Chapter 16

4.5K 101 1
                                    

Nilingon nito si Brian.

"Bakit kailangan mo pa isama si Aleng Tina? Kailangan namin siya rito " saad ni Brian sa kapatid.

"Mabilis lang 'to, babalik din kami agad." sagot nito at inalalayan akong maglakad ng mabilis.

"Zachaos!" tawag ulit ni Brian pero hindi niya na 'to nilingon.

"Kinabahan ako doon ah," saad ko nang makarating na kami sa loob ng kotse nito.

"Hindi ka naman niya siguro nakilala. Mabuti na lang at balot na balot ka, kung hindi baka mas nakilala ka niya agad." sagot nito at binuhay na ang makina ng sasakyan.

"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong nito.

"Zachaos okay lang ba sa 'yo magmaneho kahit malayo? Ayaw ko kasing..." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin.

"Ano?" tanong nito nang mabitin sa aking sagot.

"Para... Hindi agad ako ma-trace ni Adam," sagot ko rito sabay yumuko.

"Nag-away kayo?" tanong nito.

"Oo, malalang away. Hindi ko na alam, basta bahala na." nahihirapang paliwanag ko rito.

"Kaya naman pala, ihahatid kita kung saan ka man magpunta ngayon." sagot naman nito.

"Salamat Zachaos ha?"

"Anything, alam ko kasi balang araw pareho kayong maliliwanagan ni Brian. Maybe not now, but soon." seryosong saad nito habang nakatuon ang atensyon sa daan.

Halos isang oras din ang binyahe namin bago tuluyang nakahanap ng bangko na puwedeng withdraw-han.

Malaki-laki rin ang nilabas kong pera para may magamit, dumiretso na rin kami sa isang convenient store para bumili ng diaper at gatas ni Brint.

"Gusto ko sana pumunta sa condo para kunin 'yong mga gamit namin ni Brint pero baka hindi na ako paalisin ni Adam." malungkot na saad ko rito.

"Saan ba ang condo niyo, ituro mo sa akin ang daan at sasamahan kita roon." saad naman nito.

"Sigurado ka?" gulat na saad ko rito.

"Oo naman, ituro mo lang sa akin at ako na ang bahala." sagot naman nito sabay ngiti.

Kinakabahan man ay tinuro ko sa kan'ya ang daan, I have my spare keys, sana lang wala si Adam doon ngayon.  Nang tuluyan na kaming makarating ay halos lumabas ang aking dibdib sa sobrang kabog nito...

"Nandito lang ako," saad ni Zachaos.

Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang palapag kung saan nandoon ang aming unit. Nanginginig ang aking kamay habang pinapasok ang susi sa lalagyan nito.

"Trinity?"

Muntik ko pang mabitawan ang aking susi sa sobrang gulat.

"Adam-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niya akong yakapin.

"You're back! Sabi ko na nga ba at hindi ko ako matitiis, nasan na si Brint?" tanong nito.

"Actually bumalik lang ako para kunin 'yong gamit namin," sagot ko naman sabay napayuko.

"What?" gulat na tanong nito.

"Look Adam, it is the right time to find new one. 'yong hindi magiging pabigat sa 'yo, tanggap ko ng hindi tayo hanggang dulo. Siguro pinagtagpo lang tayo para iparamdam sa akin na pare-pareho lang kayong mga lalaki!" saad ko rito sabay kinuha ang maleta ko.

"No, mag-usap naman tayo Tri oh. Let me explain, it is not what you think and I'm sorry kung nasabi ko 'yon. I didn't mean it hon, please." pagmamakaawa nito.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon