Chapter 12

4.9K 109 4
                                    

Brian's POV

Napahawak na lang ako sa aking pisngi, bigla akong napangiti ng mapait.

Mas masakit pa lang makita ang taong mahal mo na lumalayo, kasama ang taong mahal niya.

"Brian, okay ka lang?" tanong ni Margaux sa akin.

"I'm fine," maikling sagot ko.

Inalalayan niya naman akong makatayo, hindi ko maalis ang aking paningin kay Trinity at Adam na magkahawak-kamay na naglalakad palayo.

I wish, I am him.

"Brian siya ba 'yong tinutukoy mo sa plano natin? Pasensya na hindi ko kasi siya nakilala, kung alam ko lang sana edi hindi na tayo rito kumain." naiiyak na saad ni Margaux.

"It's already done Margaux, tsaka you don't need to say sorry." sagot ko naman dito.

"Sir okay lang po ba kayo?" tanong nang waiter sa akin.

"Yeah, pasensya na at nakatawag kami ng atensyon. Aalis na rin naman kami, ito nga pala 'yong bayad." sagot ko sa kan'ya sabay abot ng sampung libo.

"Sir, kasama po ba sa bayad ang order nila Sir Adam?" tanong nito sa akin.

"Sige isama mo na amd keep the change," saad ko at hindi na tinapos ang aking kinakain.

Nakatulala akong naglalakad palabas ng restaurant, kitang-kita ko ang mga matang nakatutok sa akin pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Brian wait," rinig kong tawag ni Margaux sa akin.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang tuluyan na akong makalabas. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang init ng luha na dumadaloy sa aking pisngi.

I wish I could tell you how much I missed you, I wish I could hug you and tell you how much I love you. But I can't, because you already have someone who can say those to you.

"Adam, why are you crying?" nagaalalang saad ni Margaux.

"Nothing, uwi na tayo." sagot ko rito sabay pinunasan ang aking luha.

Hinawakan naman nito agad ang aking braso sabay mahigpit na niyakap, binaon nito ang kan'yang mukha sa aking dibdib.

"I can see, you still love her. I'm scared, baka dumating 'yong araw na tuluyan mo na akong iwan." garalgal ang boses nito habang sinasambit ito.

Napapikit naman ako nang mariin nang marinig ang sinabi nito, she's important to me even though i'm just using her. Pero mas mahal ko pa rin siya.

"I'm sorry Margaux if I am the reason of the pain in your heart right now. I'm really sorry." saad ko rito sabay tinugon ang yakap nito.

"Ako na lang kasi Bri, ako naman 'yong nandito eh. Nakita mo naman 'di ba? Masaya na si Trinity, may pamilya na rin siya. Gusto mo ba ikaw ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilyang binuo nila?" seryosong saad ni Margaux sa akin.

"Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong gagawin ko, pero tutulungan mo pa rin naman ako 'di ba?" tanong ko rito.

"Oo naman, ang gusto ko lang ay sumaya ka Brian. Gagawin ko naman lahat, huwag mo lang ako iwan." sagot naman nito.

"Kung hindi ko man makuha si Trinity ulit, then let's make her life a living hell. Alam ko naman na may nararamdaman pa 'yon sa akin, kitang-kitang ko sa mga mata niya kanina kung paano niya ako tignan." desididong saad ko rito.

"I think she's good, pero dahil mahal kita ay tutulungan kitang gawin ang mga plano mo." nakangiti namang saad ni Margaux.

"That's why I want to stay with you eh, thank you." saad ko kay Margaux sabay hinalikan ang labi nito.

Matapos namin maghalikan ay inaya ko itong pumunta sa bar, ilang bucket din ang naubos namin. One on one, ang lakas din kasi uminom ni Margaux kaya madali lang itong naubos. Nang medyo natamaan na kami ng alak, pumunta kami sa gitna ng entablado at sobrang wild na sumayaw. Kulang na lang ay hubaran ko si Margaux doon, pero dahil hindi ko 'yon magawa ay hinalikan ko lang ito. Palalim nang palalim ang aming halikan at kung saan-saan na napupunta ang aking kamay sa katawan nito.

"Hmm," ungol nito nang kagatin ko ang labi nito.

"Oh sorry,"

Agad naman kaming natigilan ni Margaux nang may nakabangga sa amin.

"Keshelle?" gulat na tanong ko nang makita na nandoon si Keshelle.

"You should get some room at hindi kung saan-saan gumawa ng himala." pasigaw na saad nito dahil malakas ang tugtog.

"Why are you here? Alam kaya ni Lucsian na nandito ka?" tanong ko naman dito.

"Of course alam niya, we're chilling here." sagot nito sabay ngumuso sa bandang likuran ko. Then, I saw Lucsian na nakangiting aso na nakatingin sa amin.

"Ang weird niyo talagang dalawa!" sagot ko rito sabay hinila na si Margaux.

"Who's that girl?" tanong ni Margaux.

"Jowa 'yon ng kapatid ko," maikling sagot ko rito.

"Nakakabuwesit, panira ng moment!" reklamo nito.

"Oo nga eh, pero lets go? Lets have some coffee." sagot ko naman dito.

"Okay then," parang disappointed na saad nito.

Nag-take out na lang kami ng coffee para sa ibang lugar na lang namin 'yon inumin. May nakita akong spot na tanaw na tanaw ang mga bituin kaya pi-nark ko roon ang aking sasakyan at sinenyasan si Margaux na lumabas. Dala-dala namin ang aming mga kape at sumadal sa likuran ng aking sasakyan.

"Alam mo Brian, I am so thankful the moment I knew that there is Brian Nell Turner living in this world." pagsisimula nito sa usapan.

"Bakit naman?" tanong ko rito.

"Because I felt needed," nakangiti nitong saad sabay yumuko.

"Oh bakit parang malungkot ka naman?" takang tanong ko rito.

"Kasi pakiramdam ko, kahit ayaw mo sabihin ay alam kong mawawala ka na sa akin. Iyon 'yong pinakatatakutan ko, kaya hanggat kaya kitang ipaglaban? Ipaglalaban kita, hindi ako basta-basta sumusuko Brian alam mo 'yan." saad nito habang namumuo ang luha sa mata nito.

"I know, parang malabo na rin naman Margaux... I can see how happy she is right now, never ko siyang nakita na noon na sobrang saya ng dahil sa akin. Pero ngayon? Kitang-kita kung gaano siya kasaya." sagot ko naman dito.

"Babae ako Brian, masakit man sabihin pero ramdam ko... Mahal ka pa rin niya, hindi ko alam kung bakit hindi mo magawang buksan ang mga mata mo. You'll see, may alas ka hindi mo lang makita." makahulugang saad nito.

"Alas? Eh si Adam nga ang may alas eh, may anak na sila Margaux. Alangan naman buntisin ko siya para makuha ko siya 'di ba? Hindi ko pa alam Margaux, naguguluhan ako." sagot ko sabay hinga ng malalim.

"Trust me... Hindi ko sasabihin, hahayaan kong ikaw ang makakita noon. Pero habang maaga pa, susulitin ko ang mga araw na sa akin ka pa." saad nito kasabay ang pagtulo ng luha sa kan'yang mga mata.

Ang weird, halos lahat ng nakakausap ko halos makahulugan ang mga sinasabi. Anong alam nila na hindi ko alam?

Paano kung, tama nga pala si Lucsian?

Imposible, parang malabo na ako ang ama ng anak ni Trinity...

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon