Chapter 14

4.4K 98 1
                                    

Kinabukasan nagising ako sa iyak ni Brint, nang tignan ko si Nanay ay tulog pa ito. I checked my phone and it's just five thirty in the morning.

"Baby, why are you crying?" tanong ko rito sabay kinarga ito.

"I want to see Daddy Adam," umiiyak na sagot nito.

"Daddy is not here baby, tahan na please baka kasi marinig tayo noong bad guy." pagpapatahan ko rito.

"Mommy, I want milk." umiiyak na saad nito.

"Milk? Wait, check ko lang if may milk pa sa bag ko baby ah." saad ko rito sabay inabot ang aking bag.

Napahilamos ako sa sarili kong kamay nang makitang wala pala akong dalang gatas ni Brint.

Delikado, pero wala na akong ibang maisip. Ayaw ko naman gisingin si Nanay kaya ako na ang gagawa ng paraan.

"Ganito baby, hintayin mo ako rito okay? Lalabas ako at kukuha ng gatas, i'm sure may fresh milk naman siguro sa ref nila Brian." seryosong saad ko kay Brint.

Tumango naman ito sabay umupo ng maayos.

"Stay ka lang dito ha? Wait for Mommy to comeback." paglilinaw ko rito.

Hinalikan ko ang noo nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Para tuloy akong magnanakaw habang dahan-dahan na pinipihit ang door knob ng kuwarto. Parang may tambol sa loob ng aking dibdib habang maingat na binabagtas ang daan papuntang kusina.

"Para kay Brint," mahinang saad ko.

Laking ginhawa ang aking naramdaman nang tuluyan kong narating ang kusina. Nang masigurado kong walang tao, agad kong binuksan ang ref at napangiti nang may nakita akong fresh milk na puwede rin kay Brint. Agad ko naman itong kinuha at muntik ko pa itong mabitawan nang may narinig akong kumalabog malapit sa pintuan ng kusina.

"Goodness!" mahinang saad ko at agad na nagkubli sa gilid ng ref upang hindi makita.

Napahawak ako sa aking bibig at limitado ang bawat kilos, may tao sa loob ng kusina.

"Hmm, Brian dahan-dahan naman." saad ng babae.

Napasinghap ako nang maaninag sa maliit na ilaw na si Brian at Margaux ito. Naglalaplapan ang mga ito na para bang uhaw na uhaw sa isa't isa. Pakiramdam ko ay kakarating lang nila, wow naman iba rin ang life style ng mga ito.

"Why did you stop?" tanong ni Margaux nang tumigil si Brian sa paghalik sa kan'ya.

"Nothing, tara na sa kuwarto ko..." saad nito sabay hinila si Margaux.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang tuluyan na nilang lisan ang loob ng kusina. Kumuha lang ako ng isang baso at pinakiramdaman kung nasa labas pa ba sila. Nang wala na akong marinig ay maingat naman akong bumalik sa silid namin ni Nanay.

"Anak saan ka galing?"

Napahawak na lang ako sa aking dibdib nang biglang magsalita si Nanay, gising na pala siya.

"Kumuha ako ng fresh milk sa kusina Nay, humihingi kasi ng gatas si Brint kanina." paliwanag ko naman dito.

"Ganoon ba, wala bang nakakita sa 'yo? Sana ginising mo na lang ako para ako na lang ang kumuha." saad naman ni Nanay habang tinatali ang buhok nito.

"Alam ko po kasing pagod kayo, hayaan mo na Nay nandito na po eh." saad ko rito sabay nagsalin ng gatas sa baso.

"Milk!" tuwang-tuwa namang saad ni Brint.

"Yes Baby, mamaya ibibili kita ng gatas sa labas. Kapag wala ng tao, doon ako lalabas." saad ko naman dito.

"Sigurado ka ba anak?" tanong sa akin ni Nanay.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon