Chapter 21

4.7K 109 2
                                    

Aligagang-aligaga ako habang naghihintay sa labas ng emergency room, pabalik-balik ako sa aking paglalakad habang hinihintay ang Doctor na lumabas at magsabi ng balita.

"Anak kumalma ka, Trinity and Brint will be fine. Maupo ka muna rito," saad ni Mommy sa akin.

Nandito sila lahat, si Zachaos, Lucsian, Mommy and Daddy pati na rin si Aleng Tina and Adam. Tahimik lang si Adam at nakayuko sa isang tabi.

"Hindi ko talaga mapapatawad si Margaux kapag may nangyaring masama kay Trinity at Brint." saad ko habang nakakuyom ang aking kamao.

"Ngayon malakas na ang loob mo 'no na panindigan sila? Dahil ito na, may nangyari na. Kung hindi ka lang sana duwag, sana nabuo na kayo noong okay pa ang lahat!" biglang sigaw sa akin ni Adam.

Napakunot ang aking noo sa sinabi nito, "Are you serious Adam? Sabi ko nga 'di ba, wala pa akong alam noon! Kung sinabi lang sana agad sa akin ni Trinity edi sana mas maaga kong nalaman." sagot ko naman dito.

"Really? Eh noong sinabi niya nga sa 'yo halos hindi ka maniwala at ipagtulakan mo pa sila eh! Kung ayaw mo sa kanila Brian tell mw, hindi 'yong pinaparamdam mo sa kanila na hindi sila mahalaga! Handa akong panindigan sila Brian, huwag ka na lang sana umepal." saad nito habang nakatitig sa akin.

Susuntukin ko na sana ito nang bigla kaming awatin nila Zachaos at Lucsian.

"Guys please lang, respeto naman. Nasa kritikal na kalagayan sila Trinity oh, tapos heto kayo nag-aaway. Respeto na rin kay Aleng Tina, walang mangyayari kung patuloy kayong magbabangayan diyan." saad sa amin ni Lucsian.

"Iyang isa kasi diyan ang nagsisimula eh, masyadong mapapel eh hindi naman kasali sa pamilya!" pagpapamukha ko kay Adam.

"Oo hindi nga, pero hindi mo maaalis na may pinagsamahan din kami nila Trinity at Brint. Ako ang una niyang kinilalang Ama, sigurado ako hinding-hindi ka niya agad tatanggapin!" sagot naman nito sa akin.

"Adam! Sabing tama na eh," saway sa kan'ya ni Zachaos.

"Hindi madali Adam, pero sisiguraduhin ko na dadating din ang panahon na tatanggapin ako ni Brint at mabubuo ulit kami nila Trinity. Uulitin ko, hindi ka na kailangan nila Trinity kaya kung ako sa 'yo bumalik ka na lang sa america!" sigaw ko rito sabay ngiting aso.

"Tignan natin, dahil ang pagkakaalam ko... Isa kang bad guy sa mata ni Brint!" sigaw nito at tuluyan ng umalis.

Napailing na lang ako, "Kumalma ka na," saad  sa akin ni Zachaos.

"Ilang araw lang akong nawala, pagbalik ko malalaman ko na lang na may apo na ako? Tsaka ano ba 'tong pinasok mong gulo Brian, dinamay mo pa talaga sila Trinity?" saad sa akin ni Daddy.

"Dad hindi ko alam na hahantong pala sa ganito, trust me ginawa ko lahat huwag lang sila masaktan kanina pero parang baliw si Margaux kanina." sagot ko naman dito.

"So where's Margaux?" tanong nito sa akin.

"I dunno, nawala na siya sa isipan ko kanina dahil ang nasa isip ko na lang maligtas si Brint at Trinity." sagot ko naman dito.

"Iho paano kung balikan niya sila Trinity?" tanong sa akin ni Aleng Tina.

"Hindi na po 'yan mangyayari, sisiguraduhin ko na kapag nabuhay 'yon ay diretso na siya sa kulungan!" mariin na saad ko habang nakakuyom na naman.

"Anong ginawa mo?" tanong sa akin ni Daddy.

"Pinagtanggol ko lang po sila Trinity Dad, kung hindi ko siya binaril baka pati ako napatay niya." seryosong saad ko rito.

"Don't worry, kung sakali man na may magsampa sa 'yo ng kaso tatawagan ko lahat ng magagaling na lawyer natin. Pero bago ka niya makasuhan, kakasuhan din natin siya sa ginawa niya kina Brint at Trinity." sagot naman sa akin ni Daddy.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon