Chapter 9

5K 118 1
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Margaux.

"I said, can I court you?" pag-uulit ko.

"Pero kakasabi mo lang na hindi mo ako mahal tapos liligawan mo ako, ano ba talaga Brian?" naguguluhang tanong ni Margaux.

"Ganito na lang, mahal mo ako 'di ba? So gagawin mo lahat para sa akin?" tanong ko rito.

"Anything, huwag mo lang ako iwan." sagot naman nito.

Before I spill my plan, hinalikan ko muna ito ng mariin sabay kumawala.

"I need your help,"

Without any hesitation, pumayag siya. Nang maubos na namin ang aming ininom ay may nangyari na naman sa amin, napagod ito kaya nagpaalam na rin ako na uuwi na. Hindi ako pumasok ngayon, mas pinili kong planuhin ng maigi ang mangyayari.

Nang nasa bahay na ako, biglang sumalubong sa akin ang dalawa kong kapatid. When I checked the clock, it's already five thirty in the afternoon. Not their usual time to go home.

"What?" tanong ko nang mapansin na nakatitig lang ang mga ito sa akin.

"So bumalik na pala si Trinity?" tanong ni Zachaos.

"And so? Ano naman kung bumalik siya," sagot ko sabay buga ng hangin.

"I also heard na nagiging bitter ka, why again?" tanong ulit ni Zachaos.

"Bitter? Hindi ko ugaling maging bitter Zachaos, tsaka huwag ka magpaloko sa mga sinasabi sa 'yo ni Lucsian. Mahilig 'yan gumawa ng kuwento." naiinis na saad ko rito.

Nagkatitigan kami ni Lucsian, masyado kasi itong pabida. Mga desisyon ko pinapakialaman niya.

"Brian Nell, what's happening to you? Hindi ka naman gan'yan noong 'di pa bumabalik si Trinity eh, ano bang problema?" saad ni Zachaos habang hinihilot ang kan'yang sentido.

"Zachaos wala akong problema, siguro si Lucsian meron. Nananahimik ako rito, wala akong ginagawa!" bulyaw ko sa kanila sabay talikod.

"Wala nga ba? Eh kung pagsalitaan mo si Trinity eh parang ang laki ng atraso niya sa 'yo! Bakit, naiinis ka dahil may iba na siya? Kung hindi ka lang sana duwag edi sana kayo 'yont nagkatuluyang!" sigaw sa akin ni Lucsian.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao, isang maling salita pa Lucsian tatamaan ka na sa akin.

"Natahimik ka dahil totoo! Ginamit mo lang siya, hindi ka lang pala duwag eh. Manggagamit pa!" paulit-ulit nitong saad.

Nang hindi ko na mapigilan ang aking gakit ay agad ko itong sinugod sabay sapak sa kan'yang pisngi at sinundan ng isa pang sapak sa kan'yang sikmura.

"Ano? Mahina ka pala eh! Puro ka lang satsat Lucsian!" galit na galit kong sigaw dito.

"Lucsian, Brian ano ba! Tama na 'yan, magkapatid tayo bakit kayo nagsasakitan." awat sa amin ni Zachaos.

"Si Lucsian kasi eh, masyadong naghihimasok sa buhay ko! Bakit, noong naging kayo ba ni Keshelle pinakialaman kita? 'Di ba hindi?" sigaw ko rito.

"Brian ang sa akin lang nama mag-usap kayo ni Trinity, Brian hindi mo ba napapansin? Anak mo 'yong bata! Magkamukhang-magkamukha kayo!" saad nito.

Heto na naman siya, pinipilit na anak ko 'yong bata na dinadala ni Trinity.

"Sabing 'di ko iyon anak eh!" sigaw ko roto sabay tadyak sa kan'yang sikmura.

Napaupo naman ito habang sapo ang tiyan, "Para kayong mga bata! Pareho ko pa naman kayong Kuya tapos nagkakagan'yan kayo, tama na!" galit na rin na sigaw ni Zachaos.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon