Chapter 34

4K 89 1
                                    

"Time of death, 7:03 p.m"

The moment I heard that, biglang naging blangko lahat. Namanhid ang buo kong katawan at parang naubusan ako ng mga salita na sasabihin, parang umurong ang luha na gustong-gusto na sana lumabas.

Mayamaya pa, pumasok na sa isipan ko ang sinabi ng Doctor.

"Patay na siya?" saad ng isip ko.

Doon na nagsimulang tumulo ulit ang aking luha.

"Hindi! Doc nagkakamali lang kayo, hindi pa po siya patay." umiiyak na saad ko rito.

"I am sorry, condolence to yout family." saad ng Doctor sabay yumuko.

"No! Nanay, Tita hindi pa po siya patay!" humahagulgol na saad ko.

Nag-iyakan na rin sila kaya mas lalo akong nanlumo. Tatayo sana ako pero hindi ko pa talaga kaya...

"Please dalhin niyo ako sa kan'ya, nagkakamali kayo hindi pa siya patay." pagpupumilit ko sa kanila.

Tinulak ulit noong nurse ang wheel chair papasok sa loob, nanginginig ako habang nakatingin na patay na ang monitor na para sa puso.

"Brian naman, please tell me it's a joke. Bumangon ka na riyan, brian please." humahagulgol na saad ko habang pinaghahalikan ang palad nito.

"No, Brian!" saad ko habang niyuyugyog siya.

Sibubukan ko ulit tumayo pero napapapikit ako sa sobrang sakit, humawak ako sa higaan nito para doon humugot ng lakas para tumayo.

"Ma'am bawal po kayong tumayo," awat da akin noong nurse.

"Huwag mo akong hahawakan!" sigaw ko rito at tuluyan ng nakatayo.

"Brian, please gumising ka na. Ang daya mo naman, hinihintay kita oh. Akala ko ba babawi ka pa sa amin ni Brint? Please Brian, gumising ka na." umiiyak na saad ko rito habang yakap-yakap siya.

Hindi ko na ininda ang sakit na nararamdaman ko sa aking likuran, basta gusto ko na gumising na ulit si Brian.

"I am sorry, mahal na mahal kita Brian. Please gumising ka na," umiiyak pa rin na saad ko rito.

Mayamaya pa...

"Hey, stop crying I am still alive."

Bigla akong natigilan nang marinig ang boses nito. Agad ko naman itong tinignan at nakangiti itong nakatingin sa akin.

"What?" hindi makapaniwalang saad ko.

"I am sorry if I made you cry, hindi talaga 'yon totoo. I just pranked you," natatawang saad nito sabay pinunasan ang aking luha.

Hindi ko alam kung anong sasabihin, magkahalong tuwa at inis ang nararamdaman ko kaya pinaghahampas ko ang dibdib ni Brian.

"Aray! Aray naman Tri, sorry na." saad nito habang sinasalo ang mga hampas ko.

"Bakit mo 'to ginawa?" humahagulgol na tanong ko rito.

"Ang tagal mo kasing pumunta rito, kaya 'yon." sagot naman nito.

"You mean, matagal ka ng gising?" gulat na tanong ko rito.

"Yeah, hinintay nga kita eh pero sabi noong nurse hindi ka pa puwede tumayo kaya hinintay na lang kita " sagot naman nito.

"Brian naman eh, pinakaba mo ako ng sobra." naiiyak na saad ko rito.

"Shh tahan na, I am sorry. Actually ginawa ko talaga 'to dahil..."

Pambibitin nito sabay may nilabas na maliit na box mula sa likuran niya.

"Gusto ko sana lumuhod Trinity pero hindi ko pa kaya, so here I am lying on this bed and asking you... Will you be my wife?" tanong nito sabay binuksan ang maliit na kahon.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon