Chapter 17

4.5K 119 1
                                    

Brian's POV

Pareho kaming natigilan ni Margaux sa aming ginagawa nang biglang magbukas ang pintuan ng aking kuwarto. Namilog ang aking mata nang makitang si Trinity nakatulala ito at gulat na gulat.

"What the hell! Hindi ka ba marunong kumatok Trinity?" bulyaw ni Margaux dito.

"S-sorry," nakayuko naman nitong sagot.

Kinuha ko 'yong kumot at tinakip sa aking katawan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko rito.

"Hinahanap ko kasi si Brint, pasensya na kung nawala sa isip ko na may tao pala sa kuwarto." sagot naman nito.

"Anong klaseng ina ka? Anak mo tapos mawawala, bakit ka nga pala nandito sa bahay nila Brian?" sabat naman ni Margaux.

Nagtaka ako nang makita ang malungkot na mata nito, may nangyari ba?

Pero imbes na sagutin ito ay, "Sige na magpatuloy na kayo pasensya na talaga kung nadisturbo ko kayo." saad nito sabay malungkot na umalis.

Susundan ko sana ito nang bigla akong hilahin ni Margaux. Mayamaya pa ay kasunod nitong pumasok si Zachaos.

"Hindi niyo ba nakita si Brint?" humihingal na tanong nito.

"Bakit mo alam na nawawala si Brint?" tanong ko rito.

"I'm helping Trinity to find her son. Umalis kasi kami kanina tapos pagbalik namin wala na si Brint dito." sagoy naman nito.

Bigla akong natigilan at napaisip sa sinabi nito.

"What do you mean? So siya pala 'yong kasama mo kanina!"  gulat na sigaw ko rito.

"Will explain it later, tulungan ko na muna siya maghanap." sagot naman nito at lumabas na.

Pero bigla itong bumalik at mataman kaming tinitigan ni Zachaos.

"Mag-lock din kayo next time, mabuti na lang at hindi rito napunta si Brint baka kapag nangyari 'yon... Hindi ko na alam, baka hindi ka niya talaga kilalanin." seryosong saad nito at tuluyan ng lumabas.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito, ano bang ibig niyang sabihin?

"Baby, you okay?" tanong sa akin ni Margaux.

"Magbihis ka na Margaux, kailangan ko oa makausap sila Trinity. Bakit kaya nandito sila?" saad ko rito at naghanap na ng masusuot.

"What, don't tell me you'll gonna help her?" gulat na tanong ni Margaux sa akin.

"Why not? Margaux si Brint 'yong nawawala, gusto ko lang siya tulungan!" sagot ko naman dito habang nagmamadaling magbihis.

"I am not leaving, not until Trinity will leave your house." mariin na saad nito.

"Ikaw bahala," saad ko rito at tuluyan ng lumabas.

"Nasan ang susi ng stock room?" agad naman akong napalingon sa may pintuan nang marinig ang boses ni Mommy.

"Trinity! Zachaos! Bumaba kayo rito," tawag ni Mommy sa kanila.

Hindi ko alam pero naguguluhan ako sa mga nangyayari, what is really happening?

"Tita nakita niyo na po ba si Brint?" naiiyak na tanong ni Trinity kay Mommy.

"Iha kumalma ka lang, I heard someone crying at nasa loob siya ng stock room. I don't know kung si Brint man 'yon, pero kailangan na natin siya ilabas doon." nagmamadali namang saad ni Mommy.

"Sino nagkulong sa kan'ya roon?" naiiyak na saad ni Trinity.

Binigay ng isa naming katulong kay Mommy ang susi kaya agad naman itong lumabas kasunod sila Zachaos at Trinity. I don't know but I found myself following them.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon