed)
RomanceOnce upon a time, you have the chance to marry her. But time comes, she found someone... Someone better and someone who can fight her until his last breath. Would you still pursue her? Or stop chasing even though you have your "alas"?