Chapter 28

3.9K 99 1
                                    

Brian's POV

Hindi sana ako papayag sa kagustuhan ni Adam na pakawalan siya at bumalik sa America, alam ko kasi na anytime puwede siya bumalik para guluhin ulit kami pero desidido na si Trinity kaya pumayag na lang din ako. Nakita ko rin kasi na halos isang taon na ang lumipas at hindi naman na ito nanggugulo. Unti-unti ng natatanggap ni Brint na ako talaga ang Daddy niya which is good, kasi si Trinity na naman ang susuyuin ko. Gusto ko na ulit magsimula na kasama siya at kasama ang baby namin na si Brint.

Sisiguraduhin ko na pagkatapos ko sa lahat ng meeting na 'to ay babawi ako sa kan'ya at kay Brint. Nagiging abala na kasi ako dahil si Zachaos at Lucsian ay abala rin sa naka-atas sa kanila. I miss my son and Trinity so much. Habang nasa kalagitnaan ako ng meeting, biglang tumawag si Trinity at sinabing may nagpadala raw sa kan'ya ng bulaklak at  cake.  Bigla tuloy akong kinutuban, paano kung gumagawa na ulit ng paraan si Adam para makuha sila Trinity?

Nagpaalam ako sa board na maaga akong aalis, instead na ala-sais ay alas tres ako ng hapon umalis. I wanna see her as soon as possible. Dumaan ako sa paborito niyang coffee shop at binili ang paborito niyang kape, good for two ang binili ko para makapag-chill kaming dalawa habang nagkakape. Excited na akong makita si Trinity, nasa elevator pa lang ako ay hindi na ako mapakali.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng office ni Trinity ay napakunot ang aking noo, ngayon pa ba 'to kumain? Tama nga ako, pero sana hindi ganito palagi baka kasi malipasan siya at ano pa mangyari sa kan'ya.

Then I heard na kay Norman ito galing, that name is really familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko 'yan narinig, basta pamilyar ito sa akin. Bigla namang sumakit ang aking ulo kaya nagpaalam ako sa kan'ya ns magpahinga na muna. Inayos niya 'yong couch para higaan ko raw.

She's so sweet, I can't resist it kaya nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"I love you," bulong ko rito sabay pikit.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang tinugon niya ang aking yakap.

Pasasaan ba't magiging okay na rin lahat, ikaw at ako kasama si Brint.

"Sige na magpahinga ka na, nandito lang ako." saad nito habang hinahaplos ang aking likuran.

"Huwag mo 'ko iwan ha?" nakapikit na saad ko rito.

"Oo naman, hindi kita iiwan kaya magpahinga ka na." sagot naman nito.

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kan'ya at tinitigan muna siya sabay hinalikan ang noo.

"Magpapahinga na ako, ikaw din baka pagod na pagod ka na." saad ko rito at humiga na sa couch.

"I'm fine, titignan na lang kita." nakangiti naman nitong saad.

Ang bading Pre, biglang uminit ang aking pisngi kaya tinakpan ko ng braso ko ang aking mukha.

Ang bakla pero kinikilig ako!

Sinulyapan ko muna ito na nakangiti habang nakatitig sa akin bago ako tuluyang natulog.

"Brian! Good to know that you are here already, may sasabihin kasi kami sa 'yo."

Hindi ko mapigilang kabahan nang makita si Adam, he's back?

"Anong kailangang mo Adam? Bitawan mo si Trinity at si Brint!" bulyaw ko rito nang makitang hawak niya ang kamay ni Tri.

"Bakit? Wala kang karapatan para sabihin sa akin kung ano ang gagawin Brian, na-miss ako ng mag-ina ko kaya dadalhin ko na sila ulit sa America!" nakangiti naman nitong saad sa akin.

"No! Hindi ako makakapayag, Adam masaya na kami kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!" nanggigigil na saad ko rito.

"Tama na Brian! Kusang loob kaming sasama kay Adam, wala ka ng magagawa roon!" singit ni Trinity na nagpa-gunaw ng puso ko.

"Ano, Trinity akala ko ba magsisimula na tayo ulit pero bakit ka sasama sa baliw na 'yan?" naiiyak na tanong ko kay Trinity.

"Kasi mahal ko siya!"

"No!"

"Brian!"

Bigla naman akong nagising habang habol-habol ang aking hininga. Nang makita ko si Trinity sa harap ko ay agad ko itong niyakap.

"I am sorry for what I've done to you in the past, sobra ko 'yong pinagsisihan kaya bumabawi ako sa 'yo ngayon. Please, don't leave me. Hindi ko kakayanin kapag umalis ka, please don't leave me." nakapikit kong pagmamakaawa rito habang yakap-yakap siya.

"Hey calm down, walang aalis. Tsaka kung ano man 'yang napanaginipan mo, hindi 'yan totoo okay? Hindi kita iiwan Brian," sagot naman nito habang pinapakalma ako.

"I'm scared, akala ko bumalik na naman si Adam." sagot ko habang yakap pa rin siya.

"Look at me Brian, I am here oh. No one can get me to you okay? Mahal na mahal ko kayo ni Brint at walang makakasira doon." saad nito habang nakatitig sa aking mata.

"You love me too?" gulat na tanong ko rito.

Napakagat naman ito sa pang-ibaba niya, "Oo naman... Sa palagay ko nga hindi 'yon nawala eh, binaling ko lang sa iba ang atensyon ko kaya naging kami ni Adam. But later on, na-realize ko na hindi pala nawala 'yong pagmamahal ko sa 'yo." paliwanag naman nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti, ito 'yong gusto kong marinig matagal na.

"Thank you, hindi ko sasayangin ang chance na binigay mo. Papatunayan ko araw-araw na deserved ko 'to, I will marry you as soon as you are ready." seryoso kong saad dito.

"I wanna marry you too, pero sa ngayon si Brint na muna okay? Alam ko malapit na tayo sa goal natin, patience lang." nakangiti nitong saad habang hinahaplos ang aking pisngi.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya sinunggaban ko na ito ng halik. Naramdaman kong nagulat ito pero kalaunan ay tinugon niya rin ang aking halik. Nakapikit lang ako habang ninanamnam ang tamis ng sandaling 'yon.

I missed this.

Agad naman kaming natigilan nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Trinity at niluwa nito ang isang pamilyar na mukha.

"Ma'am pasensya na po sa disturbo ma'am, ihahatid ko lang po sana itong daily report." saad nito sabay kamot sa ulo niya.

"I-it's okay Norman, ilagay mo na lang diyan." nahihiya namang sagot ni Trinity.

Hindi nakapagsalita, tulala pa rin ako habang nakatingin sa kan'ya. This can't be! Napatingin naman ito sa akin sabay sumilay ang ngiti nitong makahulugan.

"Sir, long time no see po! Good to see you again," nakangiti nitong bati sa akin.

"You know him?" takang tanong ni Trinity.

"No, I mean..." hindi ko alam kung paano, bakit hindi ko alam?

"Gulat na gulat ka po Sir, na-miss niyo po ba ako?" nakangiti pa rin nitong saad.

"Brian, you okay?" tanong sa akin ni Trinity.

"Y-yeah, nagulat lang ako." sagot ko naman.

Sino ba naman ang hindi makakaalala kay Norman?

Malaki ang kasalanan ko sa kan'ya kaya alam ko, bumalik ito para maningil.

Turner's Series 3: Marrying You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon